Ang larong ito ay isang mabisang paraan upang buhayin ang iyong pagiging artistic. Ang pagpipinta sa pamamagitan ng mga numero ay nag-aalok sa mga indibidwal ng kakayahang magpinta at makalikha ng isang magandang larawan habang sumusunod sa mga ibinigay na panuto.
Pasiglahin ang Araw sa Paint By Number Game
Ang Paint By Number Game na kilala rin bilang color by numbers, coloring book, o painting by number, ay isang art drawing game kung saan ay kinukulayan ang mga modernong likhang sining ayon sa mga numerong nakatalaga sa bawat kulay. Ito ay isang number coloring book at coloring puzzle game na nilikha para sa lahat. Mayroon itong maraming libre at kamangha-manghang mga pahina ng mga luma at bagong mga larawan para kulayan.
Mayroong din itong dose-dosenang mga kategorya ng mapagpipiliang mga larawan upang kulayan. Ilan lang sa mga ito ay ang jigsaw, floral, hayop, love, characters, quotes, at mandalas. Bilang karagdagan sa mga ordinaryong pahina na kukulayan, mayroon ding mga kamangha-mangha at espesyal na mga pahina ng mga larawang may gradient na mga kulay at magagandang mga wallpaper. Ito na ang isa sa mga paraan upang maibahagi ang iyong mga obra maestra sa mga kaibigan at pamilya, at sabay na lumikha ng magagandang artwork nang magkakasama.
Bukod sa mga matatanda, target din ng larong ito ay ang mga taong hilig talaga ang magpinta gamit ang mga numero, lalo na ang mga nakababatang henerasyon. Ang mga larong ito ay nilikha rin para sa mga bata upang mabigyan ng mga magagandang kulay ang kanilang mga imahinasyon na magbibigay sa kanila ng excitement at inspirasyon na makabuo ng isang innovative creation habang napapanatili ang kanilang pagkaaliw sa proseso.
Ang Panimula ng Laro
Ang lahat ng mga larawan ay mayroon ng marka ng mga numero. Pumili lamang ng isa sa mga larawan na iyong gusto at i-tap ang kaukulang coloring cells ayon sa mga coloring numbers ng palette. Mas madaling tapusin ang isang likhang-sining at bigyang-buhay ang mga larawan sa pamamagitan lamang ng pagsunod sa mga kulay ng numero.
Pangunahing Tampok ng Laro
– Napakadali at mabilis: Magkulay ayon sa mga numero kahit pa walang gamit na lapis o papel.
– Iba’t ibang mga natatanging larawan at bagong mga pahina na kukulayan araw-araw dahil sa update.
– Napakahusay na pagkakaayos ng iba’t ibang mga kategorya at tema ng mga larawan.
– Madaling kulayan at ma-eenjoy ang simpleng proseso ng pagkukulay sa pamamagitan ng mga numero at paggamit ng app. Maaari ring gumamit ng mga hints upang makahanap ng maliliit na hard-to-find cells.
– Mabilis na pag-share ng mga artworks sa lahat ng mga social media platforms at ibahagi ito sa pamilya at mga kaibigan.
Ang mga Benepisyo ng Laro
Binabawasan ang Level ng Stress at Anxiety
- Ang larong ito ay nagbibigay-daan na makapag-unwind at kalimutan ang tungkol sa mundo, kahit na ito ay pansamantala lamang. Sa pamamagitan ng pagpipinta, pinapayagan mo ang iyong sarili na palayain ang ilang mga tensyon at gawin itong isang bagay na makulay at makabuluhan.
Nagdadagdag ng Tiwala sa Sarili
- Kung ikaw ay na-stress o nababalisa sa isang partikular na gawain, malamang na hindi magiging maganda ang kalalabasan nito at mag-iiwan lamang ng pakiramdam ng pagkabigo. Sa pamamagitan ng larong ito, mare-relax ang iyong isipan at makakapag-isip ka pa ng mabuti upang masolusyunan ang anumang nakakastress sa iyo. Kapag natapos mo na ang isang larawan, tiyak na magiging kahanga-hanga ang resulta at magkakaroon ka ng magandang paalala ng iyong pagsusumikap at pagkamalikhain. Kaya, itaas ang iyong kumpiyansa at simulan na ang pagpipinta.
Mas Napagbubuti ang Motor Skills
- Kagaya ng mga tumutugtog ng isang orchestra o kahit anong instrumentong pangmusika, sa pagpipinta gamit ang mga numero sa canvas, natututo tayo kung paano kontrolin ang mga galaw ng kamay sa tuwing humahawak ng brush o lapis na bumubuo ng brain connection na may kaugnayan sa kakayahang ito. Sa mga nasa hustong gulang na, ang pagpipinta ay nakakatulong din sa pag-iimprove ng kanilang motor skills.
Mahabang Pasensya at Organizational Skills
- Kung minsan, ang ating kakulangan ng pasensya at hindi pagiging organisado ay maaaring magdulot sa atin ng pagkabalisa. Ang pagpipinta ayon sa numero ay nagtuturo ng matiyagang pagkukulay sa isang larawan hanggang sa ito ay matapos. Sa huli, ito ay magbibigay ng rewarding na pakiramdam kung saan masasabi mo sa iyong sarili na: “Nagawa ko, sa wakas!”. Bukod pa riyan, tinutulungan din nito na matutunan ng mga manlalaro kung paano pahalagahan kahit ang pinakamaliit na detalye, at ang makakuha ng ilang karagdagang tip para malinang pa ang organizational skills. Kapag na-develop na ang mga ito, ang pagharap sa mga mahihirap at napakabigat na mga gawain, sa trabaho man o sa bahay, ay magiging mas madali.
Tinataas ang Brain Movement at Activity
- Sa madaling salita, pinapanatiling aktibo ng Paint by Number Game ang mga matatanda lalo na kapag ang mga ito ay naiinip. Ang pagpipinta ay nakakatulong sa pagsasanay ng koordinasyon ng mga kamay at mata, pinapalakas rin nito ang memory recollection skills at pinapatalas ang isip sa pamamagitan ng paggunita at pagpapatupad ng mga konsepto. Ang paghawak sa isang paintbrush ay nagbibigay-daan sa mobility ng iyong mga kamay at daliri na nagpo-promote din ng dexterity. Bukod pa dito, ito rin ay nagsusulong ng kritikal na pag-iisip.
Ma-eenjoy ng Buong Pamilya
- Tiyak na wala ng iba pang mas makakapagpasaya sa bawat tao, kundi ang pagbibigay ng panahon at oras sa mga mahal sa buhay. Sa kabutihang-palad, sa larong ito ay maaaring makakuha ng isang malaking canvas para kulayan ng buong pamilya. Ang paggawa nito nang magkakasama ay mas masaya.
Konklusyon
Ang pagpipinta sa pamamagitan ng mga numero ay nasimulan na sa loob ng maraming taon, ngunit mas naging sikat ito mula nang magkapandemya, kung saan napilitan ang mga tao na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan. Nakita at sinubukan ito ng mga naghahanap ng mapaglilibangan. Ang pagtangkilik sa Paint by Number game ay isang libangan at paraan upang ma-manage ang stress at anxiety.
Dagdag pa rito, napakadali lang nitong i-download sa iyong device para magkapagsimulang magkulay anumang oras. Katulad din ito ng Big Win Club app na madaling i-download at mayroong iba’t ibang mapagpipiliang mga laro na tiyak na makakatanggal din ng pagkabagot at stress.