Alam Mo Ba Kung Paano Maglaro ng Pusoy 2 Online Game?
Ang Pusoy 2 online game ay isang uri ng larong baraha na nagmula sa Pilipinas. Ito ay nilalaro ng dalawa, tatlo, hanggang apat na mga manlalaro. Ang bawat players ay makakatanggap ng 13 na mga baraha. Ang layunin ng larong ito ay unahang makaubos ng mga baraha habang umiikot sa mga players ang pagkakataong tumira o maglapag ng cards.
Paano Maglaro ng Pusoy 2?
Upang makapaglaro ng Pusoy 2, kailangan mong malaman ang pagkakasunud-sunod ng suits ng mga baraha. Narito ang isang detalyadong paliwanag ng mga patakaran ng Pusoy 2.
Pagkakasunud-sunod ng Suit
Ito ang pagkakasunud-sunod ng suit mula pinakamataas hanggang pinakamababa:
- Diamonds
- Hearts
- Spades
- Clubs
Pagkakasunud-sunod ng mga Baraha
Ang kumbinasyon ng mga baraha na kailangan mo upang manalo sa Pusoy 2 ay ang mga sumusunod:
Singles
Ang mga Singles ay binubuo ng mga solong baraha mula sa deck. Ang pinakamataas na solong baraha sa Pusoy 2 ay ang 2 of diamonds, at ang pinakamababang solong baraha naman ay ang 3 of clubs.
Doubles
Ang mga Doubles ay kilala rin bilang two-of-a-kind. Kasama sa mga doubles ay ang isang pares ng mga barahang may parehong ranggo. Ang pinakamababang double ay isang pares ng 3s. Samantalang ang pares ng mga barahang mayroong 3 of diamonds naman ang pinakamataas.
Triples
Ang mga Triples ay kilala rin bilang three-of-a-kind. Binubuo ito ng tatlong barahang may parehong ranggo. Ang pinakamataas na kumbinasyon sa triples ay ang triple twos (2, 2, 2) at ang pinakamababang kumbinasyon naman ay binubuo ng triple threes (3, 3, 3).
Five Cards
Ang kumbinasyon na ito ay binubuo ng limang baraha. Ito ay detalyadong nailahad sa ibaba.
Straight
Ang Straight ay isang kumbinasyon ng limang magkakasunod na mga solong baraha na; 3, 4, 5, 6, 7. Ang pinakamataas na kumbinasyon ng Straight ay binubuo ng 10, J, Q, K, A, at ang pinakamababang kumbinasyon naman nito ay binubuo ng 2, 3, 4, 5, 6.
Kung sakaling ang dalawang manlalaro ay may parehong Straight na may parehong pinakamataas na cards, halimbawa:
Isang nagtatapos sa 6. Ang mas mataas ay ang Straight na may 6 of diamonds.
Flush
Ang Flush ay isang kumbinasyon ng anumang limang baraha galing ng parehong suit. Ang pinakamataas na kumbinasyon nito ay tinatawag na Diamond Flush, at ang pinakamababang kumbinasyon naman ay Club Flush.
Kapag ang dalawa sa mga manlalaro ay may dalawang kumbinasyon ng parehong suit, halimbawa:
Parehong manlalaro ay may mga barahang puso, ang sinumang may pinakamataas na Singles ay ang siyang may mas mataas na flush at ang panalo.
Full House
Ito ay isang kumbinasyon ng limang baraha na binubuo ng isang triple at isang pair.
Halimbawa: 3, 3, 3, Q, Q.
Ang pagraranggo ng mga baraha ay ginagawa depende sa triple na mayroon ang manlalaro. Ang pinakamataas na Full House ay mayroong triple na 2, 2, 2, at ang pinakamababang kumbinasyon nito ay mayroong triple na 3, 3, 3.
Quads
Ang Quads ay mas kilala bilang four-of-a-kind. Ito ay binubuo ng apat na magkakaparehong baraha at isang single, halimbawa: K, K, K, K, 3.
