Lahat naman siguro ng tao ay gustong kumita ng pera. Ito ang dahilan kaya patuloy tayong nagtatrabaho at nagnenegosyo. Sa panahon ngayon, marami na ring paraan para kumita ng pera nang walang kahirap-hirap, gaya ng paglalaro ng mga betting at NFT games sa mobile phones.
Kung mahilig ka sa larong pinball, may isang pinball game ngayon na kinahuhumalingan ng marami. Ito ang Pinball Go big win kung saan maaari kang manalo ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng pinball. Ang kailangan lang gawin sa Pinball Go big win ay i-tap at bitawan ang pinballs para makakuha ng points.
Matapos i-tap at bitawan ang release button, malalaglag ang mga pinballs sa mga bucket at magkakaroon ka ng rewards. Kapag nakakuha ka na ng sapat na points, maaari ka nang maglaro sa super slots feature kung saan mas maraming rewards at tsansang makakuha ng totoong pera. May mga tools ka ring maaaring gamitin para mas dumali ang laro.
Paano Kikita sa Pinball Go Big Win
Maaari kang kumita sa Pinball Go big win kapag ang mga pinballs mo ay pumasok sa mga bucket at napuno ang “exp” na kailangan para sa slots feature. Kapag nakakuha ka ng 777 sa slots, mananalo ka ng $2.
May power-ups ka ring maaaring makuha para mapuno ang “exp” na kailangan sa slots. Kailangan mong makakuha ng $100 bago ka makapag-cash out sa Go Pinball big win. Kailangan mo ring tandaan na may limit ang pinballs na maaari mong bitawan pero magkakaroon ka ng karagdagang pinballs kapag nanood ka ng ads.
Mga Features ng Pinball Go Big Win
Ayon sa mga reviews, may ilang features ang Pinball Go big win na maaaring kaadikan ng mga maglalaro nito. Una, sobrang dali lang kontrolin ng pinballs sa larong ito. Hindi tulad ng ibang laro, maaari kang manalo ng limpak-limpak sa Pinball Go big win nang walang kinakabisadong kumplikadong rules upang manalo.
Pangalawa, sobrang lapit sa katotohanan ng ball movement at physics ng Pinball Go big win. Ibig sabihin, kapag kinontrol mo ang pinballs sa isang direksyon, hindi ito mapupunta sa ibang bahagi ng screen. Mas malaki ang pagkakataon na pumunta ang mga ito sa gusto mong reward. Maikukumpara mo ang physics ng Pinball Go big win sa 8Ball Pool.
May mga icons gaya ng trophy, diamond, hagdan, korona, alahas, at iba pa na dapat mong kolektahin upang magkaroon ng mas malalaking rewards. Ang pagkolekta sa mga icons na ito ang isa rin sa mga nakakasabik na features ng Pinball Go big win kaya nagkaroon na ito ng mahigit 100,000 downloads sa Google Play.
Kung hindi mo naman gustong maglaro para sa pera, magandang laro rin ang Pinball Go big win bilang pampalipas-oras – habang naghihintay o kapag batung-bato ka na at wala kang magawa. Pero kung nais mong magkaroon ng salapi, maaari ka ring maglaro ng Pinball Go big win para makakuha ng mga papremyo.
Sa katunayan, may isang cheat o bug na nadiskubre upang manalo ka nang mas mabilis sa Go Pinball big win. Matutukoy din dito kung totoo ba ang pangako ng larong ito na pwedeng manalo ng totoong pera.
Ang Go Pinball Big Win Bug
Sa unang araw ng paglalaro ng Go Pinball win big, magkakaroon ka ng dollar cap na $20.40. Ito lang ang maaari mong makuha kada araw na bubuksan mo at gagamitin ang app. Ngunit, may isang cheat kung saan maaari kang makakuha ng mas maraming panalo sa loob ng isang araw.
Una, i-close ang Go Pinball big win app at pumunta sa settings ng iyong smartphone. Pagkatapos ay palitan ang petsa at i-set sa nakaraang araw. Halimbawa, kung Abril 20 ngayon, palitan ang petsa sa kalendaryo ng Abril 19.
Matapos palitan ang petsa, may makikita kang notification mula sa Go Pinball big win na nagsasabing may nadagdag sa inyong dollar cap. Ulit-ulitin lang ang proseso hanggang makakuha ka ng $100. At syempre, kapag nakakuha ka na ng $100, pwede ka nang mag-cash out sa Paypal.
Mananalo ka ba talaga?
Sa kasamaang palad, hindi ka na makakakuha ng panibagong dollar cap kapag nakarating ka na sa $95 gamit ang cheat na ito. Pero, magkakaroon ka naman ng panibagong pinballs kung ubos na ang mga ito. Kapag nagkaroon ka na ng $95, hindi na rin madalas maglapag ng dollar coins ang Go Pinball big win.
Samakatwid, hindi ka talaga mananalo ng totoong pera sa larong ito. Patuloy ka lang maglalagay ng mga pinballs sa isang pinball machine, at kumikita ka sa paglipas ng panahon habang nagre-refill ang bucket. Maaari ka ring kumita ng mga karagdagang bola sa pamamagitan ng panonood ng mga ad.
Pagkatapos i-download, napakabilis mong magkakaroon ng $20 mula lamang sa paglalaro ng Pinball sa loob ng ilang minuto. Gayunpaman, sobrang daming ads ang lalabas sa iyong screen na kailangan mong panoorin. Wala ka ring makikitang impormasyon tungkol sa kung saan at paano ka magka-cash out gamit ang Paypal.
Paalala sa mga libreng apps
Mahalagang tandaan na halos lahat ng mga libreng app gaya ng Pinball Go big win ay nariyan upang kumita ng pera. Kapag nag-download ka ng libreng app, mapalaro man o iba pa, mag-aambag ka sa mga developer o may-ari na kumita ng pera sa ilang anyo o paraan. Ang pangunahing paraan para kumita ng pera ang mga app na ito ay sa pamamagitan ng advertising.
Ang mga app sa itaas ay magbabayad ng iba pang mga app na ia-advertise habang may mga tumatangkilik ng laro. Sa bawat click at download ng ad mula sa AppStore o Play Store kumikita ang mga developer sa pamamagitan ng komisyon.
May ibang paraan pa rin naman upang kumita ka ng pera sa pamamagitan ng paglalaro, bagama’t wala itong kasiguruhan dahil karamihan sa mga ito ay betting games. Isa sa mga online betting apps na pwede mong ma-download sa Google Play at AppStore ay ang Big Win Club.
Hindi gaya ng mga free-to-play games, maaari ka talagang manalo ng totoong pera sa Big Win Club dahil kalaban mo dito ang iba’t ibang manlalaro na gusto ring manalo ng pera at handang makipagpustahan sa iyo. Kung mahilig ka sa pusoy, tongits, slots, at iba pang betting games, maaaring i-download ang app na ito upang manalo ka habang naglilibang.