Ano ang Pinoy Tongits?
Ang Pinoy Tongits ay isang larong nahahawig sa card game na Gin Rummy. Upang malaro ang Tongits, kailangan mo ng isang karaniwang deck ng playing cards na may 52 piraso at isang grupo ng tatlong manlalaro. Ang layunin ng Tongits ay paunahang maubos ang mga hawak na baraha para matira ang mabababang cards o magkaroon ng lowest score pagkatapos ng laro. Ang bawat card ay may halaga sa Tongits: 10 puntos para sa bawat face card at 1 puntos ang katumbas ng ace (A). Ang iyong layunin ay pagsama-samahin ang magkakatugmang cards upang sa pagtatapos ng laro ay mas kaunti ang tirang mga puntos kaysa sa kalaban. Ayusin ang cards sa pamamagitan ng paglikha ng melds, kung saan dapat ay may sets of 3 o higit pa na pare-parehong card o kaya naman ay 3 o mahigit pang cards na galing sa iisang suit para makabuo ng isang sequence.
Sa larong Pinoy Tongits, maaari mo ring gawing “sapaw” ang mga card sa iba pang melds ng manlalaro – ito ay tumutukoy sa pagdudugtong ng 1 o higit cards na tumutugma sa meld. Mayroong apat na magkakaibang paraan upang manalo sa laro: (1) magkaroon ng pinakamababang iskor, (2) “maka-Tongit” o makaubos ng lahat ng baraha agad-agad; at (3) humamon ng “Draw”, o pumatol sa “Draw” ng ibang manlalaro.
Pagse-set up ng Larong Pinoy Tongits
- Humila ng tatlong tao at maghanda ng isang deck ng baraha na walang jokers. Ang Tongits ay hindi gumagamit ng mga jokers, kaya’t itabi ito sa oras ng paglalaro. Karaniwang 52-card deck ang gamit sa laro.
- Gamit ang isang dice, i-assign kung sino ang magiging bangka o dealer. Ang manlalaro na makakakuha ng pinakamataas na bilang sa dice ang magiging dealer sa unang pagkakataon. Pagkatapos ng isang round, ang nagwagi ang susunod na magiging bagong dealer. Sa tuwing may bagong nanalo sa laro, ang manlalarong iyon ang awtomatik na magiging dealer. Kung 2 o higit pang mga manlalaro ang may parehong numero, ipa-roll ulit ang dice.
Tips: Ang ikinaganda sa pagiging dealer ay ikaw ang unang titira o magtatapon ng card. Ito rin ang dahilan kung bakit sobra ng isang baraha ang napupunta sa dealer kaysa sa ibang pang manlalaro. Kapag sinuswerte ang bangka, possibleng maging tugma ang lahat ng mga baraha at maaari na itong magdeklara ng “Tongits” o kaya’y tumawag ng “Draw” kahit na kakaumpisa pa lang ng laro.
- Mag-deal ng 13 cards para sa dealer at 12 cards sa iba pang mga manlalaro. Ang dealer ang namimigay ng cards sa iba pang manlalaro. Ipamahagi ang cards mula sa player na nasa kanan, pakaliwa. Kapag natapos na ang pagbibigay ng cards, mahalagang matiyak na ang players ay may 12 cards bawat isa.
- Ilagay ang natitirang cards sa gitna ng lamesa nang nakataob. Huwag muna itong i-shuffle. Ang tawag dito ay stock pile o bunutan na magiging discard pile kapag nakita na baraha at ginawang “tapon”.
Ang discard pile ay nagsisimulang maipon kapag ang unang manlalaro ay nagtapon na ng card sa gitna. Ilagay ang lahat ng discarded cards nang nakabukas, katabi ng stock pile.
Pagpapalit-palit ng Turn
- Bumunot ng isang card mula sa deck. Ang dealer ang unang titira at susunod ang iba pang player sa counterclockwise manner. Sa bawat turn, bubunot ng 1 card galing sa stock pile. Pwedeng tingnan ang card ngunit huwag itong ipakita sa ibang manlalaro.
- Kapag meron ng discard pile, pwede ng mag-draw ng top card sa pile na ito kaysa bumunot sa stock pile.
