Pusoy Offline sa Mahabang Byahe
Isa sa magandang pagbabago sa panahon ngayon ay ang paglabas ng mga apps na katulad ng Pusoy Offline na maaaring laruin kahit walang internet koneksyon. Kahit pa halos lahat ng mga lugar ngayon ay may access na sa internet, may mangilan-ngilan pa rin ang hindi abot ng internet signal. Isang halimbawa nito ay sa eroplano kapag bumibiyahe tayo papunta sa ibang lugar. Mayroon mang remedyo na ino-offer ang airline ay kailangan namang magbayad para makakonek. Kapag nagtitipid at sakto lang ang badyet, hindi ito uubra.
Ang mahabang biyahe ay sadyang nakakabagot kapag walang kahit anong mapaglilibangan. Hindi rin lahat ng tao madaling makatulog sa byahe. Lalo na kung economy ang nakuhang flight at hindi business class na siguradong walang telebisyon na mapapanood, pantanggal inip.
Depende sa hilig mo, maraming mga uri ng laro na nababagay para sa mahabang paglalakbay. Siguraduhin lang na may dalang charger, extra battery pack, o power bank para hindi maantala ang paglalaro at maputol ang kasiyahan dahil lang sa nasaid na ang baterya ng phone.
Ang Pusoy ng mga Pilipino
Ang pusoy ay bersyon ng mga Pilipino para sa Chinese Poker. Matagal nang popular sa mga lugar sa Asya ang larong ito at nakilala na din sa iba pang parte ng mundo dahil sa magagandang dulot ng laro. Simple lang ang mga alituntunin at kung dati nang may kaalaman sa poker at likas na swerte, madali na itong matutunan.
Para makapaglaro, kailangan ng 4 na players, ngunit maaari ring 3 o 2 kung kulang ang manlalaro. Kailangan lang i-deal o hatiin ang mga baraha sa 3 kagaya ng poker. Ang royal straight ang may pinakamataas na rank at ang may pinakamababang value ay 2, 3, at 4. Ang barahang may pinakamataas na halaga ay ang alas.
Narito ang pinakamababa hanggang pinakamataas na card ranking: 2-3-4-5-6-7-8-9-10-J-Q-K-A
Ito naman ang pinakamababa hanggang pinakamataas na uri ng ranggo ng baraha: High hand, One Pair, Two Pairs, Three of a Kind, Straight Flush, Full House, Four of a Kind, Straight Flush, at Royal Flush.
Sa pagsisimula ng laro, ang bawat kasali ay bibigyan ng 13 na baraha galing sa 52-card deck. Kapag tapos nang maipamahagi ng dealer ang cards ay iaayos ito ng mga player sa tatlong hanay ng poker hands. Dalawa na may tig-lilimang bilang at isang 3 ang bilang.
Ang pinakamataas na ranggo ng baraha ang ilalagay sa baba, kasunod ang sa gitna, at ang pinakamababa ay sa ibabaw. Kapag nakapag-ayos na ang lahat, isa-isang magsasabi kung lalaban o aatras bago ipakita ang mga hawak na baraha ng bawat isa.
Nagkakaiba-iba ang paraan ng pagpuntos at panalo depende sa kasunduan ng mga players bago magsimula ng laro.
Ang KK Chinese Poker
Isa din ito sa mga Pusoy Games Offline na maaaring i-download nang libre. Isang natatanging uri ng laro na may simpleng mga alituntunin at madaling mapag-aralan kung paano mananalo. Galante ang game na ito dahil may unlimited chips offer sa app na ito.
Ang paraan ng paglalaro ay katulad din ng sa Pusoy. Mas pinasimple dahil ang pagkuha ng puntos ay computer-generated. Hindi na mahihirapan pang magbilang ng mano-mano pagkatapos ng bawat laro.
Magandang graphics na katulad ng sa totoong land-based casino ang makikita dito. May mga cute na avatar para mapagpiliian na magiging icon mo sa laro. Kapag pinagbuti ang paglalaro ay maaaring mapasama sa leaderboard na makikita sa buong mundo.
Ang Pusoy Dos Offline
Ang isa pang miyembro ng pamilya ng Pusoy Games Offline ay ang Pusoy Dos Offline. Sa Pilipinas, ang nakakatuwang laro na ito ay kilalang-kilala. Ang alituntunin sa paglalaro nito ay pinagsanib na Pusoy at Tongits.
Ang ranking ng mga baraha ay halos katulad ng sa pusoy ngunit ang pinakamataas namang baraha dito ay 2. Madaling tandaan ang rule dahil nasa pangalan na ito ng laro – ang “dos” o dalawa sa Spanish. Sa orihinal na Pusoy dos ng Pilipinas, ang pagkakasunod-sunod ng ranking ng suit mula sa pinakamataas pababa ay diamonds, hearts, spades, at clubs. Dito sa app, ang ranking na ginagamit naman ay bahagyang naiba dahil spades na ang pinakamataas, sinundan ng hearts, clubs, at diamonds. Sa paglalaro, ang pinakaunang makakaubos ng 13 na mga baraha ang siyang mananalo.
Ang Chinese Poker Offline
Ito ay ang tradisyunal na Chinese Poker na ginawang modern at inilagay online. Ang sikat na laro sa Asya ay talagang nakakalibang at masarap laruin.
Ang magagandang feature nito ay ang pagkakadisenyo ng graphics, may interface na madaling gamitin at may tatlong mode na maaaring pagpilian – ang 2, 3, at 4-player na mga rooms. May mga iba’t ibang tema rin at mga bonus araw-araw.
Kapag na-download na at na-install ang app na ito, maaari nang maglaro kahit pa walang internet koneksyon.
Ang Capsa Susun (Pusoy ng mga Indonesian)
Ito naman ay ang paboritong laro ng mga Indonesian. Ang sariling bersyon nila ng pusoy.
Mula sa orihinal na card game hanggang sa maging online, ang paraan ng paglalaro ay pareho pa rin. Ngayon ay maaari na din itong laruin kahit pa ng mga nasa ibang bansa. Maaari ring laruin kahit saan at kahit kailan dahil hindi na kailangan ng koneksyon sa internet.
Ang kakaibang feature ng app na ito ay ang lucky wheel na maaaring makapagbigay ng 10,000,000 chips. Araw-araw ay may mga rewards, malalaking premyo at mga bonus. May limang magkakaibang paligsahan kung saan maaaring makakuha ng unlimited chips.
Konklusyon
Mabuti na lang at may Pusoy Go Offline na. Maraming iba’t ibang bersyon ng pusoy na maaaring pagpilian sa mga online casino apps ngayon sa internet. Para sa mga tagasubaybay ng pusoy games, isang magandang bunga ng modernisasyon ang pagkakaroon ng Pusoy Go Offline. Mas madali na at mas simpleng maka-access at makapaglaro.
Maaari ding maglaro kahit nag-iisa dahil may mga AI player na magiging kalaban sa app na ito. At dahil nga Pusoy Go Offline, kahit pa walang internet source, tuloy pa rin ang laro!
May mga Pusoy games na makikita din sa Big Win Club app. Hindi lang pusoy, mayroon din itong iba pang mga card games, slots, mga skill-based na laro at iba pang koleksyon ng mga paboritong laro.
Ngayon na maaari nang maglaro offline, hindi na problema ang pagkainip kapag may malalayong biyahe. Maaari nang mag-relax at mag-enjoy ng paboritong laro sa smartphone, tablet, o kahit anong device. Huwag lang kakalimutang dalhin ang gadgets pati na ang mga back-up power upang tuloy-tuloy ang ligaya.