Ano ang Roblox Coloring Book?
Ang Roblox Coloring Book ay isang coloring book para sa mga bata, teenager at maging sa mga matatanda. Itinatampok sa librong ito ang sikat na video game na Roblox. Ang libro ay binubuo ng 33 pahina na naglalaman ng mga paboritong karakter sa Roblox at iba’t iba pang mga tampok sa laro. Ito ay tamang-tama para sa mga bata o maging sa mga matatanda na may kasamang preschooler sa bahay. Dadalhin ka ng bawat pahina at larawan sa mundo ng Roblox. Kailangan mo lang bigyan ng buhay ang mga drawing dito sa pamamagitan ng pagkukulay. Isang larawan lang ang naka-print sa bawat pahina at hindi kabilaan upang maiwasan ang pagtagos ng mga kulay sa papel. Ang librong ito ay yari sa mataas na kalidad at nagkakahalaga lamang ng $6.99. Kaya naman maganda itong pangregalo sa mga preschoolers. Hinihintay ka na ng mga idolong karakter sa Roblox sa loob ng coloring book na ito, kaya bumili ka na! Ang iyong mga anak ay siguradong magkakaroon ng bagong pagkakaabalahan dahil sa pagkukulay ng mga pahina dito.
Bakit Mahalaga ang Pagkukulay para sa mga Preschoolers?
Ang pagkukulay ay hindi lamang isang masayang gawain, isa rin itong importanteng kasanayan na kailangang matutunan ng mga preschooler. Ito may simple kung tutuusin at maaaring hindi ito gaanong patok sa mga nakakatanda ngunit maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang pagkukulay ay may malaking benepisyo para sa mga preschooler at maging sa mga kabataan. Sa tulong ng Roblox Coloring Book, maaari mong ituro ang mga basic sa pagkukulay sa mga bata habang tinuturuan mo rin silang tumapos ng isang gawain o proyekto. Hayaan mo lang silang umupo at dumampot ng kanilang mga krayola at ng Roblox Coloring Book hanggang sila’y matuto. Marami na ngayong maaaring gawin sa mga mobile phones, gadgets o telebisyon ngunit wala pa ring makakatalo sa mga tradisyunal at simpleng paglilibang.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang simpleng pagkukulay ng mga letra, numero at maging ang mga simpleng bagay o hayop ay nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga preschooler. Sa tulong ng Roblox Coloring Book, ang kanilang imahinasyon ay walang limit at maaaring lumikha ng mga bagong kaalaman. Hindi lang edukasyon ang maibibigay ng pagkukulay, nalilinang din nito ang pagiging disiplinado ng mga bata dahil sa pagtutok sa kanilang ginagawa. Nasasanay ang kanilang konsentrasyon dahil sa bagong pinagkakaabalahan, habang ang mga tagapag-alaga naman nila ay nagkakaroon ng oras para maasikaso ang iba pang mga gawain. Bukod pa rito ang pagkukulay ay nagde-develop din ng mga iba’t ibang aspeto ng pagkatao tulad ng pisikal, mental at maging emosyonal.
Mas Malalim pang Benepisyo ng Pagkukulay sa mga Preschoolers
Narito ang marami pang mga benepisyo ng pagkukulay sa mga preschoolers:
- Nahahasa nito ang koordinasyon ng mga kamay at mata
Ang pagkukulay ay isang ‘locomotive skill’ kung saan kailangan ang koordinasyon ng mga kamay at mata. Kailangang hawakan ng mga preschoolers ang krayola o di kaya ay paint brush para makulayan ang mga partikular na detalye ng mga larawan sa Roblox Coloring Book. Kapag mas maaga silang matuto nito, mas lalawak pa ang kanilang kaalaman hanggang sa pagtanda.
Ang mga maliliit na bata ay maaring mahirapan sa pagkulay ng maliliit na mga detalye. Maaaring lumagpas pa ang kanilang pagkukulay ngunit sila’y matututo rin habang nagkakaroon ng tamang koordinasyon ang kanilang mga kamay at mata. Ang kanilang kaalaman tungkol sa mga espasyo ay magpapabuti ng kanilang kasanayan sa pagkukulay.
- Sinasanay nito ang tamang paghawak
Ang paghawak sa mga bagay-bagay ay isa sa skills na inoobserbahan sa mga sanggol pagsapit ng tatlo at kalahating buwan. Ang tamang paghawak sa mga bagay ay nakapaimportante rin sa mga preschooler. Ang tamang pagsasanay sa pamamagitan ng paghawak sa mga krayola ang magre-relax sa mga kalamnan ng kamay. Bilang isang gabay, mas mabuti na bigyan ng mas malalaking krayola ang mga batang malilit pa lang at hayaan silang mag-adjust sa kalaunan. Nakakatulong din sa paghawak ng mabuti ang paggamit ng mga hugis tatsulok na krayola sa halip na ang pangkaraniwang bilog.
