Ano ang Lost in Blue Switch?
Ang Lost in Blue Switch ay isang online video game na kapareho ng mobile game na Sandbox. Sumikat ang larong ito sa mundo ng gaming sa loob lamang ng maikling panahon. Ang larong ito ay kasama sa serye ng mga pambatang survival games na inilabas ng game developer na Konami. Ang Lost in Blue Switch ay ginawa upang gayahin ang mga matitinding karanasan kung paano mabubuhay sa isang mapanganib na isla. Meron itong mga PVE at PVP na sangkap upang magkaroon ng interaksyon ang mga manlalaro sa bawat isa at maging sa mga fictional na karakter sa laro. Wala ka ring hahanapin pa sa ganda ng graphics ng larong ito!
Handa ka na bang makaligtas o hahayaan mong mamatay ka sa Lost in Blue Switch? Kailangan mong gawin lahat ng paraan upang magtagal ka sa islang ito.
Lost in Blue Switch: Survival Guide
Nagsisimula ang Lost in Blue Switch sa isang kwento na ang mga manlalaro ay nakaligtas sa isang bumagsak na eroplano at napadpad sa isang mapanganib na isla. Kailangang magkapag-imbak ng iba’t ibang mapapakinabangang mga gamit galing sa isla upang makagawa ng mga sandata, kagamitan, pasilidad at mga bahay na tatagal sa samu’t-saring delubyo sa isla. Gayundin, kailangan na palaging i-upgrade mo ang iyong karakter upang manatiling buhay at malakas ito habang nananatili sa isla. Sa ganitong paraan, mararanasan mo ang kasiyahan na mula sa Inang Kalikasan.
Mahirap makaligtas ng solo sa larong ito. Kailangan mong makipag-ugnayan at magtatag ng mga grupo upang mas mapabilis ninyo ang pag-iimbak ng mga limitadong yaman ng isla. Maaari ka ring makipagkaibigan sa mga karakter sa laro.
Higit sa lahat, kailangan ng mga manlalaro na gumawa ng sarili niyang kampo na may kumpletong pangdepensa at mga kagamitan tulad ng mga ‘sensory tower’ at ‘arrow tower’. Kailangan rin ng mga taniman at mga pagawaan ng mga gamit sa pangangaso at pagsasaka.
Tips sa Paglalaro ng Lost in Blue Switch
Narito ang mga ilan sa mga tips galing sa mga eksperto upang manatiling buhay sa Lost in Blue Switch:
- Patuloy na pagkolekta ng mga yaman
Nakapaimportante ng mga yaman sa mga larong mayroong panahon ng produksyon at mga labanan tulad ng Lost in Blue Switch. Kaya dapat patuloy lang ang mga manlalaro sa pagkolekta ng mga yaman galing sa isla. Mahirap nang maubusan ng mga materyales at maudlot ang pagpapatayo o pag-upgrade ng mga kampo, mga sandata at baluti, at iba pang mga importanteng bagay. Mayroon ding storyline kung saan tuturuan kang mag-imbak ng mga yaman sa pamamagitan ng mga ‘storage crates’. Makikita ang paggawa ng storage crate sa gilid ng menu. I-click ang ‘Facility’ at hanapin ang storage crates. Kailangan mo muna ng sapat na troso upang makagawa ng maraming storage crates.
- Gawin ang mga ‘Area Challenge’
Ang mga manlalaro ay magkakaroon ng ‘Area Challenge’ o iba’t ibang quests sa bawat pagtuklas nila sa bawat bahagi ng isla. Makikita ang kabuuan ng isla sa mapa ng laro. Sa mapang ito may palatandaan ang mga lugar na natuklasan na ng manlalaro at ang mga hindi pa napupuntahan at kailangang siyasatin. Ang mga quest sa ‘Area Challenge’ ay binubuo ng combat ability, paggawa ng kagamitan, gear cultivation, pagpaparami ng kayamanan, ‘event gameplay’ at ‘overall cultivation’. Ang pagkumpleto sa mga Area Challenge ay nagbibigay ng maraming kristal sa mga manlalaro. Ang mga kristal na ito ay mahirap makuha sa laro kaya siguraduhin na matapos ang mga Area Challenge.
- Importante ang kakampi o kasama sa paglalaro
Ang manlalaro ay maaaring magkaroon ng isang kasama mula sa laro. Ang karakter na ito ay maituturing mong tunay na kaibigan sapagkat gagayahin nito ang iyong ugali at pananaw sa laro. Maaari mo ring baguhin ang karakter ng iyong kasama sa Settings. Mahalaga ang kasama mong ito dahil ang katawan niya ay nagtataglay ng matinding kalakasan. Ang kanyang lakas ay mababawasan sa bawat pagkakataon na siya ay aatake o gagamit ng kakayahan.
