Mga batang 90’s, naaalala ninyo pa ba ang laro na patok na patok noon gamit ang Gameboy at ang Neo Geo Pocket Color? Halina’t balikan natin ang mga laro na meron ito.
Isa sa mga sumikat ng todo noong kapanahunan ng Gameboy ay ang Neo Geo Pocket Color na may iba’t ibang laro.
Ano ang Neo Geo Pocket Color?
Ang Neo Geo Pocket Color ay isang 16-bit game na sumikat sa mga handheld video game console na ginawa ng SNK. Ito ay ang version 2 ng Neo Geo Pocket handheld na lumabas noong taong 1998 sa Japan. Ang console na ito ay ipinakilala noong Marso 16,1999 ngunit sa pagkakataong ito ay sa North America na unang inilabas ang laro. Noong Oktubre 1,1999, inilabas naman ito sa Europa at tinalo nito ang Nintendo.
Ang Neo Geo Pocket Color ay may dalawang buttons sa kanang bahagi ng system at eight-direction microswitched digital D-pad naman sa kaliwa. Ang disenyo nito ay kapareho ng Game Gear na pahalang ang controls at kabaligtaran naman ng Gameboy na patayo. Ito ay ang upgraded version ng Neo Geo Pocket at ang screen nito sa gitna ay colored na kumpara sa old version na black and white pa.
Ang console na ito ay walang black-lit screen at maaari lamang laruin sa maliwanag na lugar. Ang baterya nito ay gumagamit ng CR2032 battery na nagpapanatili ng backup memory at oras.
Clash ng CardFighter, pantabla ng SNK laban sa Capcom
Hindi man nagtagumpay ang pinagsamang card game na Capcom at SNK characters, nakamit naman nito ang titulo ng pinakamatagal na laro sa Gameboy. Ang Cardfighter series na ito ay hybrid ng sikat na sikat ngayon na Yu-Gi-Oh at Pokemon Games na makikita sa Nintendo handheld range. Sa oras na makasanayan mo ang larong ito, masasabi mong ito ang pinakamadali at pinakapaborito mong Neo Geo Pocket color game. Ito ay ni-release noong 1999.
Ang Puzzle Bubble Mini
Ang isang klasikong laro ng palaisipan ay dapat nasa anumang portable platform. Sinigurado ng Neo Geo Pocket na magkaroon nito. Habang ang bersyon ng Neo ng Puyo Pop ay mahusay at tiyak na sulit bilhin, kung pipili lamang ng isang laro ng palaisipan, ang Puzzle Bubble Mini ay sobrang panalo. Andito na lahat ng larong puzzle na gusto mo. Ang mga graphics ay magaganda at malinaw. Ang mga character ng laro ay nagbibigay ng isang napakalaking hamon (lalo na sa mga huling level), at ang gameplay ay may mabangis na quality na siguradong kagigiliwan. Talagang kamangha-manghang ang larong ito. Ni-release ito noong 1999.
SNK vs. Capcom: Millennium Match
Magagaling ang mga maliliit na fighters ng SNK sa Gameboy ngunit kaunti lamang ang nakakatapat sa galing ng Match of the Millenium. Ang Match of the Millenium na isa sa Neo Geo Pocket Color game ay may malawak na pagpipilian ng mga fighters at may abilidad ito o kakayanan na pagdugtungin ang original karakter ng CardFighter’s game at Sega’s Dreamcast. Ni-release ito noong taong 1999.
Ang Neo Turf Masters
Ang larong ito ay isa sa pinakamahalagang nabili ng Neo Geo AES. Ito ay downgraded version ng classic arcade game at madali itong i-access dahil sa napakaelegante nitong control system at magandang presentation. Ni-release ito noong taong 1999.
Ang Metal Slug 1st Mission
Ang nakatakdang pangalan sana ng larong ito ay 2nd mission. Nakapagtala ng popularidad ang Metal Slug game at talagang tumatak sa puso ng mga manlalaro. Ang bawat players ay pabalik-balik sa game dahil sa pagiging perpekto nito. Nakaka-challenge ang mga misyon dito at ang animation nito ay talagang kamangha-mangha pati na rin ang sound effects. Ni-release ito noong taong 1999.
Sonic The Hedgehog: Pocket Adventure
May matibay na relasyon ang Sonic The Hedgehog sa SNK, ngunit ang mascot na si Sonic ay nakitang lumabas sa kalabang handheld device. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagtangkilik ng mga manlalaro sa larong ito. Ito ay may multiplayer mode at ang Sonic Pocket Adventure edition nito ay napakaperpekto para sa kahit sinuman na manlalaro. Ni-release ito noong taong 1999.
Faselei!
Ang Faselei ay isa sa pinakamahalagang laro ng Neo Geo Pocket, dahil sa desisyon ng SNK na mag-pull out sa US bago ito mailunsad. Ang larong ito ay naging sikat sa UK at talagang tumaas ang demand sa Faselei! Kaya ito ay napabilang sa top ten ng Neo Geo Pocket Color. Ang larong ito ay nangangailangan ng matinik na estratehiya at talagang karapat-dapat sa mataas na presyo nito. Ni-release ito noong 1999.
Neo Poke-Kun Ganbare
Ang larong ito ay upgraded version ng Tamagotchi. Nakapaloob dito ang mga pinakamasayang karanasan na meron ang Neo Geo Pocket. Ang layunin ng larong ito ay napakasimple. Panatilihing masaya si Little Ganbere sa pamamagitan ng pagkontrol sa paligid nito. Kapag nasiyahan si Ganbere, ito ay gagawa ng mga mini-games na pwede mong laruin katulad ng Asteroids at King of Fighters. Ni-release ito noong taong 2000.
Beyond The Destiny: The Last Blade
Ang serye ng Last Blade ay naging paborito ng karamihan at higit na naging sikat pa kaysa sa Samurai Shodown! series. Ang Neo Geo Pocket ay walang kawala rito. Mas malalim at makahulugan ang mga laro sa Last Blade kesa sa Samurai Showdown 2. Katulad ng Match of the Millenium, ang Last Blade ay maraming karakter na pwedeng pagpilian at gayundin ang iba’t ibang istilo ng paglalaro at level ng pagiging extreme nito. Maganda ang animation at may kakayanan ito na mangokolekta ng mga special scrolls at dalawang mini-games. Inilabas ito noong taong 2000.
Ang Pocket Tennis
Ang larong ito ay may black and white version ngunit mas maganda ang makulay na bersyon nito. Katulad ng Neo Turfmasters, ang larong ito ay may mga features na may mga nakakaaliw na character design, instant ang pag-access sa gameplay at may mga kalaban na mahirap talunin. Ngunit dahil sa capacity ng cart, ang animation ay hindi ganun kaganda noong inilabas ito. Ini-release ito noong taong 1999.
Marami pang iba’t ibang laro ang Neo Geo Pocket Color na siguradong kaaaliwan ng lahat. Ito ay maaaring laruin ng matanda, bata o kahit sino pa man.
Ang Big Win Club ay marami ring ino-offer na laro na pwedeng laruin ng kahit sino. Siguradong kaaaliwan din ang mga laro dito katulad ng mga laro sa Neo Geo Pocket Color.