nyang cards sa pamamagitan ng pag-aayos nito at pagtapon ng matataas na baraha upang manalo sa laro. Ang Pusoy Dos online naman ang unang laro ng Pusoy sa mobile phones at ito ay libreng laruin. Inihahandog ito sa mga Pilipino at sa buong Asya, kung saan ito ay palaging nilalaro.
Ito na ang pagkakataon na magkakasama-samang magkakapaglaro ang milyun-milyong mga players ng pusoy. Bilang paghahanda, kakailanganin ang mahusay na diskarte upang talunin ang lahat ng iba pang mga manlalaro at maging isang Pusoy Master.
Mga Key Features ng Laro
Play Now
- I-tap ang on-screen button at makipaglaro agad-agad sa iba pang mga players online.
Pumili ng Table
- Lumikha ng iyong sariling channel, magpasya ng mga taya at maghintay para sa ibang mga manlalaro na sumali.
Libreng Gold
- Tangkilikin ang walang limitasyong kasiyahan na may libreng gintong makukuha araw-araw.
Jackpot
- Ang Jackpot ay para sa lahat ng masuswerteng manlalaro. Lumalabas ito kapag mayroon kang 2 Royal Flushes, Straight o Flush, 3 Four of a Kind o 4 Three of a Kind.
VIP System
- Ang pagiging VIP ay nagdudulot ng malaking benepisyo sa mga manlalaro dito. Kapag nakaabot sa mas mataas na level ay makakakuha ng espesyal na bonus at discount.
Maglaro Kahit Saan Kasama ang mga Kaibigan
- Laruin na ito anumang oras at nasaan man kasama ang iyong mga kaibigan. Paikutin ang mundo ng Pusoy sa iyong mga kamay. Madali lamang mag-log in sa pamamagitan ng Facebook, Google o Zing Account.
Iba’t ibang Emojis
- Habang naglalaro, ipakita ang iyong nararamdaman at reaksyon sa ibang mga manlalaro. Makipag-chat at makipagkaibigan.
Ang Ranking sa Laro
Ang pangunahing kaalaman sa Poker ay kailangan para makapaglaro ng Pusoy. Ang mga hand ranking ay pareho sa Poker, mula sa isang royal straight flush, pababa hanggang sa buhaw o mga barahang walang pares. Ang pinakamataas na “front” hand ay tatlong ace, at ang pinakamababa ay 2-3-4.
Ang ranking ng mga card mula sa mataas, pababa ay: A-K-Q-J-10-9-8-7-6-5-4-3-2.
Ang ranking ng mga suit mula sa mataas, pababa ay: Diamonds > Clubs > Hearts > Spades
Ang ranking naman ng Poker hands mula mataas, pababa ay: Royal Flush > Pinakamataas na pares
Ang espesyal sa Straight o Royal Flush ranking mula mataas, pababa ay: 10-J-Q-K-A, 9-10-J-Q-K, 8-9-10-J-Q, 2-3-4-5-6, at A-2-3-4-5.
Kung ang isang manlalaro ay may 2 straights o 2 flushes na may parehong ranking (halimbawa: 2 straight A-2-3-4-5 o 2 flushes 4-5-9-Q-K (heart), ang straight (flush) na may pinakamataas na card at ang pinakamalakas na suit ay dapat ilagay sa back hand o hulihang grupo ng mga baraha.
Ang Pagkapanalo at Puntos
Ang mga pusta na nilalaro sa Pusoy ay tinatawag na Units. Ito ay isang halaga ng pera na napagkasunduan bago pa magsimula ang laro. Ang mga pangunahing panuntunan sa scoring ay nagdidikta na ang isang manlalaro ay mangongolekta ng isang unit mula sa bawat kalaban na natalo ang mga baraha sa front, middle o back hands.
Hindi tulad ng karamihan sa card games, ang pagiging pangalawa sa pinakamagaling sa poker ay sapat na upang manalo ng pera sa laro. Sa ilang mga variant, binabayaran din ang mga manlalaro ng karagdagang unit kung mananalo sila sa two o three of hands. Sa iba pang mga variants, ang mga players ay makakakuha lamang ng karagdagang unit kung sila ay nanalo sa lahat ng three hands na ang tawag ay “scoop”.
Ang scoring system na ginamit sa Pinoy game na Pusoy ay ang 1-6 scoring method. Sa paraang ito, ang manlalaro ay makakatanggap ng 1 unit para sa bawat isa sa tatlong hands na kanilang napanalunan, at 3 bonus na unit pa ang matatanggap kung mananalo sa lahat ng tatlong hands.
Mga Espesyal na Case
Royalties
- Ang mga royalty o mga bonus ay mga karagdagang units na maaaring ibigay sa mga manlalaro na may partikular na malalakas na hands. Ang mga royalty ay dapat ideklara bago ang pagbubunyag ng mga hands. Ang ilang mga hands at kumbinasyon na nabanggit sa taas ay karaniwang kabilang sa royalties.
Naturals
- Ang mga naturals ay mga espesyal na uri ng royalties kung saan idedeklarang panalo kaagad ang isang manlalaro bago pa may magsimulang sumuko sa laro.
Ang Mis-set Hand
- Kung ang isang manlalaro ay nagkamali ng pag-aayos o pagsasalansan ng kanilang hands (halimbawa, naglagay sila ng three of a kind sa unahan, ngunit dalawang pares lamang sa gitna), dapat nilang bayaran ang bawat isa sa kanilang mga kalaban.
Ang Pusoy
- Kung ang isang player ay nanalo sa lahat ng hands laban sa lahat ng mga manlalaro, tinatawag ito na isang “Pusoy”. Ang mananalo ay makakakuha ng halaga ng gold sa bawat manlalaro. Narito kung paano malalaman halaga ng mapapanalunan sa Pusoy:
P = (ABC)*X
X: Number player sa table
A: Yunit sa Front Hand
B: Yunit sa Middle Hand
C: Yunit sa Middle Hand
Libreng Laruin sa PC at ibang Device
I-download lang ang Pusoy Dos App nang libre sa PC. Katulad din ito ng Big Win Club App na maaari mong i-download sa iyong device at maaari ring laruin anumang oras. Masiyahan na sa paglalaro sa malaking screen habang nasa bahay o maging kapag nasa labas. Ito ay ang unang Pusoy Dos Game sa mobile at ginawang ganap na libre para sa lahat ng mga Pilipino.
Ang larong ito ay inilaan para sa mga matatanda o nasa wastong edad na at hindi nag-aalok ng totoong pera na pansugal o isang pagkakataon na manalo ng totoong pera o mga premyo. Kahit na walang totoong pera na inaalok dito, minabuti ng producer ng larong ito na hindi ito ipagamit sa mga bata upang hindi rin sila mamulat sa pagsusugal ng maaga.
Konklusyon
Lubos na inirerekomenda ang larong Pusoy Dos ZingPlay bilang isang magandang gaming software sa paglalaro ng cards. Sa ngayon ay mayroon na itong mahigit sa 2 million na download at patuloy pa ang pagtaas nito. Sa kabilang banda, napatunayan na ng marami na ligtas itong maida-download at i-install sa iba’t ibang mga devices. Ibahagi na ito sa pamilya at mga kaibigan upang sabay-sabay na maglaro at manalo.