Pinagmulan ng Ruby Casino Tongits
Ang Ruby Casino Tongits ay nagmula sa orihinal na larong tongits. Ang bersyon ng Pilipinas para sa larong poker na kilalang-kilala sa buong bansa lalo na sa mga urban areas. Kahit sino ay maaaring maglaro nito. Ginagamitan ito ng mga kasanayan at diskarte upang matalo ang kalaban.
Naging illegal ito sa ilang parte ng Pilipinas dahil sa pagiging sanhi ng mga suliranin sa ibang mga naglalaro nito na mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay, edad, at kasarian. Hindi malinaw ang kasaysayang pinagmulan ng tongits ngunit ang diwa ng saya na nararanasan sa paglalaro nito na walang halong pressure ang siyang nagiging dahilan ng pagkawili ng mga tao dito.
Sa mga larong baraha o kahit anumang laro na nangangailangan ng diskarte, mas maigi na sinasamahan ito ng mathematical acumen o talino na may kasamang simpleng arithmetic upang mas lumaki ang pagkakataong manalo.
Paano Laruin ang Tongits?
Para makapaglaro ng tongits, kailangan ng tatlo (3) o apat (4) na players (mas maganda kung tatlo lang para mas exciting ang laro) na bibigyan ng tig-12 na baraha at 13 naman para sa bangka (tagapagbigay ng baraha). Ang matitirang mga baraha sa 52-card deck ay ilalagay sa gitna na magiging bunutan habang naglalaro.
Ang mga manlalaro ay maglalagay ng “2 bet” sa bawat laro. Sa unang laro, pipili ng magiging bangka ang mga players. Sa mga susunod namang round, ang idedeklarang magiging bangka ay ang huling nanalo. Ang bangka ang nag-uumpisa ng laro at nagbabalasa ng mga baraha sa counterclockwise na direksyon. Ang lamang ng pagiging bangka ay ang pagkakataon para unang tumira at may isang ekstrang baraha na maaaring maging pabor para sa kanya. Ang susunod na player ay maaaring “mag-Chow” ng baraha mula sa mga naibabang bahay o bumunot ng isang baraha sa stack na nasa gitna.
Ang bahay ay ang mga nabuong set ng baraha na maaaring ilapag ng mga players habang tumitira. Kailangan na mayroong bahay upang hindi madeklarang “sunog” ang isang player sakaling matapos ang laro at walang maka-tongits. Kapag sinabing “sunog”, ibig sabihin ay walang bahay at lahat ng hawak na baraha ay isasama sa bilangan kapag naglahad na ng mga cards ang bawat player. Ang bahay ay maaaring 3-4 na pare-parehong numero, o 3-4 na magkakasunod na numero mula sa parehong suit. Kailangang gamitan ng diskarte ang pagbababa ng bahay dahil maaaring dagdagan ito ng kalaro at maging dahilan para maunang maubos ang baraha niya at manalo sa tongits.
Paano Mananalo sa Tongits?
Ang isang player ay masasabing naka-tongits o panalo na kapag siya ang unang nakaubos ng mga baraha.
Isa pang paraan upang manalo kapag naubos na ang stack sa gitna ay ang tinatawag na “draw”. Mananalo ang may pinakamababang bilang ng mga baraha. Dito ay maaaring i-challenge ng isang player ang mga kalaban bago ibaba ang mga baraha kung sa tingin niya ay siya ang mananalo sa laro. Kapag pumayag ang kalaban sa challenge ay madodoble ang bet na maaaring mapanalunan.
Ang mga Kings, Queens at Jacks ay katumbas ng sampung puntos. Ang mga number cards ay katumbas ng kung ano ang numero nito. Halimbawa nito ay kapag 5 ang numero ng baraha, limang puntos din ang katumbas. Ang alas ay ganun din, isang puntos pa rin ang katumbas nito.
Mga Tips Para Manalo sa Tongits
*Ihanay nang maayos ang mga cards ayon sa pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga ito. Pagtabi-tabihin din ang magkakaparehong suits upang maging mas madali ang paghahanap ng mabubuong bahay.
