Ano ang Pusoy Uno?
Ang Pusoy Uno ay isang magandang laro lalo na kung ikaw ay nag-aantay sa iyong hotel lobby bago ka bumiyahe o kaya naman habang ikaw ay nasa tabi ng pool. Hindi mo na kailangan ng chips, pera o kahit pa lamesa para ito ay malaro.
Ang kailangan mo lamang ay iyong mga baraha (hindi ka dapat umalis ng bahay na wala ang iyong mga baraha), kahit anong magagamit upang gawing talaan ng puntos (papel, cellphone o ang Pusoy Uno apps ay maganda ring alternatibo) at kahit kaunti lamang na estratehiya tungkol sa paglalaro ng Pusoy Uno upang hindi kaagad matalo.
Simple lamang ang panuntunan ng Pusoy Uno at madali mo lamang itong matututunan, pero medyo ibang usapan ang tungkol sa diskarte ng paglalaro nito.
Estratehiya sa Pusoy Uno – Isang Laro na Kaya Mong Kwentahin
Ang Pusoy Uno ay hindi tulad ng ibang tipikal na larong baraha, isa itong laro na kaya mong kwentahin. Hindi ka man aktwal na magkukwenta gamit ang matematika, maaari kang gumamit ng computer upang awtomatik na makita ang possibleng kalalabasan ng moves at kung anong paraan ang pinakamainam mong gawin sa mga hawak mong baraha.
Ang kailangan mo lang gawin ay isipin kung anong mga baraha ang hawak ng iyong kalaban at hanapin ang pinakamataas na baraha na pwede mong ipangtapat sa mga barahang hawak niya.
Marahil dahil sa panuntunang ito kung bakit hindi kasing popular ng ibang larong baraha online ang Pusoy Uno. Ngunit sa mga panahon tulad ng mga biyahe, hindi naman dala ng karamihan sa mga tao ang kanilang mga computer kaya sino ang makakalaban mo?
Estratehiya sa Pusoy Uno – Gumalaw nang Naaayon sa Kalaban
Ang paraang ginagamitan ng matematika ay maaaring hindi maging epektibo sa lahat ng oras kapag naglalaro ng Pusoy Uno. Dahil hindi isinasama sa pagkukwenta nito ang paraan ng paglalaro ng iyong kalaban.
Isang halimbawa ng ganitong senaryo ay:
Kung ang iyong kalaban ay sinadyang pabayaan ang unang grupo (front) ng mga barahang hawak niya dahil iniisip niyang ito ay hindi kasing importante ng iba, maaari mong ilagay ang lahat ng malalakas na baraha sa gitna (middle) at hulihang (back) grupo ng pinagtugma-tugmang mga hawak na baraha upang mas madali kang makakuha ng puntos.
Ilan pa sa mga estratehiya ng mga magaling na manlalaro ay ang paggamit ng mainam na basehan ng pagkuha ng puntos upang makatulong sa mas mabisang pagtatantya. Ito ay kanilang ginagamit upang makalaro sila ng ayon sa paraan ng paglalaro ng kanilang kalaban.
Syempre ang estratehiya na iyong ginagamit ay depende sa basehan mo ng pagkuha ng puntos. Ang grupo ng mga barahang hawak mo na gumagamit ng sistemang 2-4 para sa basehan ng pagkuha ng puntos ay maaaring kailangan mo pang baguhin nang bahagya upang magamit sa laro na nagbibigay ng karagdagang puntos para sa mga espesyal na grupo ng mga baraha tulad ng Front at Three Straights.
Tandaan, walang unibersal na sistema sa larong Pusoy Uno.
Hindi Mo Kailangang Tumaya sa Pusoy Uno
Sa Pusoy Uno, hindi mo kailangan ng aktwal na taya habang naglalaro. Ang kailangan mong gawin ay maglaro upang makakolekta ng maraming puntos, katulad ng karamihan ng mga larong baraha tulad ng Bridge at Gin Rummy.
Gayunpaman, marami pa rin ang mga naglalaro kung saan may katumbas na halaga ang bawat puntos tulad ng 10¢ or $1 kada puntos. Kung ikaw ay isa talagang manunugal na madalas maglaro para sa premyong pera kapalit ng puntos – marami ang tulad mong maituturing na tipong pangpropesyunal na ang level, kung saan ang $1,000 kada isang puntos ay hindi malayo sa katotohanan.
Iwasan Ang Magkamali sa Hawak na Mga Baraha
Kahit pa isa sa mga pangunahing kaalaman ito sa paglalaro ng Pusoy Uno, isa sa mga dapat mong iwasan ay ang magkamali ka sa mga hawak mong baraha. Hindi man halata ay isa itong pangyayari na madalas nagaganap at hindi mura ang pagkakamaling ito. Kapag ikaw ay nagkamali sa iyong mga hawak na baraha, babayaran mo ang bawat isa mong kalaban ng “scoop”.
Maganda rin na isaisip ito dahil hindi naman simple ang iyong gagawin. Ikaw ay nakahawak ng 13 na baraha habang sinisigurado mo rin kung paanong hindi makakahalata ang iyong kalaban sa pinili mong diskarte. Maaari ring ito ay ginagawa mo habang ikaw ay nasa byahe o habang nanginginig ang iyong mga kamay.
Mabuting siguraduhin na hindi magkakamali sa pagsasalansan ng iyong mga baraha.
Isang pro tip: Siguraduhing matatalo ng hulihang grupo ng iyong hawak na mga baraha ang gitna at matatalo ng gitna ang unahang grupo.
