Ano ang Pokemon Color by Number?
Ang Pokemon Color by Number isang nakakapukaw-pansin na gawain para sa mga kabataang nasa edad 3 hanggang 10. Itinatampok sa activity na ito ang mga Pokemon. Ang Pokemon ay isang sikat na palabas para sa mga bata na nagmula pa sa Japan at ipinakilala noong Abril 1997. Ang seryeng ito ay nagkaroon ng pagtangkilik sa buong mundo at kinilala ng lahat ng mga bata at maging mga matatanda.
Ang Pokemon Color by Number ay isang masayang paraan upang maturuan ang mga bata ng pagkukulay gamit ang mga numero. Matututo silang gumamit ng mga magagandang kumbinasyon ng mga kulay habang kinikilala nila ang mga iba’t ibang numero sa activity na ito. Ang bawat kulay ay nakatalaga sa isang numero na makikita sa mga iba’t ibang bahagi ng larawan ng Pokemon. Ang mga bata ay siguradong matutuwa at masasabik sa kanilang activity.
Pokemon Color by Number: Mga Tampok na Pokemon
Ang Pokemon Color by Number ay nagtatampok ng tatlong kilalang Pokemon na siguradong magugustuhan ng mga bata. Ito ay sila Pikachu, Charmander at Bulbasaur. Makikilala mo rin ang tatlong ito kung nasubaybayan mo ang Pokemon o isa kang fan ng palabas. Sila ang mga unang nakasamang Pokemon ni Ash Ketchum, ang bidang Pokemon Trainer sa serye. Siguradong matutuwa mga bata kahit pa hindi kumpleto ang grupo ng Pokemons dahil wala ang cute na si Squirtle. Narito ang ilang paglalarawan sa mga tampok na Pokemon:
- Pikachu
Si Pikachu ay isang cute na dilaw na mukhang kunehong Pokemon. Isa siyang ‘electric type’ Pokemon kaya dilaw ang kanyang pangunahing kulay. Si Pikachu ang pinakakilalang Pokemon na galing sa sobrang cute na si Pichu. Mag-eevolve si Pikachu sa nakakatakot na Raichu sa tulong ng isang Thunderstone.
Si Pikachu ay punong-puno ng dilaw na balahibo. Ang kanyang mga tenga ay kulay dilaw na may markang itim sa dulo. Ang likod niya ay may mga markang kulay kape at ang kanyang buntot ay hugis kidlat. Mayroon siyang maikling kamay at mala-sanggol na mga daliri. Mayroong dalawang pulang bilog sa kanyang mga pisngi na nagiging dilaw kapag siya ay aatake gamit ang kanyang malalakas na kuryente.
Si Pikachu ay madaling kulayan para sa mga bata. Apat na kulay lamang ang kailangan kasama ang mga marka sa kanyang likod. Mas madali itong matapos ng mga bata sa tulong ng pagkukulay gamit ang mga numero.
- Charmander
Si Charmander ay isang nakakamanghang kulay kahel na dinosaur. Isa siyang ‘fire type’ na Pokemon na makikita sa nag-aalab niyang buntot. Ang una nitong bersyon ay si Charmeleon hanggang maabot niya ang dulo ng kanyang ebolusyon na naging si Charizard. Si Charmander ay may mala-dilaw na tiyan. Ang nag-aalab na apoy sa kanyang likod ay magkahalong dilaw at kahel. Ang apoy na ito ang sumisimbolo ng kanyang lakas at buhay. Nasa pinakamainam na kondisyon si Charmander kapag mas maalab ang kanyang apoy ngunit mamamatay naman siya sa oras na mawala na ang apoy sa kanyang buntot.
Ang katawan ni Charmander ay binubuo ng kakaunting kulay. Halos kulay kahel at dilaw ang bumabalot dito. Ang mga mata niya ay pinaghalong itim at bughaw habang ang kanyang dila ay kulay rosas.
- Bulbasaur
Si Bulbasaur ay kulay turkesa na mala-palakang Pokemon. Siya ay ‘grass at poison type’ na mahahalata sa berdeng usbong sa kanyang likod. Siya ay mag-eevolve sa Ivysaur hanggang makamtan niya ang pagiging si Venusaur. Ang usbong sa kanyang likuran ay patuloy na lumalago habang siya ay lumalaki. Si Bulbasaur ay kumukuha ng sustansya sa araw gamit ang ‘photosynthesis’ gaya ng mga halaman.
