Ano ang Soda Sort Puzzle?
Ang Soda Sort Puzzle ay isang mobile puzzle game na nagpapakita ng pagsasama-sama at pag-aayos ng mga makukulay na soda. Ito ay binuo ng IEC Global Party Ltd. Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, kailangang pagsama-samahin ng manlalaro ang mga magkakakulay na soda na nasa loob ng mga lalagyan hanggang sa mapuno ang bawat isa ng magkakatulad na kulay. Ang larong ito ay nakakatuwa na medyo nakakabaliw. Siguradong susubukan nito ang iyong critical thinking skills. Marami na ang sumubok sa larong ito upang masuri ang kanilang IQ.
Ang Soda Sort Puzzle ay pwedeng ma-download at ma-install gamit ang mga gadgets na Android at iOS. Meron itong ‘Content Rating’ na E sa Android at edad 4 o pataas naman ang rekomendasyon mula sa iOS para makapaglaro nito. Sa kasalukuyan, libre ang pag-download sa laro ngunit kailangan mong magbayad ng $2.99 kung ayaw mong maistorbo ng mga ads ang iyong paglalaro. Ang pinakahuling bersyon ng laro ay ang ‘Water Color Puzzle 7.0.0’, mula sa pinakahuli nitong update noong Oktubre 17, 2021. Ang larong ito ay madaling hanapin sa PlayStore at AppStore. Meron ding mahigit 200 na alternatibong laro na kapareho nito ng konsepto.
Soda Sort Puzzle: Walkthrough at Tips sa Paglalaro
Ang unang sampung level sa Soda Sort Puzzle ang magtuturo sa iyo ng basics ng laro. Ang layunin nito ay mapagsama-sama ng manlalaro ang mga magkakakulay na soda sa ibat’ ibang lalagyan. Kailangan lang sundan ang tatlong patakaran sa pagsasalin ng mga soda: (1) maililipat lamang ang pinakaibabaw na laman ng isang lalagyan kung kakulay nito ang nakapaibabaw sa paglilipatang bote; (2) makakapaglipat lamang kung may sapat pang espasyo sa paglilipatang lalagyan; at (3) maaaring makapaglipat sa anumang bakanteng bote.
Ang konseptong ito ay hango sa larong Ball Sort Puzzle, ngunit sa larong ito ay makukulay na soda naman ang gamit sa halip na mga bola. Ang isang bote ay tinatakpan na kapag puno na ito ng isang kulay. Ang bilang ng mga bote at pagkakahalo ng mga kulay ay dumadami pa habang tumataas ang level ng laro.
Narito ang ilang mga tips upang makausad nang mas mabilis sa laro:
- Magsuring mabuti!
Ang Soda Sort Puzzle ay isang puzzle game na sinusubok ang lalim ng iyong pag-iisip. Mas dadami ang mga lalagyan at mas pinahirap pa ang mga kumbinasyon ng mga kulay paglampas ng Level 100. Gayunpaman, ang lahat ng ganitong klase ng laro ay malulutas ng mahusay na pag-analisa at pagsusuri. Huwag mag-alala sapagkat matututo kang magkaroon ng mga teknik habang pahirap na ng pahirap ang laro. Isa pa, maaari mong laruin ang Soda Sort Puzzle nang naaayon sa taglay mong bilis.
- I-maximize ang paggalaw
Mas magandang estratehiya na unahin muna ang mga lalagyang sa tingin mo ay madaling mapuno. Dapat maging maingat sa paggamit ng mga bakanteng lagayan. Ang pag-aayos at paninigurado na maraming mga galaw ang maaring gawin ay mainam para manalo sa laro. Ang mga bakanteng bote ay pandagdag sa pagkakataon mong mas makagalaw sa laro at makakatulong upang mas madaling matapos ang isang level. Ang Soda Sort Puzzle ay nagbibigay din ng ekstrang lalagyan basta manood ka lamang ng mga ads. Upang madaya ang offer na ito, maaari mong i-disconnect ang iyong gadget sa internet upang matapos kaagad ang ad. Kung nanaisin mo ng mas matinding pagsubok, maaari mo ring i-skip ang mga ads upang hindi ka mainis sa mga ito.