- Mang-scoop o Iwasan na Mai-scoop
Kadalasan sa mga popular na sistema ng pagbibigay ng puntos sa larong Pusoy Uno ay kinikilala ang “scooping” (pagkapanalo sa lahat ng grupo ng barahang hawak ng isang manlalaro). Dahil dito naging isa sa mga pangunahing pokus sa paglalaro ng Pusoy Uno ay ang makapag-scoop dahil malaki ang balik dito.
Kung hindi mo naman kayang mang-scoop ay dapat na iwasan mong mai-scoop ng iyong kalaban dahil malaki ang mawawala sa iyo. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat na bumuo ang bawat manlalaro ng disenteng grupo ng mga baraha na mayroong kahit isang grupo lang na mataas ang kalidad. Ito ay upang mahirapan ang iyong mga kalaban na mai-scoop ka.
Mas mainam na magkaroon ka ng mataas na kalidad na mga baraha sa isang grupo ng mga barahang hawak mo kaysa tatlong grupo ng mga baraha na may pare-parehong kalidad.
Sa larong laban sa tatlong mga manlalaro, ang mababang kalidad na Full House ay disente sa hulihan na grupo pero sobrang lakas na baraha naman kung ilalagay mo ito sa gitnang grupo.
- Paano Mo Lalaruin ang Four Pairs sa Pusoy Uno
Kung ikaw ay may hawak na Four Pairs, maaari mong ilagay ang pangalawa sa pinakamagandang pares na meron ka sa unahang grupo ng mga barahang hawak mo. Basta siguraduhin mo na ilalagay mo ang dalawang pinakamahinang pares sa hulihan at ang pinakamagandang pares naman sa gitna.
Halimbawa, ang Four Pairs mo ay:
- 22
- 44
- AA
Ang pwede mong gawing ayos ng iyong mga baraha ay:
- 2244x sa Hulihan
- AAxxx sa Gitna
- QQ sa Unahan
Ang Pair of Queens ay isang magandang proteksyon upang hindi mai-scoop ng kalaban. Sa 13 na baraha na iyong matatanggap, malaki ang posibilidad na madalas kang makakabuo ng Four Pairs. Kung sakali mang hindi ganoon kaganda ang iyong mga baraha, ang pinakamainam mong magagawa ay ang ilagay mo sa unahan ang pangalawa sa pinakamagandang pares ng baraha na meron ka.
- Paano Hatiin ang Pairs
Kung mayroon kang Straight at dalawang Pairs, dapat mo bang ilagay ang dalawang Pairs sa gitnang grupo o dapat mong ilagay ang isa sa mga Pairs sa unahang grupo ng mga barahang hawak mo?
Kadalasan, mas mainam na paghiwalayin ang mga Pairs dahil mas malakas ang isang Pair sa unahan na bahagi ng iyong baraha kumpara sa dalawang Pairs sa gitna.
Pero kung ang tatlong natitirang baraha ay maganda, tulad ng AK9 o AQJ, mas mainam na ilagay mo sa unahang grupo ang mga ito at ilagay ang dalawang Pairs sa gitnang grupo.
- Paghahati ng isang Full House
Mas maganda bang ideya na ilagay ang Full House sa hulihang grupo ng iyong mga hawak na baraha o paghiwa-hiwalayin ito at ilagay ang Pair sa unahang grupo?
Ito ay nakadepende sa kalidad ng Pair at ng iba pang barahang meron ka. Kung ang Full House na hawak mo ay binubuo ng 333KK, ang Full House na ito ay hindi sapat sa hulihan ngunit ang KK ay sobrang lakas na baraha sa unahang grupo.
Alalahanin mo na sa tuwing pinagkukumpara mo ang mga Full Houses, mainam na unahin mo munang ikumpara sa mga Trips. Halimbawa, ang 333KK ay matatalo ng 44422. Samantala, ang Full House naman na tulad ng KKK22 ay sobrang lakas na baraha sa hulihang grupo. Habang ang paglalagay naman ng 22 sa unahan ay hindi gaanong makapagbibigay ng proteksyon upang hindi ka mai-scoop ng iyong kalaban, at hindi ka rin kayang bigyan ng KKK sa hulihan ng ganun kalaking puntos. Ang Full House na ito ay mas mainam na buo mong ilagay sa hulihang grupo ng mga barahang hawak mo.
Ngunit, kung ang iyong Full House ay tulad ng 333KK, ang Flush sa gitna at AQJ sa unahan, ay mas mainam nang ilagay mo ang iyong Full House sa hulihan dahil disente naman na ang kalidad ng baraha mo sa unahang grupo.
Alalahanin mo na dapat mayroon kang baraha sa gitna na kayang talunin ang kahit anumang baraha ang ilalagay mo sa unahan.
Saan Maaaring Maglaro ng Pusoy Uno?
Ngayon na mas malinaw na sa iyo kung paano laruin ang Pusoy Uno at may ideya ka na rin sa mga panuntunan na dapat mong tandaan upang magkaroon ng magandang estratehiya sa iyong paglalaro, oras na para isipin kung saan mainam na maglaro ng Pusoy Uno.
Isa sa mga tradisyunal na paraan ay ang pakikipaglaro sa iyong mga kaibigan o kakilala kung saan kayo kumportable o ang paglalaro sa mga establisyimento tulad ng aktwal na casino.
Kung nais mo namang maglaro nang nananatili sa iyong bahay o masyado kang maraming ginagawa para pumunta pa sa mga casino upang maglaro, mas mainam ang paglalaro ng Pusoy Uno sa mga online casino apps tulad ng Big Win Club app.
Ito ay isang lehitimong app kung saan makakapaglaro ka ng Pusoy Uno at iba pang games na nilalaro sa aktwal na casino. Madali lamang itong gamitin kaya ano pang hinihintay mo? Mag-sign up ka na sa Big Win Club app at gamitin ang lahat ng natutunan mo sa artikulong ito upang manalo sa Pusoy Uno!