Kung ikaw ay Batang 90s, malamang ay nakapaglaro ka na ng kahit isang laro mula sa Bomberman franchise. Sikat ang Bomberman sa mga home consoles gaya ng NES. Nang inilabas ang Gameboy Color noong 1998, hindi nagpahuli ang Hudson Soft at ni-release ang Pocket Bomberman, isang side scrolling platformer na laro.
Binigyan ng AllGame ang larong ito ng 3.5 out of 5 stars. Samantala, mayroon itong score na 7/10 sa IGN at 7.2/10 mula sa Nintendo Power.
Pocket Bomberman gameplay
Ang Pocket Bomberman ay isang side scrolling platformer na laro gaya ng Super Mario Bros at Sonic kung saan kailangan mong makarating sa dulo ng level sa pamamagitan ng pagtalon sa mga patibong at pag-iwas sa mga kalaban. Sa Pocket Bomberman, maaari mong tapusin ang kalaban mo sa pamamagitan ng pagtatanim at pagpapasabog ng mga bomba.
At gaya ng lahat ng Bomberman games, kailangan mong matalo at mapasabog lahat ng kaaway upang makapunta sa susunod na level, hindi gaya ng ibang side scrolling games na kailangan mo lang makarating ng dulo ng mapa ay okay na.
Kailangan ding magdesisyon ng manlalaro kung dapat ba siyang kumuha ng full blast power-up tuwing pwede itong gamitin. Kapag kinuha mo ang power-up na ito, mas hahaba ang sukat ng pagsabog ng bomba ni Bomberman. Maaaring mamatay si Bomberman sa sarili niyang mga bomba kaya dapat isipin maigi ng manlalaro kung dapat niya ba itong kunin.
Iba’t ibang levels
May limang mapa sa laro. Ito ay ang forest, ocean, wind, cloud, at evil. Bawat isa sa mga mapang ito ay may limang levels na kailangan mong malampasan bago makarating sa susunod na mapa. May mini game din ang larong ito na tinatawag na “jump mode” kung saan kailangan mong makarating sa tuktok gamit ang pagtalon at pagtatanim ng bomba.
Kapag natapos mo na ang lahat ng level sa isang mapa, may mangyayaring “boss battle” upang ma-unlock at makapunta ka sa susunod na mapa. Bagama’t ginawa bilang isang side scrolling game ang Pocket Bomberman, hindi pa rin naaalis dito ang pagiging puzzle game nito kaya kailangan mong pag-isipang mabuti kung saan itatanim ang mga bomba para matalo ang boss.
Review ng IGN
Ayon sa review ng gaming website na IGN, hindi ganoon kapulido ang graphics ng Pocket Bomberman. Nadagdagan ng kulay ang larong ito nang inilabas sa Gameboy Color, ngunit mistulang laos ang graphics ng larong ito at hindi nagkaroon ng mga pagbabago. Hindi nagkakalayo ang graphics ng Pocket Bomberman sa Bomberman GB.
Dagdag nila, hindi rin maganda ang kumbinasyon ng mga kulay sa larong ito. Kung nais mong mailabas ang potensyal ng Gameboy Color pagdating sa graphics at kulay, hindi mo ito makikita sa Pocket Bomberman. Pagdating naman sa musical score, masasabing maganda ang nagawa ng laro dahil bumagay ang tema ng musika sa mga galaw at mapa ng laro.
Ngunit ang pinakarason kung bakit marami ang nahumaling sa Pocket Bomberman, o sa mismong Bomberman franchise ay ang gameplay nito na gustung-gusto ng mga gamers noong araw. Sa halip na mag-concentrate sa puzzles at saparaan kung paano mauubos lahat ng kalaban, mas pinagtuunan ng pansin ng Hudson Soft ang paggawa ng istorya at pakikipagsapalaran sa Pocket Bomberman.
Pagdating naman sa haba o tagal ng laro, maganda rin ang ginawa ng Hudson Soft sa pagbabalangkas ng mga level at pagkakaroon ng iba’t ibang tema upang hindi maging boring at nakakatamad maglaro. Parehas pa rin ang gameplay nito hanggang dulo pero malaking tulong ang mga temang ito para maipakitang malayo na ang nararating mo sa laro.
Review ng GameSpot
Kung hindi nagustuhan ng IGN ang graphics at kulay ng Pocket Bomberman, nagustuhan naman ito ng GameStop. Ayon sa kanila, cute, makulay, at malinaw ang graphics ng larong ito. Nagustuhan rin nila ang musical scoring ng laro dahil bumagay ang mga tugtog sa tema ng mapa. Ngunit, isa ring kaibahan sa review ng GameSpot sa IGN ay ang gameplay.
Ayon sa GameSpot, nasa Pocket Bomberman ang lahat ng elemento ng Bomberman franchise na nagustuhan ng madla ngunit masyado raw madaling tapusin ang laro. Nakakabitin ang 25 levels at kahit na mas humihirap pagtagal, hindi mo kailangan ng matinding konsentrasyon at tiyaga upang tapusin ang laro. Sinubukan ng laro na bumawi sa pamamagitan ng jump mode.
Storyline
Ang kwento sa Pocket Bomberman ay umiikot sa pagnanakaw ng sikat ng araw mula sa Bomberman Country. At sa pagsisikap na maibalik ang ilaw sa bansa, dapat na makipagsapalaran si Bomberman sa tuktok ng isang bundok at kunin muli ang “Sword of the Sun” na may sumpa ng isang halimaw.
Upang mabawi ang espada at matanggal ang selyo o sumpa, kinakailangan ni Bomberman na kunin ang limang power stones na binabantayan ng limang halimaw sa Evil Mountain. At bago makapunta sa evil mountain, kailangan makalampas si Bomberman sa forest, ocean, wind, at cloud. Si Bomberman ang natitirang bayani na kayang tumalo sa mga halimaw na ito.
EStratehiya
May ilang estratehiya kang maaaring gamitin sa Pocket Bomberman. Kapag naglagay ka ng bomba sa larong ito, mananatili lang si Bomberman sa puwesto nito kahit na nilagay mo ang bomba sa hangin. Dahil dito maaari kang mang-air bomb o maglagay ng bomba sa ere para mapuksa ang kaaway.
Kung nahihirapan kang makarating sa taas ng isang platform, maaari ka ring maglagay ng bomba para matapakan mo. May iba ring manlalaro na ginagamit na hagdanan ang bomba para makatawid sila sa taas. Kailangan mo lang mag-ingat at kumilos nang mabilis dahil may oras ang mga bombang ito bago sumabog.
Konklusyon
Dapat mong subukan ang Pocket Bomberman kung mahilig ka sa retro games at nabibilang ka sa fans ng Gameboy. Masasabi mong casual ang laro at hindi man itoisang cult classic, malaki pa rin ang ambag ng Pocket Bomberman pagdating sa Bomberman franchise.
Dahil sa larong ito, nagkaroon ng mas malalim na istorya ang mga sumunod na Bomberman games at mas napayabong din ng Hudson Soft ang paggawa ng mga bagong tema kada level. May mga nadagdag sa laro at nakatulong ito para mas maging kapanapanabik ang mga sumunod na Bomberman games.
Hati man ang opinyon ng dalawa sa pinakamalalaking game review websites sa mundo, isa lang ang sigurado. Tama ang direksyong tinahak ng Hudson Soft noong inilabas ang larong ito.
At kung ang nais mo namang laruin ay mga classic na card at casino games, maaari mong i-download ang Big Win Club sa App Store at Google Play.