Ang Green Machine slot ay isang simple ngunit may ibubugang laro. Ang mga players na nagsawa na sa malalaking bonus rounds o kumplikadong mga game systems ay siguradong magugustuhan ang isang maikling session ng pure slots. Ang mga taong hindi pa nakapaglaro o malimit maglaro ng slot machines ay siguradong tatangkilikin din ang pagiging simple ng Green Machine.
Hatid ng Green Machine Slot Big Win ang mas maraming sorpresa, kabilang na dito ang kaabang-abang na free spins at pagtatapat-tapat ng limang mga simbolo na maghahatid ng swerte sa mga naglalaro nito.
Green Machine Slot Big Win
Ang Green Machine Slot Big Win ay ang ika-209 na laro ng High 5 Games. Mayroon kang pagkakataon na manalo ng jackpot sa bawat spin. Ang larong ito ay angkop sa mga baguhang manlalaro ng slot machine dahil bukod sa napakasimple nito, mas madaling sundin at maunawaan ang mechanics. Ang laro ay may 5 reels at ang bawat isa ay iba’t iba ang nakatakdang pakay – may tatlong mga spot bawat linya upang ipakita ang mga simbolo. Anumang value ang lumabas sa bawat spot ay katumbas ng halagang mapapanalunan. Kung mahigit sa isang reel ang may ipinakitang halaga, idinadagdag ito sa premyo kaya lalong lumalaki ang kabuuang panalo.
Sa umpisa ng laro, hindi mo agad makikita ang mga simbolo o icon dahil ang mga reels ay nagsisimulang blangko. Ito ay isang magandang pagkakataon para usisain ang paytable at tignan ang mga halagang katumbas ng bawat aksyong mangyayari at mga simbolong lalapag sa slots. Kung may lamang credit ang mga reels, makakakuha ka ng tinatawag na “scatter pay”.
Ito naman ang mga credit values na pwede mong makuha sa mga reels: 1,000, 500, 100, 50, 20, 10, 5, 2 at 1. Makukuha mo ang mga halagang ipinapakita ng credit values sa lahat ng nilarong mga reels at ito ay mas lalaki pa dahil sa multiplier. Ang lahat ng reels ay palaging may laman sa kabuuan ng laro. Ang bawat reels sa larong ito ay may kani-kanyang potensyal na maka-jackpot. Ang pinakamataas dito ay ang Reel 3, kung saan ang jackpot ay katumbas ng 1,000x ng iyong taya.
Ang Takbo ng Laro
Karamihan sa mga slot machines ay simple lang ang layunin. Tumitig lang sa screen, at hintaying tumapat ang magkakatulad na mga simbolo mula kaliwa pakanan sa iyong mga payline. Sa katunayan, ang format na ito ay pangkaraniwan at halos pareho rin ng mekanismong nasa anumang slot game. Isa mang tipikal na 5-reel slot ang Green Machine, meron naman itong naiibang karisma.
Ang slot machine na ito ay masasabing isa sa pinakamadaling intindihin. Kagaya ng nabanggit, ito ay may 5 reels at 3 rows. Hindi ito gumagamit ng anumang mga payline. Ang mga manlalaro ay simpleng pupusta lamang sa reels. Gayunpaman, hinihikayat ang mga players na laging pumusta sa lahat ng reels. Sila ay kailangang tumaya ng 1 credit sa bawat reels, at ang pagtaya ng higit pa ay may pag-asang madoble ang pera!
Walang mga wilds o anumang espesyal na mga pakulo sa laro. Ang buong game ay nagpapatakbo ng scatter rules para sa panalo. Tulad ng kasabihang, “What you see is what you get,” kung may lalabas na $1 sa isa sa 15 spaces, ito ay agad na dadagdag sa panalo ng manlalaro. Makikita rin ng mga players ang mga dollar values mula $1 hanggang $1,000 para sa bawat space.
Pagkatapos ng bawat spin, ang mga halagang lalabas ay binibilang at binabayaran. Isa rin sa mga sorpresa ng laro ay ang kanilang sistema ng jackpot na magagamit lamang tuwing may normal spins. Ang bawat reels ay maaaring magkaroon ng isang gintong bar symbol na mag-uudyok ng jackpot. Nagsisimula ito sa isang 20x na kabuuang taya ng mini jackpot sa Reel 1.
Ang jackpot rin ay maaring lumaki ng 40x, 200x, 400x hanggang 1,000x nang kabuuang pusta – para sa Grand Jackpot sa ika-limang reel. Minsan lamang lumabas ang simbolo para sa jackpot. Walang ibang mga tugma o set-up ang kinakailangan.
Tunay na nakakaaliw ang laro. Medyo nakakakaba rin. May potensyal na manalo ng malaking premyo sa bawat spin, ngunit pwede ring malugi kapag talo ang kinalabasan ng malaking pusta. Marami rin namang pakunswelo o maliliit na panalo. Dahil diyan, hindi na masyadong mabigat sa loob kapag may mga rounds na hindi pinalad manalo.
Ang takbo ng laro ay maaring maiba kapag lumabas na ang isang simbolo na may $50 o $100. Dahil dito, ikaw ay may pagkakataong makamit ang isa sa mga malaking jackpot. Samantalahin din ang pagkakaroon ng libreng bonus spin. Malaking tulong ito para lumaki ang tyansang manalo.
Ang Free Spins Bonus Round
Sa Green Machine Slot Big Win ay mayroong mga free spin symbols na nagbibigay ng 1, 3 at 5 na libreng spins. Kung ang mga manlalaro ay nakakuha ng higit sa isa sa parehong spin, naiipon ito para sa bonus round. Gumagamit rin ang mga libreng spin ng parehong bet multiplier na nagpapalabas sa mga ito.
Espesyal ang bonus round dahil posibleng makakuha rito ng mas maraming libreng spins. Ang lahat ng tatlong simbolo na nakuha sa libreng spins ay kasali na rin sa buong laro. Kapag nagamit na ang lahat ng mga libreng spins, ang kabuuang panalo ay binibilang at binabayaran.
Konklusyon
Ang sinumang may gusto ng mga espesyal na features, sorpresa at mini-game ay malamang na hindi makakatagal sa laro. Ngunit nakakatuwa pa ring maglatag ng ilang matataas na pusta bago mag-spin sa Green Machine Slot Big Win. Suriin ang Big Win Club para sa mahusay na mga laro ng slot machine para sa mga manlalaro ng Pinoy.
Sa katunayan, ang “uncluttered simplicity” ng mga blangkong reels ay ginawang halos perpekto para sa mga baguhan pa lang sa laro. Sinadya ito para maka-focus at hindi ma-distract ang mga tao sa mga imahe o graphics na nasa laro.
Ang mga panggulat na bonus ay nagbibigay din ng kapana-panabik na yugto sa laro. Ito ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ito ng mga manlalaro. Malaking papremyo ang naghihintay kapag tama ang diskarte ng players nito. Kaya’t huwag nang magpatumpik-tumpik pa at simulan na ang laro!