*Ibukod agad ang mga pares para maging handa at madali lang itong makikita kapag nagtapon na ng baraha ang sinusundang player. Tingnan din ang mga bahay ng kalaban para sa pagkakataong makapag-chow.
*Kung nakapagbaba na ng kahit isang bahay, maaari nang itago ang nabubuong flush upang hindi ito madugtungan ng kalaban. Makakatulong din ito para hindi mahulaan ng kalaro ang hawak na baraha.
*Sikaping makapag-draw ng mas maaga para maunahan ang kalaban.
Moderno at Kakaibang Ruby Club Slots Tongits Sabong
Ano nga ba ang Ruby Club Slots Tongits Sabong? Ito ay isang mobile casino ng pinagsama-samang card games sa Pilipinas. Hindi lamang tongits ang nandito, napakaraming iba pang pagpipilian katulad ng Sabong, Poker, Slots, Lucky 9, 3-Card Poker, Color Game, Baccarat, Sicbo at iba pang mga paboritong laruin ng mga Pinoy.
Maaaring malaro ang Ruby Club Slots Tongits at iba pang games kasama ang mga kaibigan at pamilya online anumang oras at kahit pa magkakalayo.
May feature ito na libreng chips na maaaring makuha araw-araw. Kailangan lang dalasan ang pagla-log in upang kolektahin ang libreng chips at ipunin ito para makapaglaro sa oras na gustuhin mo. Maaaring i-customize ang mga mesang laruan sa loob ng app na ito nang naaayon sa kagustuhan ng manlalaro. Nakakatuwa at nakakadagdag sa “at-home” ambiance ang mga available na emojis na maaaring gamitin sa pakikipag-chat sa mga kalaro. Ramdam mong magkakalapit lang ang kayo kahit na nasa iba’t ibang lugar habang naglalaro nito.
Paano Mag-download ng Ruby Club Slots Tongits Sabong sa Android Devices?
Hanapin sa smartphone o tablet ang Settings, mag-scroll papunta sa Security at piliin ang opsyon na Unknown Sources. Sa pagpili nito makakapag-install ng mga apps na hindi kailangang dumaan ng Google Play Store. Depende sa gamit na device, maaaring piliin na makatanggap ng babala ukol sa mga mapanganib na apps bago ito ma-install.
Pagkatapos nito ay maaari nang ma-download ang Ruby Club Slots Tongits Sabong installer file, na kilala din bilang APK – ang paraan ng pag-distribute at pag-install ng Android apps. Ang pag-download dito ay 100% na safe at walang virus.
Ang susunod naman ay ang pag-download ng APK file installer sa mobile device o computer gamit ang Google Chrome sa browser. Pagkatapos ay pumunta sa app drawer at i-click ang downloads. Buksan ito at i-install ang app.
Ngayong na-install na ang app ay maaari nang mag-sign up at makapag-browse para hanapin ang mga paboritong laro. Sari-sari ang mga larong pagpipilian dito na talagang Pinoy na Pinoy. Para sa mahihilig sa slots, sa loob ng na-install na app ay mahahanap ang Ruby Club Slots Tongits.
Konklusyon
Maituturing nang tradisyon ang paglalaro ng Ruby Casino Tongits para sa mga Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung bakit naisipan ng mga developer na gumawa ng online casino game katulad ng Ruby Club Tongits Sabong kung saan malalaro ang mga paboritong online games. Maaari pang makalaro ang mga mahal sa buhay kahit nasa malayo tulad ng mga OFWs. Hindi ba masaya? Parang nasa Pilipinas lang at sama-samang naglalaro ng tongits! Malayo man sila ay parang nasa malapit lang din.
Para sa mas maraming pagpipilian at sa mahihilig maglaro ng slots, maaari ring subukan Tongits Online ang Big Win Club App. Isa itong koleksiyon ng mga iba’t ibang laro na paborito hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Maaari itong laruin gamit ang smartphone kaya convenient at walang hassle sa paglalaro. Simulan na ang pag-download nito nang makarami agad sa laro!