- Nakakatulong ito sa pagsusulat
Ang tamang koordinasyon ng mga kamay at mata katuwang ng tamang paghawak sa krayola ang mga kinakailangan upang makapagsulat ng tama. Iba’t iba ang mga pananaw kung ano ang dapat mauunang ituro sa mga bata: ang pagkukulay o pagsusulat. Ngunit, mas lamang ang mga pag-aaral na ang tamang pagkukulay ay isang mabisang hakbang para matutunan ng mga bata ang tamang pagsusulat. Ang pagkontrol sa bilis, diin at direksyon ng krayola habang nagkukulay ay magandang praktis upang magkaroon ng maayos na pagkukulay. Ang mga konseptong ito rin ang kinakailangan para sa pagsusulat. Ang tamang kontrol sa krayola ang magiging basehan sa tamang kontrol sa lapis o ballpen.
- Nagkakaroon ng panibagong paraan sa pagtuturo
Madaling matututo ang mga bata kaya dapat ay laging handa na magsingit ng mga bagong kaalaman habang pinagkukulay ang mga preschoolers. Habang inaaral nila ang mga pangalan ng kulay, maaari mo na ring simulan ang pagtuturo ng mga alpabeto, pagbibilang, mga hugis, at iba pa. Halimbawa, pwede mo silang tanungin kung ilan ang kinulayan nilang dilaw na parisukat o kaya ay hilingin mong gumuhit sila ng pulang ‘A’. Sa ganitong paraan, mapagsasabay mong maituro ang iba’t ibang konsepto sa masayang paraan.
- Nagtuturo ito ng pagtitiyaga at focus
Ang sining ay isang uri ng disiplina. Gaya na lang ng mga sinaunang Tsino nang sila ay natutong gumawa ng ‘calligraphy’ o ang pagpinta ng mga letra gamit ang natatanging teknik. Bago nila matamo ang pagkaperpekto at galing sa paggawa ng calligraphy, dumaan muna sila sa iba’t ibang hirap at pagsasanay na luminang ng kanilang mga kakayahan.
Gayundin ang pagkukulay, kinakailangan nito ng matinding disiplina. Ang proseso sa pagkukulay ay siguradong magtuturo sa bata ng tiyaga at focus sa kanilang mga gawain. Ang paglikha ng tuwid na linya o kaya ay perpektong bilog na walang gamit na anumang instrumento ay mahirap gawin, maaaring imposible para sa iba. Ngunit may mga disiplinadong tao na nakakagawa ng mga mala-imposibleng bagay na ito. Sila ang mga nagtiyaga at nagfocus sa kanilang paggawa.
- Nakaka-relax ito ng kaisipan
Ang pag-aaral ay nakakastress sa mga kabataan lalo na sa mga preschooler. Sa tulong ng pagkukulay tulad ng Roblox Coloring Book, ang kanilang stress ay mababawasan. Ang paglikha ng sining ay nakakatulong na mailabas ang mga kinikimkim na emosyon. Gayundin sa pagkukulay, mailalabas ng mga preschoolers ang kanilang mga nararamdaman at maipapahayag nila ang kanilang mga sarili kahit pa hindi nila ito masabi ng maayos gamit ang mga salita.
- Isinusulong nito ang pagkamalikhain
Hindi maikakailang ang pagkukulay ay isang uri ng sining dahil inilalabas nito ang pagkamalikhain ng mga tao. Sa isang panayam kay ni Steve Jobs, ang nagtaguyod ng kumpanyang Apple, ginulat niya ang lahat sa pag-amin na ipinagbawal niya ang paggamit ng mga Apple devices o kahit ano pang gadgets sa kanyang mga anak dahil ang paglalaro o paggamit daw nito sa murang edad ay nakakawala ng kanilang pagkamalikhain. Naniniwala si Steve Jobs na ang tradisyunal na mga gawain tulad ng mga pagkukulay ang kailangan ng mga kabataan habang sila ay lumalaki.
Konklusyon
Maaaring napakasimple ng pagkukulay ngunit napakaimportante nito lalo na sa mga preschooler. Sa tulong ng Roblox Coloring Book, maituturo mo ang pagkukulay sa mga bata sa masayang paraan. Ang pagkukulay ay nagde-develop ng iba’t ibang aspeto ng pagkatao tulad ng pisikal, mental at maging emosyonal. Kaya bumili na ng Roblox Coloring Book at maenganyo sa pagkukulay ng mga disenyo dito.
Para sa iba pang maaari mong pagkaabalahan, mag-download na ng Big Win Club app para sa mas marami pang laro online na pwedeng gawin kasama ang pamilya o mga kaibigan. Ang paglalaro na may kasamang mga hamon ay magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.