Ang Pusoy Way: Alamin Kung Ano at Paano Laruin ang Pusoy
Bago pa planuhin ang pagkapanalo sa Pusoy gamit ang mga payo sa pusoy way online, dapat mo munang malaman kung ano ba ang Pusoy.
Ang Pusoy o Pusoy Dos ay isa sa mga pinakakilalang larong baraha sa Pilipinas. Ang larong ito ay nagmula sa Calauag, Quezon Province. Ito ay karaniwang nilalaro ng apat na tao pero maaari rin itong laruin ng dalawa o tatlo.
Para makapaglaro ka ng Pusoy ay kailangan ng kahit konting kaalaman sa pangunahing panuntunan ng larong Poker. Katulad ng Poker, ang pagkakasunod ng ranggo ng pinakamataas na baraha pababa ay royal straight flush hanggang no pair. Ang pinakamataas na baraha ay tatlong aces at ang pinakamababa naman ay 2-3-4.
Para sa indibidwal na ranggo ng mga baraha simula pinakamataas pababa, ito ay: A-K-Q-J-10-9-8-7-6-5-4-3-2
Para naman sa ranggo ng mga suits ng baraha simula pinakamataas, pababa ay: Diamonds (♦) > Clubs (♣) > Hearts (♥) > Spades (♠)
Panghuli, ang ranggo ng pusoy simula pinakamataas, pababa:
Royal Flush > Straight Flush > Four of a Kind > Full House > Flush > Straight > Three of a Kind > Two Pairs > One Pair > High Hand
Tandaan:
*May espesyal na panuntunan sa mga barahang Royal Flush o Straight, narito ang ranggo ng mga ito simula sa pinakamataas, pababa: 10-J-Q-K-A, 9-10-J-Q-K, 8-9-10-J-Q… 2-3-4-5-6, A-2-3-4-5.
*Kung ang manlalaro ay may 2 straights o 2 flushes na may parehong ranggo (halimbawa: 2 straight A-2-3-4-5 o 2 flushes 4-5-9-Q-K (heart)), ang straight (flush) na may pinakamataas na bilang ay muling ibabalik sa back hand.
Ang Paglalaro
Ngayon na alam mo na ang pangunahing panuntunan sa laro, hayaan mong mas palalimin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa Pusoy.
Sa Pusoy, ang bawat manlalaro ay makakakuha ng 13 na baraha mula sa tipikal na deck ng baraha na naglalaman ng 52 na piraso. Ang mga manlalaro ay dapat na iayos ang kanilang mga baraha at hatiin ito upang magkaroon sila ng tatlong grupo ng mga baraha na kung tawagin ay “poker hands”.
Ang tatlong grupo ng mga baraha na ito ay mayroong dalawang parte na naglalaman ng tig-limang baraha na kung tawagin ay “the middle” o gitna, at “the back” o hulihan. Ang natitirang isang grupo naman ng mga baraha na kung tawagin ay “the front” o unahan ay dapat binubuo ng tatlong baraha. Ang tatlong posibleng kumbinasyon ay: Three of a Kind – One Pair – High Card.
Ang hulihang grupo ng mga baraha dapat ang may pinakamataas na ranggo sa tatlong poker hands na hawak ng manlalaro. Ang unahang grupo naman ng baraha ang may pinakamababang bilang (tandaan na ang straights at flushes ay hindi bilang sa tatlong baraha na hawak ng manlalaro). Ang hulihang grupo ay dapat nakababang patalikod sa harapan ng manlalaro, ang gitnang grupo ay dapat na nasa taas nito at dapat na nakataob din pagkababa. Ang front ay dapat na patalikod ding ilalapag sa taas ng panggitnang mga baraha.
Kapag tapos na ang lahat ng manlalaro na iayos ang kanilang mga baraha, ang bawat isa ay magsasabi ayon sa kanilang mga nabuo (paikot pakanan, simula sa kaliwa ng dealer) kung maglalaro sila gamit ang grupo ng kanilang baraha. Para mas may thrill, ang lahat ng manlalaro ay dapat na inanunsyo muna ang mga “royalties” sa kanilang baraha bago nila ito ipakita.
Kung ang manlalaro ay may Naturals, siya na ang panalo sa laro ano man ang hawak na baraha ng kanilang kasama. Ang Naturals ay kadalasang nagdudulot sa manlalaro ng pinakamataas na puntos sa pinakamaikling panahon.
Ang Markahan sa Pusoy
Ang pusta na ginagamit sa paglalaro sa Pusoy ay tinatawag na UNITS, ito ay ang halaga ng tayang napagkasunduan bago magsimula ang laro. Ang pangunahing pamantayan sa pagmamarka ay nagsasabi na ang manlalaro ay dapat mangolekta ng isang unit sa bawat isang player na natalo ng kanilang unahan, gitna at huling grupo ng mga baraha sa ganitong ayos.
