Ano ang Pacman Colors?
Ang Pacman Colors ay isa sa mga classic na laro na nagkaroon ng malaking tagumpay sa larangan ng mga arcade noong taong 1979. Ang tagumpay nito ang nagbigay-daan sa iba’t ibang ‘sequel’ at ‘spin-off’ sa kalaunan. Kahit na sobrang simple ng laro, nagbigay ito ng kasiyahan sa lahat ng manlalaro nito. Kagaya ng halos lahat ng mga classic na arcade games, ang players ay may avatar o sariling karakter sa laro. Sa pagkakataong ito, ang kailangang kontrolin sa game ay si Pacman – isang matakaw at mistulang dilaw na isda tuwing ibubuka nito ang bibig. Si Pacman ay iikot sa board at kailangan niyang kainin ang mga mala-tuldok na snack niya upang matapos ang isang level. Ang layunin ng laro ay makain lahat ng mga tuldok habang iniiwasan niya ang apat na masasamang multo. Ang pagkain sa mga tuldok nang sunud-sunod ay magbibigay ng mas malalaking puntos ngunit hindi ito kailangan para matapos ang level. Sa pamamagitan naman ng ‘energizers’ sa apat na sulok ng board, ang mga masasamang multo ay manginginig sa takot at magiging pagkain din ni Pacman. Nakakalungkot lang na ang larong Pacman Colors ay kulang sa tinatawag nilang ‘game variation’ dahil pare-parehas lahat ng level sa laro bukod sa bilis ng paggalaw o mas maiksing oras para sa mga ‘energizer’.
Pacman Colors: Mga Update
Sa loob ng mahigit na 30 taon, ang mga masasamang multo ay patuloy na nanginginig sa takot sa pangalang Pacman. Lalo na ngayon dahil ang classic na arcade game na Pacman Colors ay maaari nang ma-download at ma-install sa mga mobile phones. Ang Namco Networks America Inc. Games, ang developer ng larong Pacman Colors, ay ini-release ang laro para sa iPhone, iPod Touch, iPad, Android at Kindle Fire simula noong Agosto 22, 2012. Ang larong ito ay pwedeng ma-download at ma-install sa halagang $4.99.
Ang malaking hakbang mula sa pagiging isang classic na arcade game hanggang sa makagawa na ng video games para sa mga mobile phones ay hindi naging hadlang para magpatuloy ang ebolusyon ng Pacman Colors at malaro itong muli ng mga sumusubaybay dito. Kung nais mo na maranasan ng iyong mga anak ang ultimate throwback arcade classic na ito, i-download na ang laro at ituro ito sa kanila. Nilalaro ito nang tulad sa arcade ngunit mas pinaganda pa dahil sa mahigit sa 30 na ‘visual upgrades’. Maaaring paulit-ulit at sobrang simple kumpara sa mga sikat na nagsilabasang laro ngayon ngunit ang hamon na habulin ng mga natatarantang multo ay di nawawala sa uso.
Dahil sa makabagong teknolohiya, ang paglalaro sa Pacman Colors ay meron nang ‘tilt’ at ‘swipe’ mode kumpara sa classic na ‘joystick’ mode. Maaari mong pagalawin si Pacman sa pamamagitan ng mga modes na ito. Tulad sa arcade, kailangan mo pa ring kainin ang mga tuldok habang iniiwasan ang mga masasamang multo. Sa loob ng mga lumipas na panahon, masasabi mo pa rin na si Pacman ay isa sa mga pinakasikat na karakter sa gaming. Dahil sa kanyang kasikatan, maging ang sikat na movie producer na si Avi Arad ay gumawa ng ‘3D animated’ na serye patungkol sa laro. Naitampok din si Pacman sa 2015 movie na Pixels.
Pangunahing 10 Sikreto Tungkol Sa Pacman Colors
Gaya ng nabanggit, si Pacman ay maaaring maituring na pinakasikat na karakter sa laro. Dahil dito, maituturing din na ang Pacman Colors ay isa sa mga pinakamagandang arcade games sa kasalukuyan. Gaano ba tayo “kaalam” sa larong Pacman Colors? Narito ang 10 pangunahing sikreto na dapat mong malaman:
- Ang pangunahing developer ng orihinal na laro ng Pacman Colors ay binubuo lamang ng tatlong tao! Maaaring hindi ito kapani-paniwala ngunit si Toru Iwatani, ang hapon na creator ng larong ito, ang responsable sa pagplaplano at pagdidisenyo sa laro. Samantalang ang dalawa pang kasama niya rito ay galing sa Namco. Isa rito ay si Shigeo Funaki na kanilang taga-program at nakatoka sa coding, at si Toshio Kai na tagalapat ng musika. Kahit na silang tatlo ang responsable sa paglikha ng software ng laro, kinailangan rin nila ang tulong ni Shigeichi Ishimura, ang naging hardware engineer ng laro.
