Nagsisimula nang bumalik ang mga simpleng laro gaya ng mga board games habang ang coronavirus pandemic ay patuloy na nagdudulot ng problema sa mundo. Ang magkapatid na Ericka Chambers at William Jones ay nagpasya na magsimula ng isang negosyo na magbibigay-pansin sa Black representation pati na rin ang pagtataguyod sa kanilang mga pangarap.
Ang Puzzles of Color ay isang series ng mga jigsaw puzzle na lumilikha ng larawan na kmakatawanu sa black culture kapag nabuo.
“Ideya ito ni Ericka,” sabi ni Jones. “Sinabi niya na nais niyang gumawa ng mga puzzle base sa mga artwork ng aking kamag-aral sa Lamar University na si Kwanzaa Edwards. Marami siyang magagandang artwork ng mga Black Women.”
“Naisip ko na maganda itong ideya at wala pang nagagawang ganito sa market, kaya’t nagkita kami para masimulan at mapagplanuhan ito.”
Isa pa sa pumukaw ng interes ng magkapatid ay ang pagtaas ng global sales ng mga puzzle games simula nang magka-pandemic. Ipinagmamalaki din ng magkapatid na ang Puzzles of Color ay isang tech-free game at isa ring art.
Ang mga art na nabubuo sa Puzzles of Color ay gawa ng mga Women of Color sa Amerika. Maganda itong pandisplay sa bahay. Maa-appreciate mo ang bawat detalye ng art sa dahang-dahang pagbuo nito.
“Nakipagtulungan kami sa mga artists sa buong bansa at nais naming magkaroon ng iba’t ibang representasyon ang mga artist. Mayroon kaming ilang mga digital artist, mga contemporary artist, at pati na mga abstract artists.
Marami silang nakuhang magagandang feedback mula sa mga bumili. Sinabi ni Chambers na nakakuha sila ng mga mensahe mula sa mga tao na nagsasabi kung gaano kaespesyal para sa kanilang makita ang kanilang sarili. Aniya, nakakataba raw ito ng puso dahil ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya sinimulan itong project.
Sinabi ni Chambers na isa itong side-project sa kasalukuyan. Sa umaga, inaalagaan niya ang kanyang anak na babae habang nagtsi-check ng email messages tungkol sa kanilang negosyo bago pumasok sa kanyang pangunahing trabaho. Si Jones naman ay pumupunta sa bahay nila para gumawa ng puzzles at mag-process ng mga order.
Sa pagtatapos ng kanyang trabaho sa hapon, babalik si Chambers sa bahay para mapagplanuhan nila ni Jones ang mga susunod na hakbang sa negosyo. Sunod na gagawin ni Jones ang mga marketing tasks at si Chambers naman ang mag-aasikaso sa customer service. Nagagamit daw ni Chambers sa Puzzles of Color ang kanyang skills sa pagiging project manager.
Si Jones naman ay isang graphic designer. Ginagamit niya ang kasanayan niya dito para gumawa ng branding at mga marketing graphics. Nasisiyahan si Jones na gamitin ang kanyang graphic design at printing skills sa kanilang negosyo. Alam ni Jones na mahirap makahanap ng trabaho sa pagiging graphic designer dahil competitive ito sa job market. Pero masaya pa din siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging entrepreneur.
Umamin din si Chambers at Jones na may mga panahon na hindi mabuti ang lagay ng kanilang negosyo. Isa sa mga naging hamon sa kanilang project ay ang mga delay sa kanilang vendor o supplier. Naapektuhan ang kanilang production schedule dahil dito.
Nagiging sagabal din ang pandemya sa pag-asenso ng kanilang negosyo. Dahil ginagawa nila ang lahat sa kanilang bahay kung saan andun din ang kanyang anak. Hindi sila makapagdagdag ng taong pwedeng tumulong sa kanila bilang safety measure. Mabuti na lang at mayroon silang mga kapamilya sa loob ng Covid bubble na pwede nilang mahingian ng tulong.
