Ang Tongits ay isa sa mga pinakapopular na street card games sa Pilipinas. Nilalaro ito kahit saang parte ng bansa. Ito ay larong alam ng maraming tao mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay na may iba’t ibang edad at kasarian. Ang diwa ng kasiyahan ay maaaring madama habang naglalaro nito – walang pressure at chill lang. Hindi katulad ng ibang mga laro ng cards.
Ang Big Win Tongits – Online games to earn money in gcash
Ang pinagmulan ng laro ay nananatiling hindi tiyak ngunit ito ay unang pinasikat ng mga Ilokano. Pinaniniwalaang ito ay unang nakitang nilalaro sa Pangasinan noong kalagitnaan ng 1980 at pagkatapos ay tinawag na “tung-it” o “tong-it”. Ang laro ay inihambing sa isa pang tanyag na Asian game – ang mahjong – at mayroon din itong pagkakatulad sa rummy.
Ito na ang naging paboritong pampalipas oras ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang henerasyon. Sa pagsisimula ng laro, makikitang tila nagtutulungan ang mga players dahil sa pagdudugtung-dugtong ng mga baraha, ngunit sa huli ay laging may isang wagi na mag-uuwi ang panalo. Sabi nga ng karamihan ng mga manlalaro: “Tongits earn money”.
Ilang Baraha ang Ginagamit sa Laro
Ito ay karaniwang nilalaro ng tatlong tao. Nagbibigay ang dealer ng 12 cards sa bawat manlalaro at isang dagdag na card para sa kanya upang maging 13 ang hawak na mga baraha. Sisimulan ng dealer ang laro sa pamamagitan ng pagtatapon ng 3 straight flush o trio at isang barahang may mataas na value. Ang susunod na manlalaro (pakanan) ay maaaring pumili kung kukunin ang tinapon na card ng dealer o kukuha ng isang card mula sa stack (bunot).
Mga Patakaran at paano maglaro ng Tongits Game
Tulad ng anumang mga laro sa card, ang Tongits ay may mga patakaran na dapat sundin.
Gumagamit ang Tongits Filipino game ng isang karaniwang deck ng 52 cards at hanggang apat ang maaring maglaro nito. Ang bawat manlalaro ay binibigyan ng 12 cards, habang ang dealer naman ay may 13 cards. Ang natitirang mga card ay magsisilbing stack na nakapwesto sa gitna. Ang layunin ng laro ay magamit ang lahat ng mga cards para sa mga itinakdang kumbinasyon. Ito ay binubuo sa pamamagitan ng paggamit ng mga itinapon na card ng iba pang mga manlalaro o mga nakukuha mula sa gitnang stack.
Kung ang manlalaro ay pipiliin na kunin ang itinapon na card, dapat ay may pandugtong siyang 3 cards o higit pa sa barahang pinulot. Kung pipiliin ng manlalaro na kumuha ng card mula sa deck, makumpleto lamang nito ang flush o trio at hindi na kailangang buksan ang cards ng mga kalaban. Ang isang manlalaro ay mayroon ding mga pagpipilian upang dugtungan (sapaw) ang anumang hanay ng mga nailapag nang cards – alinman sa pamamagitan ng pag-extend ng straight flush o pagdaragdag ng 1 card sa isang trio para ito ay maging 4-of-a-kind o quadro.
Paano Manalo sa Laro
Ang isang manlalaro ay dapat na magtapon ng isang card upang tapusin ang turn. Ang isa sa mga pinakamahusay na diskarte sa laro ay maglapag ng isang set ng magkakatugmang baraha upang mapigilan ang mga kalaro na tumawag ng draw. Mayroon ding ilang mga bagay sa tongits na hindi maiiwasan tulad ng “out of cards” o kapag naubos na ang deck sa gitna. Sa puntong ito, kapag isa sa mga manlalaro ang nakakumpleto at napagtugma-tugma ang mga card, siya ang magwawagi sa laro.
Ang bawat manlalaro ay bibilangin ang kanilang mga card, kung sino man ang may pinakamababang bilang, siya ang mananalo. Ang isang manlalaro ay maaaring magsabi ng Tongits kung ito ay nakapagtapon at makakapag-connect ng lahat ng mga cards nito. Ang isang manlalaro ay maaaring tumawag ng isang draw matapos na makapaglapag ng tira ang isang kalaro at iniisip niyang ang kalaban ay may mas mataas na kabuuang puntos kaysa sa kangyang mga baraha. Kung ang isang player ay tumawag ng draw at walang nagbukas ng cards, siya ang panalo sa laro. Ngunit kung may pumatol sa draw at mas mababa ang cards nito, “sunog” ang nagtawag na player. Ito ay nangangahulugang tapos na ang laro at kailangan niyang bayaran ang nagwagi ng dagdag kung mayroong ganitong napagkasunduan bago pag mag-umpisa ang laban.
