Ang Kuku Kube Puzzle Game
May mga pagkakataon bang napapaisip ka tungkol sa kalagayan ng iyong mga mata? Maayos nga ba talaga ang iyong paningin o mukhang may problema ito? Isa sa pinakaimportanteng bahagi ng ating katawan ang ating mga mata. Ito ang nagbibigay sa atin ng paningin para makakita, makapagbasa at makakilos ng mabuti. Sa kasalukuyang panahon, maliban sa pag-iwas sa mga sakit, dapat din nating pahalagahan ang ating paningin. Ang maghapon at magdamag na pagtutok sa mga gadgets dahil sa trabaho o paglalaro ay may hindi magandang epekto sa ating paningin.
Ang hindi tamang paggamit at pang-aabuso sa mga mata ay madalas na nagiging dahilan ng mga problema sa kalusugan. Kung may nararamdaman kang problema sa iyong mata ngayon at nais mong subukan kung gaano kalinaw ang iyong paningin, maaaring gamitin bilang tool ang Kuku Kube Puzzle Game. Mahalagang paalala lang, kahit na nagbibigay ng tamang impormasyon ang larong ito tungkol sa kalagayan ng paningin, mas mabuting ipakonsulta ang kalagayan sa mga doktor.
Ito ay nagsisilbing simpleng test para sa paningin at hindi ito katumbas ng isang medical diagnosis. Kung interesado kang malaman ang mas marami pang impormasyon tungkol dito, magpatuloy lamang sa pagbabasa. Samantala, kung sakali namang naghahanap ka ng ibang laro katulad ng mga online casino games, i-download ang Big Win Club app. Maraming mga laro na pwedeng pagpilian dito at may mga paraan din kung paano ito mapagkakakitaan.
Features at Gameplay
Kagaya nang nabanggit sa itaas, ang larong ito ay susubukan ang iyong paningin. Isa sa mga pangunahing feature nito ay ang simpleng disenyo at graphics. Ito ay isang single-player game. Walang makakalaro o makakalaban dito. Progresibo ang larong ito, sa bawat pagtaas ng iyong level ay nagiging mas mahirap ang mga pagsubok. Maihahalintulad mo din ang mga tampok na laro sa isang puzzle. Ngunit, ang mga makulay na kahon na bumubuo sa board ay hindi mga piraso ng puzzle na kailangang mabuo, ibang-iba ang gameplay nito. Ang mga sumusunod ay ang pagkakaiba ng Kuku Kube Puzzle Game sa mga ordinaryong puzzle games:
- Sa unang tingin, aakalain mong ang mga kahon ay may isang kulay lamang. Kailangang matukoy ang kahon na may ibang uri ng shade o tingkad ng kulay sa board. Ang tingkad ay tumutukoy sa intensidad ng kulay, kung gaano ito kaliwanag o kadilim. Pindutin lamang ang napiling kahon.
- Mas naging mapanghamon pa ang larong ito dahil sa time limit sa bawat level. Mayroon lamang 60 segundo ang mga manlalaro upang mahanap ang naiibang kulay sa mga kahon. Kapag hindi ito nagawang sa loob ng itinakdang oras, nangangahulugan ito ng pagkatalo.
- Ang pag-tally ng mga puntos dito ay right-minus-wrong. Ibig sabihin, sa bawat maling pagpili mo ay nababawasan ang pangkalahatang puntos. Sa ganitong paraan, mas nagiging mahirap para sa mga manlalaro ang makaipon ng mataas na puntos. Kakailanganin mo talaga ng matinding pokus at malinaw na paningin.
- Sa bawat level ng laro, may mga sari-saring hamon na naghihintay. Ang halimbawa nito ay nagbabago ang kulay ng mga kahon kaya nakakalito talagang piliin ang kahon na naiiba. Minsan may mga karagdagang harang din sa mga kahon kaya kailangan mong maalis ito bago makita ang iyong hinahanap.