- Ang orihinal na pangalan ng larong Pacman Colors ay “Puck Man”. Ang salitang Puck ay galing sa salitang hapon na paku, na ibig sabihin ay pagnguya. Ang pangalan ay pinalitan sa Pacman Colors noong nailabas ito sa US upang maingatan ang mga operator ng mga makina ng arcade dito dahil katunog ito ng isang mura sa ingles. Nabahala sila na baka palitan ng mga bata ang P ng F, kaya naimbento ang pangalang Pacman Colors.
- Nagkaroon ng tinatawag na ‘pop-culture phenomenon’ dahil sa paglabas ng Pacman Colors. Sa loob lamang ng 15 buwan matapos itong mailabas sa US, ang Bandai Namco Entertainment ay nakabenta ng mahigit 100,000 na kopya ng laro, kung saan ang mga fans ng Pacman Colors ay gumastos ng mahigit $1 bilyon.
- Ang mga tuldok sa buong board na kailangan mong kainin upang matapos ang isang level ay tinatawag na ‘pellets’. Ang mga ‘pellets’ na ito ay dating tinaguriang ‘cookies’ na paboritong meryenda ni Pacman. Ngayon, ang mga ‘energizers’ sa mga sulok ng board na kailangang maabot upang makain rin ang mga masasamang multo ay tinatawag na ring ‘power pellets’ o di kaya ay ‘power cookies’.
- Si Pacman at ang mga masasamang multo ay ginawang cute at makulay upang madaling makita kung sino ang mabuti at masasamang karakter sa laro. Ito ay nakakaakit sa lahat ng manlalaro, mapababae man o lalaki.
- Ang apat na masasamang multo sa laro ay may pangalang hapon at ingles. Ang ibig sabihin ng mga pangalang hapon ay base sa kanilang mga personalidad. Ang apat ay tinawag sa Japan na Fickle, Chaser, Ambusher and Stupid. Kaya sa bersyon nito sa US, si Blinky ay tagahabol na parang tayo, si Inky at si Pinky ay tumatambang sa harapan at si Clyde ay may pabagu-bagong isip.
- Ang apat na masasamang multo sa laro ang unang tinaguriang ‘monsters’ sa mga sinaunang palaruan ng arcade. Ito’y dahil sa paniniwala ng karamihan na nagawa ni Toru Iwatani ang laro dahil sa kwentong bata mula sa Japan tungkol sa isang nilalang na nagproprotekta sa mga bata laban sa mga halimaw sa pamamagitan ng pagkain nito sa mga halimaw. Kinalaunan, ang ‘monsters’ ay tinawag nang mga multo.
- Dahil sa tagumpay ng Pacman Colors, gumawa ang mga negosyante ng termino na tinawag nilang ‘Pacman Defense’. Ang ibig sabihin nito ay isang kalagayan sa negosyo na mangyayari kapag ang isang business ay nagtatangkang “kainin” ng mas malaki o malakas na negosyo, ngunit sa halip na maisakatuparan ito, ang maliit na negosyo ang sasakop sa mas malakas na pwersa. Ito ay galing sa pagpapalit ng mode na nangyayari kapag kinain ni Pacman ang kanyang energizers.
- Ang tagumpay ng Pacman Colors ay nakarating sa ‘Guinness’ World Book of Records, 2010 Gamer’s Edition’ at ginawaran ito ng parangal na ‘Most Recognized Video Game Character’. Ito ay galing sa 94% ng mga Amerikano na nakakakilala kay Pacman.
- Noong taong 2005, ang Pacman Colors ay nanalo rin ng ‘Guinness’ World Book of Records Award’ na ‘Most Successful Coin-Operated Game’. Ang Pacman Colors ay hindi maitatangging ang pinakamagandang laro mula noon, magpahanggang ngayon!
Konklusyon
Napakarami nang nagsilabasang arcade games na nakabighani sa mga kabataan, maging sa mga matatanda. Ilan sa mga sikat na halimbawa ay ang Space Invaders, Street Fighter, Donkey Kong at Wreck it Ralph. Ngunit ang kaisa-isang nakaabot ng rurok ng kasikatan ay ang Pacman Colors. Ito rin ay maging isang mobile video game dahil sa dami ng tumatangkilik dito. Hahanap-hanapin mong muli ang paglalaro ng Pacman Colors dahil sa 10 pangunahing sikretong nabanggit. Kahit malimit na lang ang mga bukas na arcade ngayon, maaari mo pa ring laruin ang walang kupas na Pacman Colors sa halagang murang halaga ($4.99)!
Kung gusto mo namang maiba ang iyong nilalaro, dito ka na sa bago! I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao. Ito ay may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.