Ang Talking Angela ay isang chatterbot app na binuo ng Slovenian Studio na Outfit7 bilang bahagi ng sikat na seryeng Talking Tom and Friends. Inilabas ito noong Nobyembre 13, 2012. Sinundan ito ng paglabas ng mga bersyon para sa iPhone, iPod at iPad (Enero 2012), para sa Android (Enero 2013), at Google Play (Enero 2014).
Ang Talking Angela Color Splash
Ang My Talking Angela Color Splash ay ang babaeng bersyon ng larong My Talking Tom. Ito ay tinatawag na isang “Pou” o katulad ng nakagisnang laro na Tamagotchi, kung saan maaalagaan mo ang maliit na pusang si Angela. Magsisimula ang iyong alaga bilang isang kuting, at sa tulong mo, siya ay lalaki na isang magandang pusa pagdating sa hustong gulang.
Ang Katangian ni Angela
Si Angela ay isang pusang mahilig sa musika na gustong kumanta nang buong puso. Malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili pagdating sa pagkanta at madalas na nakakakuha siya ng mga gig at trabaho dahil na rin sa kanyang talento. Kapag hindi siya kumakanta, siya naman ay nakatuon sa fashion dahil isa rin ito sa kanyang mga hilig.
Bilang nag-iisang babae sa grupo ng magkakaibigan, nagmamalasakit siya sa mga ito at nag-aalala rin para sa kanila. Pero minsan sinusubok nila ang kanyang pasensya na minsan ay nagiging dahilan ng pag-init ng ulo ni Angela. Pero sa bandang huli, mahal pa rin ni Angela ang kanyang mga kaibigan at gayundin sila sa kanya.
Si Angela ay isang napakaabalang nilalang, na nakatuon nang husto sa kanyang karera sa musika, higit pa sa ginagawa niya sa Talking Tom and Friends na nakikipag-hang out sa mga kaibigan paminsan-minsan.
Samantala, siya ay interesado kay Tom at minsan ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagseselos lalo na sa episode na “Parallel Universe” nang si Tom ay nakipag-hang out kasama ang isang alternatibong bersyon ni Angela.
Naiintindihan ni Angela ang Emosyon ng Manlalaro
Nauunawaan ni Angela ang damdamin ng mga manlalaro at tumutugon din siya rito. Upang gawin ito, kinakailangan ang special key na ginawa sa porma ng isang smiley. Ang application ay may isang chat feature at isang mikropono upang hindi lamang makapagsalita, makipag-usap at bumuo rin ng isang conversation dito. Maaaring makipag-usap si Angela tungkol sa iba’t ibang paksa, tulad ng mga libro, pag-ibig, pagkakaibigan, sinehan, at marami pang iba.
Paano Ito Laruin
Maraming opsyon sa pakikipag-ugnayan sa My Talking Angela. Ang pinakamahalagang bagay ay ang pagpapakain sa kanya, pagpapanatiling malinis, at pati na pagpapatulog. Maaari mo rin siyang pakainin ng iba’t ibang pagkain tulad ng cookies, gulay, at pati na rin junk foods. Maaari mo siyang tulungang maligo o magsipilyo ng kanyang ngipin sa pamamagitan ng manu-manong paggalaw ng toothbrush.
Bilang karagdagan sa mga nabanggit sa itaas, sa larong ito ay maaari kang sumali sa iba’t ibang minigames upang madagdagan pa ang kasiyahan ni Angela. Maaari mo rin siyang dalhin sa pamilihan ng mga damit, peluka, at mga accessories. Mayroon ding album ng mga trading cards na maaari mong kolektahin sa tulong ni Angela.
Ang My Talking Angela ay isang mas kumpletong bersyon ng klasikong My Talking Tom, na may higit pang mga opsyon sa pakikipag-ugnayan at mas magagandang graphics. Walang alinlangan, ito ay isa talagang kawili-wiling app para sa mga naghahanap ng bagong Pou. Hindi hamak na mas cute rin si Angela kung ikukumpara sa iba.