- May mga bagay na ipinagkaiba sa bersyon ng nasa mobile device at desktop. Sa mobile version ng laro, hindi ka maaaring mag-level up kung hindi ka makakaabot ng 20 na puntos. Sa mga naglalaro naman gamit ang desktop, patuloy silang nakakapaglaro kahit na ubos na ang kanilang oras.
- Sinusukat ng larong ito ang iyong color vision at eyesight sa pamamagitan ng iyong kabuuang puntos. Ang puntos na 11 pababa ay nangangahulugang ang player ay may mahinang paningin. Ang 15 hanggang 20 na puntos naman ay nangangahulugang may mababa hanggang sa katamtamang linaw ng paningin. Ang 21 hanggang 30 naman ay nangangahulugang nasa mabuting kondisyon ang iyong mga mata.
Ang Siyensya sa Likod ng Larong ito
Isa mga kahanga-hangang bagay tungkol sa larong ito ay ang mapagkakatiwalaan nitong resulta. Ito ay batay sa siyentipikong kaalaman kung paano natin nakilala ang mga kulay. Alam mo ba na mayroon tayong malawak na pagkakakilanlan ng mga kulay? Maliban sa katotohanan na may iba’t ibang kulay sa ating paligid tulad ng pula, luntian, asul, itim, at iba pa, ang mga ito ay may pinagkakaiba kung ikukumpara ang maliliit na detalye. Halimbawa, ang kulay ube o violet na hindi masyadong matingkad ay nagiging purple o di kaya ay pastel violet. Ito ang isa sa mga dahilan kung paano nagbabago ang uri ng kulay ayon sa shade o tingkad nito. Ang tingkad ng isang kulay ay batay sa kung gaano ito kaliwanag o kadilim. Nagagawa nating matukoy ang mga iba’t ibang tingkad ng isang kulay dahil ang ating mga mata ay sensitibo sa liwanag. Sa katunayan ay mayroon tayong milyun-milyong mga cells na nakakatukoy ng liwanag. Ito ang konseptong ginagamit sa color vision test kung saan sinusubok ang kakayahang tumukoy at kumilatis ng iba’t bang tingkad ng mga kulay. Ang larong ito ay isang uri ng color vision test. Isa itong paraan upang malaman kung nasa mabuting kondisyon pa ba ang iyong paningin. Ang Color Vision Test ay mas kilala sa tawag na Ishihara Test bilang pagkilala sa gumawa ng pagsusuring ito na si Shinobu Ishihara. Naiiba lang ang larong Kuku Kube dahil sa ginamit nitong hugis kahon. Bawat board ay isang kulay lamang ang ginamit maliban sa nag-iisang may naiibang tingkad. Ang paggamit ng konsepto ng Color Vision test ay nagdaragdag din sa pagiging wasto ng resulta nito. Subalit, tandaan lang ang paalala na ang resulta ng larong ito ay hindi isang alternatibo sa pagpunta at pagpapakonsulta sa doktor.
Konklusyon
Ang Kuku Kube ay idinisenyo ng developer na Network 365 at inilabas noong 2014. Isa itong casual game na pwede mong laruin offline. I-download lang ito sa iyong Android at iOS mobile device o di kaya ay hanapin ito gamit ang browser ng iyong computer. Napakaliit lang ng download size nito na aabot lamang sa 1.01MB. Swak ito kahit kaunti na lang ang natitirang space sa device na gamit mo. May mataas itong rating sa Play Store ngunit may 5,000 na downloads lamang ito. Maganda at simpleng paraan din ito para magpalipas ng oras.
Ang Kuku Kube Puzzle Game ay isang payak ngunit nakakaaliw na laro. Isang mahalagang bagay din na ito ay may kakayahang tukuyin ang kondisyon ng iyong paningin. Idagdag din natin na sa siyensya at lehitimong mga pag-aaral ibinatay ang larong ito. Ang pinagsamang laro at siyensya ay tunay ngang nagbunga ng isang larong nakakaaliw at nakakatulong talaga. Ang resulta sa larong ito ay maaaring maging batayan para magpatingin sa eksperto at para maiwasan at masolusyunan ang problema sa iyong paningin.