Ang ranggo ay depende sa pairs. Ang pinakamataas na kumbinasyon ay 2, 2, 2, 2, at anumang single. Ang pinakamababa namang uri nito ay ang grupong 3, 3, 3, 3, at anumang single.
Straight Flush
Ito ay isang kumbinasyon ng 5 magkakasunod na baraha ng parehong suit. Ang pinakamataas na Straight Flush ay binubuo ng A, K, Q, J, 10 at ang pinakamababa naman na uri nito ay mayroong 2, 3, 4, 5, 6.
Ang pinakamataas sa kumbinasyon ng A, K, Q, J, 10 ay ang Diamond Flush.
Kung may mga manlalaro na parehong may dalawang flushes ng parehong suit, ang mananalo ay matutukoy sa taas ng bilang ng single card na mayroon ang manlalaro.
Sa Paglalaro
Ang paglalaro ng Pusoy 2 online game ay sisimulan ng isang dealer sa pamamagitan ng pag-shuffle ng deck. Pagkatapos ng pagbabalasa ay ipapamudmod na nya sa mga kalahok ang mga baraha hanggang sa ang mabigyan ang bawat isa ng 13 cards.
Ang manlalaro na may pinakamababang baraha (3 of clubs) ay siyang mauuna sa pagtira. Maaari itong ilapag bilang single, gawing isang pair, bilang triple o isang kumbinasyon ng limang baraha. Ang mga baraha ay inilalagay sa gitna ng lamesa na bukas o nakatihaya upang makita ng iba pang kasali sa laro.
Rotasyon ng Laro
Matapos na tumira, ang manlalaro sa iyong kaliwa ang susunod na titira. Nangangahulugan ito na ang Pusoy 2 online game ay nilalaro nang may sinusundang rotasyon.
Pagbababa ng Baraha
Kung nais mong magbaba ng isang baraha, gagawin mo ito sa iyong turn. Gayunpaman, ang kumbinasyon ng baraha na mayroon ka ay dapat na mas mataas kaysa sa ibinaba ng tao sa harap mo.
Pagpapaliban ng Tira
Kung wala kang mas mataas na baraha o kailangan mong itabi ang iyong baraha maaari kang magpaliban ng tira upang ang susunod na manlalaro naman ang maglalapag ng mga baraha.
Pagbibigay ng Puntos
Ang unang tao na makaubos ng lahat ng kanyang mga baraha ay siyang panalo, at ang laro ay nagtatapos sa puntong ito. Gayunpaman, sa ilang mga bersyon, ang laro ay nagpapatuloy hanggang sa isang tao na lamang ang may mga baraha.
Kapag ang isang tao ay nanalo, at ang laro ay nagtapos, ang nagwagi ay binibigyan ng 1 puntos at ang mga natalo ay bokya. Kapag ang laro ay nagpatuloy hanggang sa isang tao na lamang ang may mga baraha, ang nagwawagi ay binibigyan ng 5 puntos. Ang sumunod naman sa nanalo ay binibigyan ng 3 puntos at ang nasa pangatlong pwesto ay magkakaroon ng 1 puntos.
Saan Maaaring Maglaro ng Pusoy 2 Online Game?
Ngayon na mas malinaw na sa iyo kung paano laruin ang Pusoy 2 at may ideya ka na rin sa mga panuntunan na dapat mong tandaan upang magkaroon ng magandang estratehiya sa iyong paglalaro, oras na para isipin kung saan mainam na maglaro ng Pusoy 2.
Mas mainam ang paglalaro ng Pusoy 2 sa mga online casino apps tulad ng Big Win Club app. Ito ay isang lehitimong app kung saan makakapaglaro ka ng Pusoy 2 online game at iba pang laro na nasa aktwal na casino. Madali lamang itong gamitin kaya ano pang hinihintay mo? Mag-sign up ka na sa Big Win Club app at gamitin ang lahat ng natutunan mo sa artikulong ito upang manalo sa Pusoy 2!