Sa larong ito, may mga paraan ng pagtaya kung ito ay nilalaro gamit ang pera. Ang isang piso ay inilalagay sa palayok para sa panalo, at isang dagdag na piso para sa tongits, sunog, at draw. Ang mananalo sa laro ay tinatawag na hitter, na siya ring mamamahala sa pagdi-deal ng cards sa susunod na round.
Paano maglaro tulad ng isang Pro
Simulan ang Pagtutunggali
Sa simula ng iyong turn, maaari kang pumili ng card o tumawag ng Fight kung sa tingin mo ay maaari kang manalo sa round. Maaari kang pumili ng card mula sa deck o maaari kang Kumuha ng card mula sa dump pile kung ang card na iyon ay maaaring tumugma sa iyong mga hand card upang bumuo ng isang Set.
Mag-drop ng Set at/o I-block ang Katunggali
Maaari kang maglagay ng set sa mesa para magbigyang daan ang iyong paglaban sa susunod na turn.Maaari mong ikonekta ang isang card sa Set ng isa pang manlalaro para I-block sila mula sa paglaban.
Magtapon ng isang Card
Sa pangkalahatan, dapat mong itapon ang card na may pinakamataas na halaga na malamang ay hindi makakagawa ng isang set upang tapusin ang iyong turn. Ikaw ay mananalo kung nailabas mo ang lahat ng iyong mga card at ang pinakamababang halaga ng card ay ang maitatapon naman sa pagtatapos ng round.
Ang Tongits Online
Mula sa pinakasimpleng simula ng larong ito, ngayon ay nakikipagsabayan na rin ito sa maunlad na teknolohiya. Dahil dito, mayroon na ngayong Tongits online game na pwedeng malaro sa computer. Sa mga online Tongits Win Real Cash, makakapaglaro kalaban ang AI ng computer na mula sa program o software. Mayroon ding ilang mga website kung saan nag-aalok ng mga laro online. Ito ay karaniwang nakikita natin sa mga ads na “Play Tongits online”. Bago subukan ito, suriin nang mabuti ang mga inaalok, lalo na ang seguridad nito. Sa hinaharap, mas dadami pa ang players ng tongits mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Siguradong maaliw din sila at masisiyahan katulad ng mga Pilipino.
How to earn money in gcash by playing games Tongits
Download tongits app and play games here, get money in game and convert to gcash.
Tongits Free Download
Kung mayroon kang android phone, maaari mong i-download ang ilang mga Tongits app o Tongits play, i-install, at malalaro na ito sa iyong gadget.
Kung ikaw naman ay Apple o iOS user, maari ka ring maka-download ng app para magamit sa iyong device. Marami na ring mga iOS users ang naglalaro ng Tongits in English. Sila ay nabibilang sa Tongits club for iOS.
Isa sa mga umarangkada na pangalan sa larangang ito ay ang Tongits Go. Tinagurian itong isa sa mga best Tongits app na pwedeng ma-download online. Ito ay mayroong pitong magkakaibang mga level ng game modes na mas ginawa pang lalong kapana-panabik ang laro. Ang players ay maaaring makipaglaro bilang isang Newbie, Amateur, Intermediate, Superior, Expert, Master o Legend. Bukod pa riyan, naglalaman din ang laro ng mga paligsahan, SNG, at iba pang mga mode ng kompetisyon. Kagaya din ito ng Big Win Club na maaaring ma-download online upang ang mga tagasubaybay ng laro sa buong bansa ay maiugnay sa isa’t isa. Bukod pa rito, ang club ay nagaalok din ng hindi lang isa, ngunit ilang mga larong sugalan na maari mong subukan at ma-enjoy.
Ang developer na gumawa sa larong TG o Tongits Go ay ang Playjoy. Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay mayroong 20 million na mga manlalaro sa Pilipinas. Isa rin sa kanilang adhikain ang gumawa ng mga larong nakakaaliw at nagkakapagpasaya sa mga magkakaibigan at magkakapamilya.
Konklusyon
Sa katunayan, ang simpleng Tongits card game na ito ay nakakuha ng di matawarng kasikatan. Ito ay dahil napakadaling maunawaan ng mga patakaran nito. Bukod dito, nakakatuwa rin talaga itong laruin kasama ang mga kaibigan at kakilala. Tinatanggal nito ang inip at pagod ng mga tao habang kumikita rin ng pera kapag nanalo sa laro.
Download Tongits Online Big Win App on App Store
Search on Google:
real money earning games philippines