Mapapagod ang iyong kasama kapag naging ‘0’ na ang kanyang lakas. Kapag nangyari ito, hihina ang kanyang mga atake at mababawasan ang kanyang kalusugan. Madadagdagan din ang kakayahan ng iyong kasama kapag dinagdagan tinaasan mo ang mga katangian nito o kapag nag-upgrade sa ‘Companion Star’.
- Siyasatin ang seksyon ng ‘Gear Cultivation’
Ang mga manlalaro ay maaaring gawin ang anuman sa mga sumusunod sa seksyon ng ‘Gear Cultivation’:
- Gear upgrade: Pwede mong i-upgrade ang mga gear hanggang tatlong level (Standard, Excellent at Perfect upgrade). Mas maraming kakayahan ang mailalagay habang tumataas ang level ng gear. Ang istatistika ng mga gear ay lumalakas habang nadadagdagan ang kanilang star. Nadadagdagan din ang mga star ng gear habang ina-upgrade ang mga ito.
- Gear modify: Maaaring baguhin ang mga istatiska o paggagamitan sa mga gear.
- Gear repair: Nasisira ang mga gear sa bawat paggamit dito kaya kailangang ayusin ito upang magamit muli.
- Padaliin ang trabaho
Mahirap magkaroon ng kasamahan sa umpisa ng laro kaya ang tanging paraan upang magtagumpay ay ang madalas na paglalaro. Sa pamamagitan nito, mas mabilis kang makakakuha ng iyong mga kasamahan. Ang Autoplay feature sa ibaba ng screen ang makakatulong sa iyo upang gawin agad ng iyong karakter ang nais mong ipagawa sa kanya. Samantala, ang kasamahan mo ang tutulong sa iyo upang magapi ang mga halimaw sa isla.
- Huwag kalimutan ang gutom at uhaw
Nagugutom at nauuhaw rin ang iyong karakter tulad sa tunay na buhay. Kailangan mong alagaan ang kanyang kalusugan upang tumagal ka sa harap ng mga zombie at iba pang kalaban na iyong makakasagupa. Makikita mo kung gaano kagutom at kauhaw ang iyong karakter sa ibaba ng health bar. Maaari mong unahin na itayo ang campfire at rain collector na mga pasilidad upang masigurado na magkakaroon ka ng sapat na pagkain at tubig.
- Sanayin ang pagtingin sa mapa
Makikita mo ang ‘World’, ‘Region’ at ‘Scene’ kapag binuksan mo ang iyong mapa. Ang ‘Scene’ ay ang pinakamaliit na mapa at nagsasabi kung nasaang parte ka sa isang rehiyon. Ang ‘World’ ay ang kabuuan ng isla na nahahati sa iba’t ibang bahagi. Sa umpisa, isang rehiyon pa lang ang iyong matutuklasan (‘beach region’).
Siguraduhin na nakolekta mo muna lahat ng mahahalagang yaman at kagamitan sa Beach bago ka umusad sa pangalawang rehiyon, ang ‘Swamp’. Marami kang makikilalang manlalaro na pwede mong kaibiganin sa beach.
- Panatilihin ang mga pasilidad
Maraming makukuhang benepisyo sa mga pasilidad at madali lang maglagay ng mga ito sa kani-kanilang kampo. Huwag mong hayaan na hindi nagagamit ang iyong pasilidad. Ang eksperto na manlalaro ay patuloy na ginagamit ang kanyang mga asset.
Konklusyon
Ang Lost in Blue Switch ay isang nakakakaba at nakakenganyong laro. Ang mga manlalaro ay makikipagsapalaran sa iba’t ibang kapaligiran tulad ng mga umaapoy na bulkan at mga nagyeyelong lugar. Makikipaglaban ka rin sa mga zombie, sundalo, at iba pang mababangis na nilalang. Sa kabila nito, ang mga manlalaro ay makakakolekta ng iba’t ibang mga materyal upang maitayo ang kanilang mga kampo. Maaari rin silang gumawa ng kani-kanilang mga armas at gamit upang mabuhay. Nakapakaganda ng larong ito para sa mga manlalaro na mahilig sa aksyon at pakikipagsapalaran!
Para sa iba pang maaari mong pagkaabalahan, mag-download na ng Big Win Club app para sa mas marami pang laro online na pwedeng gawin kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ang paglalaro na may kasamang mga hamon ay magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.