Sa pangkalahatan, ang pastel palette ay ang kulay na hindi karaniwang maiuugnay sa takot at pangamba. Ngunit sa larong nilikha ng AugoGames developer, tiyak na mag-iiba ang iyong pananaw sa kulay na pink. Ito ay isang maliit na pixel art horror game kung saan tinitingnan at inaalagaan mo ang iyong mga bulaklak sa isang komportableng pink na apartment.
Ang Pink Game
Sa larong Pink Game masusubaybayan ang kuwento ng isang babae habang nagpapatuloy siya sa kanyang pang-araw-araw na buhay sa isang kaakit-akit na pink na apartment. Mayroon itong maraming magagandang halaman na palagi nitong kasama. Ang salaysay ay nagbubukas sa loob ng ilang araw, kung saan makakakuha ka ng mas malaking ideya kung ano ang nangyayari sa mundo sa pamamagitan ng pagbabago ng mga paglalarawan na ibinibigay ng karakter kapag nakikipag-interact sa mga iba’t ibang bagay araw-araw.
Ang kaakit-akit na kulay-rosas na setting ng laro at ang medyo walang pakialam na galawan ng karakter sa kung ano ang nangyayari sa nakapalibot dito ay nakakapanlamig at talagang nakakabagabag. Hindi maiiwasang makaramdam ng kilabot habang nasa laro. Ito ay isang napakahusay na kwento sa loob ng maliit na laro na nagsasabi ng sapat lamang tungkol sa mundo nito upang magdulot ng pagkatakot at pagkabigla sa mga manlalaro.
Ang mga Features ng Laro
Ang maikling laro na ito ay tumatagal lamang ng 15-30 minuto. Isa lang din ito sa mga nakakatakot na laro online na pwede mong ma-download anumang oras. Kagaya rin ito ng Big Win Club app kung saan ay maaari mong ma-download at malaro kahit nasaan ka man.
Ilan sa mga features ng laro ang mga sumusunod:
- Magagandang palamuti
- Pagdidilig ng halaman
- Maging ligtas sa apocalypse nang mag-isa sa iyong studio apartment
Ang musika naman sa laro ay na-optimize na rin para sa mga headphone. Gamitin lamang ang WASD o mga arrow keys para sa paggalaw sa laro. Ang spacebar naman ay magagamit upang makipag-interact. Maaring pindutin ang “f” anumang oras upang magpalipat-lipat sa pagitan ng windowed mode at fullscreen ng laro.
Ang Takbo ng Laro
Ang gameplay ay binubuo ng paggawa ng routine ng babaeng karakter, pag-aayos ng lugar at pagdidilig ng mga halaman. Ang lahat ay tila normal lamang, ngunit mapapansin mong ang mga bagay ay nagsisimulang maging kakaiba.
Paano Laruin Kung Ikaw ay Matatakutin
Malapit na ang Halloween, at alam natin kung ano ang ibig sabihin nito: horror games! Gayunpaman, hindi lahat ng manlalaro ay gusto ang mga ito. Ang ilang mga tao ay umaayaw agad, habang ang iba ay gusto ang ideya ngunit hindi nila kayang maglaro nito dahil laging pinangungunahan ng takot at hindi na kayang magpatuloy. Kung ikaw ay nasa huling grupong nabanggit, ang listahang ito ay para sa iyo. Naglalaman ito ng mga tips para matiyak na hindi ka manginginig sa takot. Kung wala man sa mga ito ang gagana para sa iyo, baka dapat mo na lang burahin ang Oktubre mula sa kalendaryo at magtago sa ilalim ng iyong kumot sa loob ng ilang linggo.
Buksan Ang Ilaw
- Magsimula tayo sa isang bagay na simple. Kahit pa sinabi ng lahat na kailangan mong laruin ang game na ito sa gabi nang patay ang lahat ng ilaw ay hindi nangangahulugan na kailangan mo talaga itong gawin o sundin. Wala rin namang nakakahiya dito. Matanda ka na at magagawa mo na ang gusto mo. Kung gusto mong bukas ang lahat ng ilaw sa iyong silid, ito ay malaya mong magagawa.
Patayin ang Sounds sa Laro
- Dahil bukas na ang mga ilaw, baka gusto mong patayin na rin ang sounds ng laro. Ang sounds ay mas ginagawang mas nakakatakot at nakakakaba ang paglalaro. Maaaring hindi makapag-focus sa laro dahil dito. Mabuting i-off na lang ito upang hindi mo marinig ang mga iba’t ibang tunog na bumubuo ng tensyon. Maaari ka ring mag-play ng ibang musika upang mas maibsan pa ang nerbyos at takot na nararamdaman.
Pagalawin ang iyong Karakter
- Kung naglalaro ka bilang isang pangatlong tao sa nakakatakot na laro, ang pagpapagalaw ng iyong karakter habang nagtatago mula sa ilang mga masasamang karakter sa laro ay isang mahusay na paraan upang mapawi ang tensyon.
Maglaro sa Easy Round
- Kung mayroong opsyon na maglaro sa easy level, samantalahin ang pagkakataong ito. Di bale nang mapagsabihan na playing safe, basta ang importante ay maitawid ng maayos ang laro. Mas madali mo ring matatapos ito, at hindi kailanman ikinabawas ng pagkatao mo kung ikaw ay takot.
Magpahuli sa Kalaban sa Laro
- Maaari mong isipin na baka may bigla na lang sumulpot na halimaw na kinatatakutan mo, ngunit ang katotohanan nito, natatakot ka lang dahil hindi mo pa alam kung anong maaaring mangyari sa iyong karakter. Dahil dito, mas mabuti na alamin na ito kaagad upang maibsan na ang iyong pangamba sa susunod mong paglalaro. Makikita mo rin nang malapitan ang itsura ng halimaw o kalaban, kaya hindi ka na rin mabibigla sa susunod.
Mag-imbita ng mga Kaibigan at Pamilya
- Imbitahan ang isang miyembro ng pamilya o kaya ay kaibigan na panoorin ka sa paglalaro. Kung gugustuhin, maari ring anyayahan ang buong pamilya, dahil ‘ika nga, the more the merrier. Gamitin ang matinding tensyon ng larong Pink Game upang makapag-bond at makabuo ng closeness.
Kung nasubukan mo na ang lahat ng ito at tila walang tumatalab sa mga teknik, mabuti pang i-off na ang laro at huwag na muling pag-usapan pa ang tungkol dito. Maghanap na lang ng ibang libangan kung saan ay makakaya mo ang tensyon at hamon. Ngunit tandaan na huwag hahayaang matalo ka ng takot – maging sa paglalaro man o sa totoong buhay.
Konklusyon
Sa unang bahagi ng larong Pink Game, ikaw ay mapapaisip na ang iyong pagkakakulong sa isang apartment ay maaring kwento na nakatuon sa kidnapping o shadow monsters. Ngunit ang laro ay hindi tungkol rito. Ito ay mananatiling misteryo hanggat hindi mo nasusubukan na laruin ito.
Sa kabilang banda, napakahusay ng paglalagay ng mga pagbabago at pahiwatig ng musika. Ang mga sound effects rin ng laro ay lubhang nakakatakot. Sa pangkalahatan, ito ay isang mahusay at nakakatakot na laro. Kahit sino ay tiyak na masisindak. Makikita rin ang maraming potensyal para sa paglago ng laro. Sana magpasya ang developer na mas palawakin pa ito at gawan ng serye ang Pink Game.