Si Bulbasaur ay may tatlong kuko sa bawat paa. Siya ay walang buntot, hindi tulad nila Pikachu at Charmander. Mayroon siyang malalaking pulang mata at maliliit ngunit matutulis na ngipin. Ang kanilang turkesang balat ay mayroong mga berdeng batik.
Importansya ng Pokemon Color by Number
Ang pagkukulay sa mga worksheet sa Pokemon Color by Number ay maaaring napakadali para sa mga matatanda. Ngunit ang mga batang hindi pa nakakakilala sa mga kulay at numero ay maaaring mahirapan sa pagtapos nito. Dapat samantalahin ng mga magulang ang oportunidad na ito upang maturuan ang kanilang anak tungkol sa mga kulay at numero. Maaari ring kulayan muna ng mga magulang ang background upang maipakita nila sa mga bata ang mga Pokemon sa puting pahina. Pagkatapos nito, hayaan nila ang kanilang mga anak na mag-enjoy sa pagkukulay.
Narito pa ang mga benepisyo ng Pokemon Color by Number para sa mga bata:
- Nalilinang ang kanilang ‘motor skills’
Ang pagkukulay ay isang ‘motor skill’ kung saan kailangan ang koordinasyon ng mga kamay at mata. Kailangang hawakan ng mga bata ang krayola para makulayan ang mga Pokemon sa Pokemon Color by Number. Mas magiging mabilis ang kanilang development kapag mas maaga silang matuto nito. Maaaring mahirapan sa pagkulay sa mga maliliit na parte ng Pokemon ang mga bata. Subalit sila’y matututo rin habang nagkakaroon ng tamang koordinasyon ang kanilang mga kamay at mata. Mas malilinang nila ang kanilang kakayanan habang nagkukulay sila ng mga maliliit na espasyo.
Bukod pa roon, ang paghawak sa mga bagay ay isang magandang motor skill at isang pangunahing ehersisyo para sa mga palad. Isa rin itong pagsasanay upang matututo silang magsulat. Ayon sa pananaliksik, mas mabuting bigyan ng mas malalaking krayola ang mga batang malilit pa lang at hayaan silang mag-adjust sa kalaunan. Nakakatulong din sa paghawak ng mabuti ang paggamit ng mga hugis tatsulok na krayola sa halip na ang pangkaraniwang bilog.
- Nakakatulong ito sa pagkilala ng mga numero
Ang Pokemon Color by Number ay nakakatulong sa mga bata upang matandaan nila ang mga numero. Ang activity na ito ay maganda para sa kanila lalo na kung hindi pa naituturo ng magulang ang tungkol sa mga numero. Dagdag pa diyan, matututo silang magbilang sa pamamagitan ng masaya at malikhaing paraan. Ito ay makabagong paraan ng pagtuturo kumpara sa tradisyunal na istilo na naka-focus sa pagkabisado ng mga numero. Ang mga tradisyunal na paraan ay mahirap ituro sa mga batang merong ‘short attention span’.
- Nakakatulong ito sa kanilang focus
Kailangang magkaroon ng focus habang nagkukulay gamit ang mga numero. Ang Pokemon Color by Number ay magtuturo sa bata ng tiyaga at focus sa kanilang mga ginagawa. Ito ay mabisang paraan upang malutas ang ‘short attention span’ ng mga bata.
- Nakakatulong ito sa kanilang pagre-relax
Ang pag-aaral ay nakakastress minsan para sa mga bata. Ang kanilang stress ay maaaring maibaling sa mga madadali at masasayang gawain tulad ng Pokemon Color by Number. Mailalabas nila ang kanilang mga emosyon habang nagkukulay. Ito ay mabisang paraan upang maibsan ang kanilang stress at maipahayag ang kanilang mga sarili.
Konklusyon
Ang Pokemon Color by Number ay isang masaya at nakaka-relax na gawain para sa mga batang may edad 3 hanggang 10. Itinatampok ang mga cute na Pokemon sa mga worksheet nito. Marami ring maidudulot na benepisyo ang pagkukulay gamit ang mga numero tulad ng simpleng pagkilala ng mga bata sa mga numero at ang paglinang ng kanilang mga karakter. Ang Pokemon Color by Number ay kailangang subukan!
Para sa iba pang maaari mong pagkaabalahan, mag-download na ng Big Win Club app na maraming online games na pwedeng gawin kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ang paglalaro na may kasamang mga hamon ay magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.