- Iwasan ang pabayang paghahalo
Gaya ng naipaliwanag kanina, kailangan ng mas maraming mapagpipilian upang mas makakilos sa larong ito. Habang tumatagal mas marami nang patong ng mga kulay ang mga nasa lalagyan. Dapat iwasan ng manlalaro na mas maikalat pa ang mga kulay sa iba’t ibang bote. Iwasan ang pabayang paghahalu-halo. Totoong magkakulay lamang ang pwedeng pagpatungin pero mahihirapan kang gumalaw kung nasa mga ilalim pa ang mga kulay na kailangang mailipat. Upang magkapagpatuloy sa laro, kailangang siguraduhin na dalawang kulay lamang ang mga nasa lalagyan.
Soda Sort Puzzle: Mga Features
Ang Soda Sort Puzzle ay walang ‘time limit’ kaya pwede mong iwanan ang kasalukuyan mong level at balikan na lamang ito kapag wala nang pinagkakaabalahan. Bukod pa riyan, ang larong ito ay merong ‘one-finger control’ feature na ang ibig sabihin ay maaaring makapaglaro kahit isang daliri lang ang gamit. Dahil dito, napakadali nitong laruin at maaari pang ipalaro kahit sa mga bata.
Soda Sort Puzzle: Mga Rating at Pagsusuri
Ang Soda Sort Puzzle ay nagtala ng mahigit 1 milyon na downloads galing sa Google PlayStore at Apple AppStore. Sa kasalukuyan, merong itong average rating na 4.4 out of 5 galing sa mahigit 32,000 users ng Android at iOS. Maraming natuwa sa larong ito at nagpatuloy sa mas mataas na mga level. Karamihan rin ay nagrereklamo dahil mas dumami ang mga nakakainis na ads na lumalabas bawat update ng laro.
Narito ang piling feedback galing sa mga sumuri sa Soda Sort Puzzle mula sa Google PlayStore at Apple AppStore:
5-Star na tugon: Isang manlalaro ang nagsabing maganda at nakaka-relax ang laro. Nagustuhan niya ang ‘no time limit’ na feature ng laro.
4-Star na tugon: Isang manlalaro rin ang naenganyo sa laro at nagbayad pa ng ‘Remove Ads’ feature na nagkakahalaga ng $2.99. Ngunit nagreklamo pa rin siya sa mga ads upang makakuha ng libreng lalagyan. Sabi niya masyado daw matagal ang mga ads kung saan mawawalan ka ng gana sa paglalaro.
3-Star na tugon: Nagbigay naman ng 3 stars ang isang manlalaro dahil hindi daw gumagawa ang ‘Remove Ads’ feature ng laro. Lumalabas parin ang mga ads sa bawat pagtatapos ng mga level. Dahil daw dito, nagka-crash ang kanyang laro ng maraming beses. Gayunpaman, umaasa pa rin siyang magagawan ito ng paraan ng mga developers ng laro.
2-Star na tugon: Reklamo rin ng isang manlalaro na napakarami daw ads. Hindi niya raw ito pinansin noong una ngunit dahil dito, mabilis na ma-drain ang kanyang baterya.
1-Star na tugon: Ang sabi naman ng isang manlalaro ay maganda ang Soda Puzzle ngunit lumabas daw ang kasakiman ng mga developer ng laro. Nagsimula daw sa isang ad ang kailangan panoorin upang mabigyan ng libreng lalagyan ngunit nagiging 4 ang lumalabas na ads pagkatapos niya mag-update. Dahil dito, nag-uninstall siya at naghanap ng ibang kaparehong laro.
Konklusyon
Ang Soda Sort Puzzle ay isang nakakabaliw na ‘color sorting puzzle game’. Sinusubok nito ang iyong malalim na pag-iisip habang matutuwa kang mag-ayos ng mga soda tulad ng isang magaling na barista. Bukod sa mga nakakainis na ads na inirereklamo ng karamihan sa mga manlalaro, nagtala ang laro ng mahigit 1 milyon na downloads at maraming laro ang gumagawa sa konsepto nito. Nagtala rin ito ng 4.4 out of 5 na average rating galing sa 32,000 na manlalaro. Ito ay isang magandang libangan tuwing may libreng oras. Subukan din ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga mahihirap na level at abutin ang pinakamataas na posisyon sa leaderboard!
Gusto mo ba ng mas exciting pang libangan? I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang laro online kasama ang mga totoong tao. Dito ay patas ang kumpetisyon na magbibigay sa iyo ng magandang pakiramdam.