Ang ‘Child Mode On’ ng Laro
Ang pinakamahalagang bagay na dapat maunawaan ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng Child Mode ng larong ito. Tatanungin ka nito kung gusto mong i-on ang child mode sa unang pagkakataon na mabuksan ang app, at anumang oras ay maaari mo itong i-on o i-off sa pamamagitan ng pag-tap sa maliit na smiley icon na nasa kanang itaas na bahagi ng screen.
Ito ay mahalaga, dahil na rin sa kakayahan ni Angela na makipag-text o chat sa mga user sa Facebook. Ang feature na ito ay naka-off kapag naka-on ang child mode ng laro. Kung nabasa mo ang tungkol sa pagtatanong ni Angela sa mga bata ng kanilang mga pangalan, edad, o pagbibiro tungkol sa pagpapalitan ng damit, wala sa mga ito ang maaaring mangyari kung naka-on ang child mode option.
Kapag ang child mode ay naka-on, magagawa ng mga bata na ipaulit kay Angela ang kanilang mga salita, i-stroke at sundutin siya upang makita ang mga animated na tugon, at mapalipad ang mga ibon sa screen. Huwag mag-alala dahil hindi naman kakainin ni Angela ang mga ito.
Ang Camera Feature
Mayroon ding espesyal na camera feature ang larong ito. Totoong hinihikayat nito ang mga user na tumingin sa camera ng kanilang device at gumawa ng mga partikular na galaw katulad ng pagtango, pag-iling, pagngiti, paghikab o paglabas ng dila, para makopya ito ni Angela.
Ang In-app Purchases sa Laro
Ang Talking Angela Color Splash ay gumagamit ng system ng mga virtual coins para makabili ng ilang mga features. Ilan lamang sa mga ito ay ang mga regalo at accesories para kay Angela – mula sa mga sumbrero at handbag hanggang sa makeup. Ang sinumang gumagamit ng app ay makakakuha ng 25 na libreng coins sa isang araw, habang ang iba ay mabibili mula sa isang in-app na tindahan: mula £0.69 para sa 4,200 coins, hanggang £17.49 para sa 146,500 coins.
Samantala, nag-aalok din ang app ng mga libreng coins bilang kapalit sa panonood ng mga video ads para sa iba pang mga app.
Kung naka-on ang restrictions parental at app store, hindi makakapag-download ang iyong anak ng mga libreng app o makakabili ng in-app items nang walang pahintulot galing sa iyo.
Bilang ng Downloads
Ang larong ito ay bahagi ng isang mas malawak na serye ng mga app na tinatawag na Talking Tom and Friends, na na-download na nang mahigit sa 1.5 bilyong beses mula pa noong 2010. Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ito bilang libangan ng 230 milyong mga tao kada buwan. Hindi lang ito nilalaro ng mga bata, marami rin ang tumatangkilik ditong matatanda.
Sa kabilang banda, kung gusto mo naman na sumubok ng isang larong kakaiba, hanapin lamang ang Big Win Club app at tuklasin ang iba’t ibang mga larong sugal na iniaalok nito. Ilan lamang sa mga ito ay ang sikat na sikat na pusoy, color games at poker. Tuklasin ang iyong kagalingan sa pagsusugal at manalo sa Big Win gambling community.
Konklusyon
Ang My Talking Angela Color Splash ay isang kapanapanabik at cute na laro sa Android system na nagbibigay ng kamangha-manghang pagkakataon na makipag-usap sa iyong virtual cat pet tungkol sa iba’t ibang bagay. Hindi lamang ito nakikinig sa iyo ng mabuti, sumasagot din! Bihisan si Angela gamit ang mga pinakabagong fashion gtrends, gawing maganda ang kanyang tahanan gamit ang mga palamuti at pakainin siya ng masasarap na pagkain. Maaari din kayong maglaro nang magkasama, mangolekta ng mga cool stickers at magkaroon ng masayang bonding.