Ang Liquid Sort Puzzle
May mga pagkakataon bang nagsasawa ka na sa pagbabasa ng mga nakakabagot na posts sa Facebook? Sumasakit na ba ang iyong ulo sa panonood ng mga paulit-ulit na mga videos sa YouTube? Hindi natin maipagkakaila na napakahalaga na ngayon ng pagkakaroon ng sariling mobile device. Bukod pa sa ito ang pinakamabisa at mabilis na paraan ng komunikasyon, marami din itong mas mahahalagang gamit. Para sa karamihan, ang mga gadgets ay ginagamit na ngayon para kumita ng pera, ang iba naman ay gamit ito para matuto at makasunod sa online class. Pero higit sa lahat, marami ang gumagamit ng cellphone para makapaglaro. Kung naghahanap ka ng panibagong kaaaliwan gamit ang iyong mobile device, halina at kilalanin ang larong Liquid Sort Puzzle.
Ang Liquid Sort Puzzle ay simple ngunit makulay na laro na gawa ng Picolaf Global. Ang kumpanyang ito ay isang game developer na nagsimulang maging aktibo sa paglulunsad ng mga laro noong taong 2020. Sa ngayon, may dalawang laro pa lamang sila na nailabas. Sila din ang kumpanya sa likod ng larong Block Puzzle Jewel Blast.
Features at Gameplay
Ang larong ito ay talaga namang para sa lahat dahil sa simpleng features at napakadaling gameplay nito. Larawan ng mainit at maalikabok na disyerto ang ginamit na background dito. Ang game level kasama ng iba pang mga icons tulad ng reset at menu ay makikita sa itaas na bahagi ng iyong game screen.
Gaano ito kadaling laruin? Sa simula ng laro, makikita ang mga bote na may laman na iba’t ibang kulay ng likido. Mayroon ding mga bote na walang laman. Ang pangunahing layunin dito ay kailangang mapuno ang mga bote ng likidong may isang kulay lamang. Halimbawa, ang isang bote na mayroong kulay asul na likido ay hindi maaaring lagyan ng kulay pulay. May mga bote din na naglalaman ng magkahalong mga kulay. Kailangan lamang ibuhos muna ang likido na nasa unahang parte ng bote bago makuha ang iba pang laman nito. Sa tuwing mapupuno ang mga bote ay lalagyan ang mga ito ng takip na ibig sabihin ay pasok na ang manlalaro para sa susunod na level. Patuloy na nagiging mas mahirap ang mga pagsubok habang nagle-level up. Nadadagdagan ang bilang ng mga bote na kailangang punuin at ang mga likido ay nagkakaroon ng mas marami at halu-halong kulay. Sa bawat round na malalampasan mo ay may makukuha kang mga gold coins ngunit pwede mo lamang itong gamitin para bumili ng mga items sa laro gaya ng ekstrang bote na walang laman o kaya ay para mapalitan ang background at theme ng laro. Maaari na magdagdagan ang iyong gold coins sa pamamagitan ng panonood ng mga ads.
Makikita ang Liquid Sort Puzzle app sa Playstore at App Store, at hindi kinakailangang mabayad para makapag-download nito. Hindi na rin kailangang mag-register o gumawa ng account.
Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro
Ang mga sumusunod ay ang mga magagandang aspeto ng laro:
- Ang larong ito ay simple at madali kaya kahit sino ay pwedeng sumali, maging bata o matatanda ay kakayanin ang larong ito.
- Nakakatulong ang kaalaman sa laro para mapabuti ang pokus at konsentrasyon lalo na kung gusto mong kalimutan pansamantala ang iyong mga problema.
- Walang time limit ang bawat round ng laro kaya maaari kang maglaro hanggang gusto mo. Wala kang kalaban dito, computer man o ibang manlalaro.
- Pwedeng i-reset ang round kung nahihirapan ka at kung sakali mang mali ang mga nauna mong diskarte. Wala kang dapat ipangamba dahil wala itong katumbas na parusa.
- Pwedeng maglaro ng hindi nakakonekta sa internet. Huwag mamroblema kung mabagal ang iyong internet o kaya naman ay wala kang budget para sa data. Kahit na wala ka pang signal ay makakapaglaro ka nito. Isa itong magandang paraan para magpalipas ng oras habang may hinihintay.
- Hindi mo kailangang gumastos para makapaglaro. Kung sakali namang gusto mo na magdagdagan ng ekstrang bote, magkaroon ng resets o mapapalitan ang tema ng laro, kailangan lamang na manood ng ads para makakuha ng maraming coins at magamit ito. Bagama’t maaari rin namang magbayad ng maliit na halaga para mawala ang mga nakakaistorbong mga ads o patalastas, iyon naman ay kung talagang gusto mo lamang.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga hindi masyadong maganda na aspeto ng laro:
- Madalas na paglabas ng mga ads. Hindi mo maiiwasang mairita sa dami ng ads na biglaang sumusulpot sa kalagitnaan ng paglalaro lalo na kapag bukas ang iyong internet connection. May solusyon din naman dito, maari kang maglaro offline upang matigil ito.
- Maraming mga laro ang may katulad na konsepto kaya hindi natin masasabi na ito ay talagang kakaiba. Subalit, ito marahil ang pinakasikat kung ikukumpara ito sa mga kakumpitensya.
- Ang larong ito ay maaaring maging nakakabagot sa katagalan dahil ito ay paulit-ulit lamang. Ito ay single-player game kung kaya’t wala kang magiging kalaban o kakampi. Kaya masasabing ito ay hindi kasing exciting at challenging tulad ng iba.
- May ibang manlalaro na nakakaranas ng biglaang pagpi-freeze o pagka-crash sa kalagitnaan ng laro. Ang iba naman ay nagsasabing minsan hindi nila mabuksan nang maayos ang laro.
- Walang paraan para kumita ng totoong pera. Kung balak mong kumita ng pera habang naglalaro, hindi ito ang larong hanap mo. Ang larong ito ay idinisenyo upang mapaglibangan lamang at hindi para mapagkakitaan. Wala kang pagkakataon na mapalitan ng totoong pera ang mga napanalunan mong gold coins dito.
Subalit, kung gusto mo ng laro na kagaya din nito kung saan maaari kang kumita ng pera, magandang alternatibo ang Big Win Club app. Marami ditong mga larong mapagpipilian at mga papremyong pwedeng mapanalunan.
Kabuuan
Ang Liquid Sort Game ay opisyal na inilabas noong Setyembre 10, 2020. Sa loob ng mahigit isang taon lamang, nakakabilib na mayroon na itong 10 million+ downloads sa Play Store. Ibig sabihin ay marami talaga ang naglalaro at nahuhumaling dito. May 49,000+ na reviews ito mula sa mga manlalarong sumubok na nito at may mataas at nakakabilib din itong pangkalahatang rating na 4.4 stars. Batay sa mga impormasyong ito, hindi maipagkakaila na ito ay gusto ng karamihan. Kaya kung ang hanap mo ay larong wala masyadong paandar ngunit talaga namang nakakarelaks, huwag nang magsayang ng oras at ito ay subukan.