Ang Tongits Club ay isang app kung saan maaaring maglaro ng tongits, pusoy, poker, o sabong gamit ang mobile phones.
Kung ikaw ay mapapadpad sa Pilipinas at naghahanap ng mapaglilibangan, isa sa mga maaari mong malaro ay ang tongits. Sa katunayan, isa ang tongits sa mga pinakasikat na larong baraha sa bansa dahil sa laki ng pustahan at kasiyahang dulot nito. Unang sumikat ang tongits sa bandang Luzon.
Pinaniniwalaang sa Pangasinan naganap ang unang laro ng tongits sa bansa noong 1980. May pagkakapareho ang larong tongits sa mahjong at tonk, at gin rummy. At dahil sa kasikatan ng tongits, pwede mo na rin itong malaro kahit na nasa bahay ka lang dahil mayroon ng Tongits Club apps.
Kung interesado ka sa paglalaro ng tongits o sa paggamit ng tongits app, maaari mong gamitin ang guide na ito.
Paano nga ba laruin ang Tongits Club?
Sa Tongits Club, may Php70 kang libreng puhunan matapos mag-register. Madali lang mag-register sa Tongits Club app, ang kailangan mo lang ay i-link ang iyong Facebook account at maaari ka nang maglaro ng tongits agad-agad.
Kapag tapos nang mag-register, maaari nang pumunta sa “club” na nasa kaliwang section ng app. Upang makuha ang libreng puhunan, kailangan mong makipag-ugnayan sa isang club owner para mabigyan ka ng 70 chips na panimula. Ang isang chip ay nagkakahalaga ng Php1 o piso.
Oras na matanggap mo na ang chips, maaari ka nang sumali sa isang table at magsimulang maglaro. Maaari mong i-withdraw ang puhunan mo kapag napalago ito ng Php200, pataas.
Paano mag-cash in o cash out?
Para makapag-withdraw, pindutin lang ang “contact club owner” option na nasa kanang bahagi ng screen at may makakausap na gamit ang Facebook Messenger. Sa option na ito ka rin pupunta kapag ubos na ang iyong chips at gusto mo pang mag-top up o cash-in. Ang transaksyon sa Tongits Club app ay thru GCash.
Kung hindi ka naman interesado sa paglalaro na totoong pera ang pustahan, maaari ka ring makapaglaro ng tongits gamit ang gold coins. Upang makapaglaro gamit ang gold coins, pumunta lamang sa “tongits” option na nasa main screen.
Ano ang layunin ng tongits?
Ang tongits ay gumagamit ng standard playing cards na may 52 na mga baraha. Maaari itong laruin ng dalawa hanggang apat na katao pero pinakamainam ang tatlo.
Bilang manlalaro, layunin mo na maubos ang iyong baraha o may matira man dapat hawak mo ang may pinakamababang bilang.
Trabaho ng bangka
Mag-uumpisa ang laro sa pagpili ng bangka (dealer). Kahit sino ay pwedeng maging bangka sa umpisa ng laro pero kung gusto niyo ng mas patas na paraan ng pamimili, maaaring magpagulong ng dice o magbunutan ng pinakamataas na baraha.
Trabaho ng bangka na bigyan ng baraha ang lahat ng manlalaro sa direksyong clockwise. Magkakaroon ng 13 na baraha ang bangka samantalang 12 naman sa ibang players maliban na lang kung apat ang manlalaro. Kapag apat ang mga manlalaro, magkakaroon ng 10 cards ang bangka at 9 naman sa iba pang kalahok.
Ang mga natitirang baraha ay ilalagay sa gitna bilang palabunutan.
Simula ng laro
Pipili ang bangka ng isang barahang itatapon mula sa hawak niyang 13. Ang barahang tinatapon ng bangka ay ang hindi niya kailangan sa pagbuo ng bahay (melds).
Matapos magtapon ang bangka, maaaring mamili ang sunod na manlalaro kung bubunot siya sa central stack o “pupulutin” ang barahang itinapon ng bangka upang makabuo siya ng mga kumbinasyon o lalo pang mapaganda ang hawak na mga baraha. Maaari lang magtapon ng baraha ang manlalaro kung may mabubuo siyang set.
Kapag pinulot ng manlalaro ang itinapong baraha, hindi na siya maaaring bumunot sa central stack. Kapag nakapaglapag na ng isang set ang player, kailangang magtapon ng isang baraha bilang hudyat na tapos na ang turn o pagtira.