- Ilapag ang nabuong meld nang nakatihaya para makita ng mga kalaro. Ang melds ay 3 o 4 na card na magkakatugma – maaring pare-pareho ng numero o galing sa iisang suit. Ilagay ang melds nang nakaharap o bukas. Pagkatapos bumunot ng card, tingnan ang hand kung mayroon kang 3 or 4 cards na may pares o kaya naman ay straight flush. Straight flush ang tawag kapag ang 3 o higit pang cards sa sequence ay galing sa iisang suit. Maaaring ibaba ang card sets o meld, pero pwede ring maglapag sa susunod pang mga turn.
- Halimbawa, kapag mayroong 3 Kings, pwede mong ibaba ang 3 Kings bilang isang meld.
- Kung may 6, 7 at 8 na spades, pwede mo itong ibaba ng sabay para sa meld.
- Kung walang panibagong meld na nabuo pagdating ng turn, maaaring magdugtong ng 1 o higit pang cards sa exposed melds. Isang paraan ito para mabawasan ang hawak na cards. Siguraduhin lamang na tugma ang idudugtong o “sapaw” sa mga nakaraang melds. Ang ibig sabihin nito ay kapag may ibinaba kang 3 magkakaparehas na numero at nakuha mo ang pang-apat sa susunod na turn, pwede mo na rin itong ibaba at idikit sa naunang meld. Kapag naman ang sequence ng cards ay straight flush at mayroon kang 2 magkasunod na naaayon sa sequence, pwedeng idikit ang mga cards sa meld ng ibang manlalaro kapag ikaw na ang titira.
- Halimbawa, kapag naglapag ang isang manlalaro ng 3 Aces at may isang Aces ang susunod na player, pwedeng itong idugtong matapos ang turn ng player na nagbaba ng 3 Aces meld.
- O kaya naman kapag may naglapag ng 4, 5 at 6 na hearts at mayroon kang 3 at 7 na hearts, pwede mo itong pansapaw sa meld ng kalaban.
- Kapag natapos na ang pagbaba ng melds, ang huling dapat gawin ay ang magtapon ng isang card. Ilagay ang card nang nakaharap sa tabi ng stock pile. At dahil ang layunin ng Tongits ay maging player na may lowest score, dapat nai-discard ang mga barahang may mataas na point value. Subalit, kailangang talasan ang pakiramdam bago magtapon ng baraha. Kung sa palagay mo ay posibleng puro ito ng kalaban, mabuting ipagpaliban ang pagbababa nito at pumili na lang ng ibang card.
- Halimbawa ay mayroon kang hawak na King, ang katumbas nito ay 10 puntos sa pagtatapos ng laro. Kaya kung magagawan mo ng paraan na maalis ito, mas mabuting i-discard mo na lang.
- Kung may 2 Kings naman, pwedeng mag-antay muna ng pagkakataon na makakuha ng isang pang parehong baraha. Kapag nakabunot o nakapulot ng pangatlong King, isa na namang meld ang mabubuo.
Tip: Laging tandaan na ang ibang players ay maaring pumulot ng cards na itinapon na kaya’t maging maingat sa pag-discard ng mga barahang maaring bumuo ng melds ng kalaban.
- Tandaan ang mga impormasyon sa No.1-4. Kapag natapos na sa turn, gagawin din ang mga ito ng susunod na player. Sa ganitong paraan iikot ang laro.
Paano ipanalo ang Pinoy Tongits?
- I-tally ang lahat ng puntos kapag ang stock pile ay ubos na. Mabuting i-tally na ng mga manlalaro ang puntos pagkatapos na makuha ang last card. Ang points values ng cards ay ang mga sumusunod:
- Ang Kings, Queens, Jacks ay may halagang 10 puntos kada isa.
- Ang halaga ng number cards ay kapareho ng kanilang face value – halimbawa, ang 9 ay katumbas ng 9 na puntos.
- Ang Aces (A) ay may 1 puntos lang.
- Maging alisto sa paghahayag ng “Tongits” kapag ikaw ang unang titira at nagawa mong pagtugma-tugmain ang lahat ng mga barahang hawak. Sa pagkakataong may isang matitira na walang kapares, ibababa lang din ito bilang “tapon at tapos na ang laban!
- Tumawag ng “draw” pagdating ng turn kapag sigurado kang hawak mo ang total lowest points. Nakakakaba kapag may kumagat at sumagot ng “Challenge!” sa iyong move. Kapag ganoon ang nangyari, ita-tally ang mga tirang baraha, at ang may lowest points value ang panalo.