Dahil dito, ang Pusoy ay hindi katulad ng ibang mga larong baraha. Kahit pangalawa lamang sa ranking ang iyong baraha, hindi ka pa rin lugi at may makukuha ka pa ring disenteng halaga ng pera o premyo. Sa ibang uri ng Pusoy, ang mga manlalaro ay binibigyan din ng kaakibat na unit kung sila ay nanalo ng dalawa o tatlo sa grupo ng mga barahang hawak nila. Samantalang sa iba namang klase ng larong ito, may karagdagang premyo ang sino mang mananalo sa lahat ng tatlong grupo ng mga barahang hawak nila, ang uri ng pagkapanalo na ito ay tinatawag na “SCOOP”.
Ang sistema ng markahan na ginagamit sa Pinoy game Pusoy ay ang 1-6 scoring. Sa sistemang ito, ang manlalaro ay makakakuha ng 1 unit para sa bawat grupo ng baraha na kanyang maipapanalo at may 3 bonus units (ito ay idadagdag sa una pang tatlong units na napanalunan sa tatlong poker hands) kung sila ay mananalo sa lahat ng ilalahad na hands.
Espesyal na Panuntunan sa Pusoy: Royalties
Ngayon ay may kaalaman ka na sa mga pangunahing panuntunan at markahan sa Pusoy, mas mainam na sulitin mo na ang iyong kaalaman patungo sa premyo gamit ang pusoy way.
Sa larong Pusoy, may tinatawag na “royalties” o “bonuses”. Ito ay ang mga karagdagang units na ibinibigay sa mga manlalarong may hawak ng mataas na uri ng mga baraha. Ang Royalties ay dapat i-anunsyo ng manlalaro bago ito ipakita. Ilan sa mga grupo o kumbinasyon ng mga baraha na kadalasang itinuturing na royalties ay ang mga sumusunod:
Sa unahang grupo ng mga baraha
- Triple (5 units)
Sa gitnang grupo ng mga baraha
- Full House (3 units)
- Four of a Kind (14 units)
- Straight Flush (18 units)
- Royal Straight Flush (22 units)
Sa hulihang grupo ng mga baraha
- Four of a Kind (7 units)
- Straight Flush (9 units)
- Royal Straight Flush (11 units)
Espesyal na Panuntunan sa Pusoy: Naturals
Ang Naturals ay mga espesyal na uri ng royalties kung saan ang manlalaro ay agad na idinideklarang panalo (ito ay bago pa man may sumuko sa laro), at ang mga manlalaro ay hindi pa nasasalansan ang kanilang mga baraha.
Naturals:
- 3 Straights (9 units)
- 3 Flushes (9 units)
- 6 Pairs (9 units)
- 5 Pairs at 1 Triple (18 units)
- Same Suit (24 units)
- Dragon (36 units)
- Dragon Same Suit (144 units)
Espesyal na Panuntunan sa Pusoy: Mis-Set Hand
Ang isang halimbawa ng mis-sets hand ay kapag ang manlalaro ay nagsalansan ng three of a kind bilang front ng kanyang mga baraha pero mayroon lamang siyang two pair sa gitnang grupo. Kapag ito ay nangyari, ang manlalaro ay dapat bayaran ang bawat isa sa kanyang mga kalaban na may mga hawak pang baraha ng halagang katumbas kapag nai-SCOOPED.
Espesyal na Panuntunan sa Pusoy: Pusoy (Win All Hand)
Ang panuntunan na ito ay sinusunod sa kahit anong uri ng Pusoy, kahit pa ang pusoy way online. Kung ang manlalaro ay nanalo sa lahat ng grupo ng baraha na kanyang hawak laban sa lahat ng manlalaro na kanyang katapat, ito ay ang tinatawag na “PUSOY”. Ang manlalaro na ito ay makakatanggap ng halagang GOLD. Ang paraan upang makuha ang halagang ito ay dapat sundin ng bawat manlalaro:
P = (A+B+C)* X
Kung saan ang sumusunod ay kumakatawan sa:
X = Bilang ng mga manlalaro
A = Unit sa unahang grupo na hawak ng manlalaro
B = Unit sa gitnang grupo na hawak ng manlalaro
C = Unit sa hulihang grupo na hawak ng manlalaro
Halimbawa: Sa apat na manlalaro, kung walang sinuman ang may royalties at nanalo ang unang manlalaro ng Pusoy,
A = B = C at X = 4 = 12 kung kaya ang unang manlalaro ay makakakuha ng 12 x 3 = 36 na units.
Saan Maaaring Maglaro ng Pusoy?
Ngayon na alam mo na kung ano at paano laruin ang Pusoy, siguro ay interesado ka na ring malaman kung saan ka maaaring maglaro nito lalo na kung wala kang makalaro sa iyong lugar o masyado kang abala upang pumunta sa mga casino.
Isa sa pinakamagandang alternatibo ay ang maglaro ng pusoy way online. Isa sa mga pinakamagandang app kung saan maaari kang maglaro nito gamit ang Big Win Club app, ito ay lehitimong app kung saan para ka na ring may casino saan ka man pumunta. Ano pang inaantay mo? Mag-sign up na sa Big Win Club app upang magsaya at manalo!