Magtutuloy-tuloy ang laro hanggang sa maubos ng isang manlalaro ang kanilang hawak na baraha (tinatawag ring tongits) o kapag wala nang natitirang baraha sa central stack. Bibilangin ng mga manlalaro ang kanilang baraha at ang may pinakamababang bilang ay siyang wagi.
Paano manalo sa tongits?
Para manalo sa Tongits club, kailangan maka-tongits ang isa sa mga manlalaro. Kung walang maka-tongits, magtatapos lang ang laro kapag naubos na ang mga baraha sa central stack. Sa pagkakataong ito, bibilangin ng mga manlalaro ang kanilang baraha at heto ang sistema ng bilangan:
King, Queen, at Jack: 10 puntos bawat isa
Numero: Kaparehas ng face value ang kanilang puntos (halimbawa, ang barahang 2 ay may 2 puntos din)
Alas: 1 puntos
Pagdating naman sa pagkakasunod-sunod ng suit, pinakamataas na baraha ang diamond at masusundan ng hearts, clubs, at pinakamababa naman ang spade.
Maaari lang mag-declare ng tongits ang isang manlalaro kapag pagkakataon na niya na maglapag. Kapag naunahan ng ibang manlalaro na mailapag ang lahat ng mga baraha, sila ang mananalo kahit na marami kang hawak na nabuong melds.
Maaari ring maghamon ng “draw” ang isang manlalaro kung sa tingin niya ay mayroon siyang pinakamababang bilang at nakapaglapag na siya ng isang meld. Kapag nagdeklara ng draw ang isang player, agad na matatapos ang laro. Hindi kasali sa bilang ang mga melds at ang bibilangin lang ay ang natitirang mga loose cards.
Halimbawa, kung may pito kang baraha na binubuo ng tatlong Queen, set ng 6,7,8, at isang loose card na alas, ang alas lang ang maaaring bilangin dahil ito lang ang loose card sa iyong hawak. Kapag magkaparehas ang puntos ng naghamon at mga kumagat ng draw, panalo ang naghamon sa round na iyon.
Paano iwasan ang draw?
May ilang paraan para maiwasan ang paghahamon ng draw mula sa isang manlalaro. Una, maaari kang maglapag ng meld para ma-bluff ang kalaban at isipin nitong mayroon kang magagandang baraha.
Samantala, ang isa pang paraan ay ang “pagsapaw” sa bahay o meld ng mga kalaban. Halimbawa, kung may straight flush ng Queen, Jack, at 10 ang isang manlalaro, maaari mo itong dugtungan ng King at 9.
Kapag nag-fold o hindi lumaban sa draw, nasa manlalarong nagdeklara ng draw ang desisyon kung ipapakita niya o hindi ang kanyang hawak na baraha. Sa kabilang banda, may mga manlalaro din na pinapatulan ang draw kung sa tingin nila ay mananalo sila sa bilangan ng baraha.
Mga meld o bahay na maaaring mabuo
Ito ang mga meld na maaaring mong buuin kapag naglalaro sa Tongits Club app.
Three of a Kind – Tatlong barahang magkakaparehas ng bilang (halimbawa: tatlong King)
Four of a Kind – Apat na barahang magkakaparehas ng bilang (halimbawa: apat na Jack). Tinatawag ding “sagasa” ang meld na ito kung mabubuo ng isang manlalaro ang meld na ito mula sa Three of a Kind ng kanyang kalaban.
Straight flush – Tatlong baraha na magkakasunod-sunod ang bilang at pare-parehas ng suit (halimbawa: 3♠ – 4♠ – 5♠). Maaari ring makabuo ng straight flush gamit ang apat na baraha, ang tawag dito ay “escalera.”
Konklusyon
Napakadali lang maglaro at manalo sa Tongits Club app. Kung mahilig ka sa sugal, hindi mo na kailangang lumabas at pumunta sa mga casino para malaro ang paborito mong card games. Maaari ka nang mag-enjoy at manalo oras na na-download at nag-register ka na sa Tongits Club.
Bukod sa Tongits Club app, maaari ka ring makapaglaro ng Tongits sa Big Win Club App na mada-download sa App Store at Google Play. Ang Big Win Club ay isa sa may pinakamalaking online community ng mga manlalaro ng tongits, pusoy, baccarat, at iba pang card and slot games.