Sa simula pa lang, sinabi ng magkapatid na mahaba ang pinagdaaanan nila sa pag-aaral ng manufacturing. Nakuwento nila na nakuha nilang sira ang makina na tutulong sana sa paggawa ng puzzles. Kinailangan pa nilang maghanap ng isang specialist para ayusin ito. Pinag-aralan din nila ang wastong paggamit ng makina para maiwasang masira itong muli, pati na ang tamang sukat sa paggawa ng “cuts” ng puzzle, para hindi masayang ang mga materyales. Nagkakaroon rin sila ng problema sa logistics paminsan-minsan. Isa na rito ang mga delay sa delivery dahil sa Covid.
Nagkaroon lamang sila ng “big break” noong naipakita ang kanilang project sa CBS evening news at iba pang news outlets.
Pero kahit ang oportunidad na iyon ay gumawa din ng panibagong problema. Hindi sila nakapag-adjust kaagad sa pagtaas ng demand. Masyadong mataas ang demand kumpara sa output ng kanilang production. Pero kahit dumami ang pagsubok, nagpapasalamat sila sa kanilang mga parokyano na mahaba ang pasensya at malaki ang pag-intindi sa kanilang sitwasyon.
“Maging handa na may mga mangyayaring kabiguan,” sabi ni Jones. “Ang sikreto sa pagsisimula ng isang negosyo ay ang pagpapanatili ng kasimplehan nito.” Sinabi rin ni Chambers na dapat maging handa ang isang tao na isakripisyo ang kanyang oras para mapagpatuloy ang tagumpay ng negosyo.
Maraming oras at araw ang kailangan kapag nagsimula ng negosyo. Kasama na pati ang mga oras na laan sana sa pagpapahinga. Sadyang mahirap, pero masarap kapag nagagawa at nakakamit ang sariling pangarap.
Misyon ng ‘Colors of Puzzle’
Nagsusumikap ang ‘Colors of Puzzle’ upang itaguyod ang libangan na free-technology para sa lahat ng tao, kahit ano pa ang edad. Nagtatampok ang interactive art na ito ng makukulay na gawang-sining at inaasahan na lilikha ng mga karanasan at alaala na panghabangbuhay.
Tungkol sa ‘Colors of Puzzle’
Ang Colors of Puzzle ay isang black family-owned business na pinamamahalaan ng magkapatid na sina William at Ericka. Gumagawa sila ng mga puzzles bilang isang pamilya mula pa noong nasa elementarya sila. Nasisiyahan sila sa hamon ng pagbuo nito at sa mahabang oras na ginugugol ng pamilya habang sama-samang tinutunghayan ang mga likhang-sining. Sa pag-uumpisa ng kanilang negosyo, napansin nila ang ilang problema: (1) ang koleksyon ng imahe na madalas ay hindi kumakatawan sa kung sino sila; at (2) kapag nagustuhan nila ang isang puzzle, hindi naman nila mahanap ang frame na akma para rito. Kaya’t napagpasyahan nilang gawin ang mga ito gamit mismo ang kanilang mga kamay at lumikha ng isang kumpanya na gumagawa ng puzzles na tutugon sa mga isyung nabanggit. Ngayon ay naisakatuparan na nila hindi lang ang kanilang pangarap kundi pati ng maraming tao na nag-aantay ng pagkilala bilang bahagi ng lipunan. Ang kanilang mga puzzle ay naka-frame na mga piraso ng sining na nilikha ng mga black artist.
Gaya ng pagpapahalaga ng magkapatid na Chambers at Jones sa komunidad, ang Big Win Club ay mayroon ding online community na nasa social media page at app kung saan marami kang matututunang mga istilo at mga tips sa paglalaro. Hindi ka lang masisiyahan sa paglalaro sa kanilang app, marami ka pang malalamang mga bagay na makabuluhan sa mundo ng online games.