Ano nga ba ang Tongits?
Ang Tongits free game ay isang uri ng larong baraha na kilala at malawakang nilalaro sa Pilipinas lalo na sa parteng Luzon simula pa noong taong 1990. Bagamat hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang orihinal na pinagmulan nito, pinaniniwalaan na pinasikat ito ng mga Ilokano. Unang nilaro ito sa Pangasinan na tinawag nilang “Tung-it”.
Ang Tongits free game ay binubuo ng tatlong manlalaro. Gamit ang karaniwang baraha na may limampu’t dalawang piraso, dalawa sa tatlong manlalaro ay binibigyan ng labindalawang baraha habang ang dealer o ang tinatawag na bangka, ay mayroon namang labintatlong cards. Ang layunin ng laro ay maubos ang mga barahang hawak ng bawat player para “maka-tongits” o di kaya naman ay mabawasan ang mga ito hanggang sa ang may pinakamababang kabuuang bilang ng mga hawak na bahara ang ideklarang panalo.
Paano nilalaro ang Tongits free game?
Magsisimula ang laro sa pagtapon ng baraha ng bangka. Ang susunod na manlalaro ay maaaring mamili kung kukunin niya ang itinapong baraha o bubunot mula sa stack. Ang pinakalayunin ng laro ay makabuo ng mga “bahay” o set ng mga baraha para ibaba. May iba’t ibang paraan at kumbinasyon upang makabuo ng “bahay”; pagsama-samahin ang tatlo o apat na baraha na may magkakaparehong numero pero may iba’t ibang suits (spade, diamond, clubs o heart) o bumuo ng tatlo o higit pang magkakasunod na baraha na may pare-parehong suit.
Katulad ng mga pagbabago sa teknolohiya tungo sa digital world, ang tongits ay maaari na ring laruin ngayon anumang oras at kahit saan gamit ang mga gadgets katulad ng cellphone, tablet at iba pa. Sa ganitong paraan, ito ay mas mabilis ma-access at maaari pang ma-download nang walang bayad. Anu-ano nga ba ang mga Tongits free game na mayroon at rekomendado bilang isang alternatibong pinagkakaabalahan?
1. Tongits Go
Kumpara sa nakasanayang paraan ng paglalaro ng tongits, ang Tongits Go ay isang magandang alternatibo para rito. May mas nakakatuwang balita pa dahil ang Season 2 ng laro ay malapit ng mailabas sa mga app stores. Ang Season 2 ng Tongits Go ay magbibigay ng “upgraded experience” sa mga manlalaro dahil sa mas pinagandang game interface nito at mas malalaking reward!
Ang Tongits Go ay mayroon ding iba’t ibang game mode katulad ng “Thrilling Tournament”, “Gold Mode” at “Family Table” na nang-eengganyo sa mga Pinoy na laruin ito. Dagdag pa rito, maraming magagandang game features ang inihahandog ng Tongits Go app kagaya ng mga sumusunod:
Ranked Game
Ito ay larong tongits na mayroong partikular na patakaran kung saan a ng mga manlalaro na may pare-parehong ranggo ang siyang maghaharap-harap paramakakuha ng mga eksklusibong papremyo. Makakatanggap ng karagdagang star ang mananalo at mababawasan naman ang star kapag natalo. Kinakailangang makuha ang nararapat na star sa kada rank upang magpatuloy sa next level. Mas mataas na rank, mas malaking papremyo!
Pusoy
Ang Pusoy ay isa rin sa mga patok na card games sa Pilipinas. Ito ay karaniwang binubuo ng apat na manlalaro. Kada player ay makakatanggap ng labintatlong baraha, pagkatapos ay kinakailangan nila itong hatiin sa tatlong poker hands. Simple lamang ang patakaran sa larong ito – pangunahing kaalaman sa poker hand rankings. Bukod sa diskarte sa pagbuo ng poker hands, malaking elemento rin sa larong ito ang taglay na swerte ng manlalaro.
Pusoy Swap Mode
Ang Pusoy Swap Mode ay isang kapana-panabik na bagong paraan ng paglalaro ng pusoy. Sa Pusoy Swap Mode, maaaring ipagpalit ng manlalaro ang kanyang tatlong baraha sa kanyang kalaban.
Pusoy Dos
Nagsimula ang street card game na ito sa Pilipinas. Maaari itong laruin ng dalawa hanggang sa apat na manlalaro. Sa larong ito, kinakailangang gumamit ng tusong diskarte upang maunang mailapag ang lahat ng hawak na baraha sa mesa.
Lucky 9
Ang Lucky 9 ang pinakamagandang option upang magpalipas ng oras online kalaro ang ibang tao, anumang oras at kahit saan.
Color Game
Ito ay isang uri ng “betting game” na kung saan ang swerte ng mga manlalaro ay nakasalalay sa paggulong ng dice upang mapanalunan ang jackpot.
Texas Hold’em Poker
Sa larong ito, ang swerte ay nasa iyong mga kamay. Kumuha ng isang pares ng baraha at tingnan kung ikaw ang master sa larong ito!
2. Tongits Lite
Ang Tongits Lite ay kagaya rin ng Tongits Go na naghahatid ng digital tongits game. Ang pagkakaiba lamang ay kumukunsumo ng mas mababang memory space sa cellphone ang Tongits Lite.
3. Tongits Plus
Ang Tongits Plus ang nangungunang Tongits free game sa kasalukuyan. Maaari itong laruin offline at mayroon ding makukuhang libreng coins araw-araw. Patok ang larong ito partikular sa mga Pinoy na mahilig sa larong tongits dahil maaaring maglaro at mag-enjoy kahit walang data. Dagdag pa sa offline mode feature nito, makakapaglaro din ng iba’t ibang card games sa multiplayer mode. Pwedeng-pwede gumawa ng sarili at natatanging “table” upang makapaglaro kasama ang mga kaibigan o pamilya.
Lalong ikasisiya ng players dahil may libreng 50,000 coins kapag nag-download ng laro ngayon. Oras na para magkaalaman kung sino ang pinakamaswerte!
4. Tongits Club
Ang Tongits Club ay kumbinasyon ng mga patok na larong online sa Pilipinas na maaaring ma-access sa iisang app. Pwedeng ma-enjoy dito hindi lamang ang larong Tongits, kundi pati na rin Pusoy, Poker at Sabong. Dahil ito ay naa-access online gamit ang mobile phone, maaring maglaro rito kasama ang mga kaibigan at pamilya kahit anong oras at kahit saan.
Tampok sa larong ito ang mga libreng bonus katulad ng gold coins, mga paligsahan, pag-imbita ng mga mahal sa buhay upang makalaro mo online, mabilisang laban at mayroon din itong mga nakakatuwang sticker na maaring gamitin sa pakikipag-chat anumang oras, kahit pa habang naglalaro. Matutulungan ka nitong makipagkaibigan na lalo pang nakakadagdag sa aliw na mararamdaman sa tuwing naglalaro nito.
5. Tongits 2021
Ang Tongits 2021 ay isa ring digital na paraan sa paglalaro ng tongits free game na maaaring ma-access online at offline. Ito ay dinisenyo upang laruin ng tatlo hanggang sa apat na manlalaro. Ang may pinakamababang kumbinasyon ng natirang baraha ang siyang mananalo sa dulo ng laro. Kinakailangan dito ng natatanging diskarte ng mga manlalaro upang manalo at makatanggap ng mga exciting na papremyo.
Sa panahon ng pandemya, mas mainam ang manatili na lamang muna sa bahay. Ang mga alternatibong free tongits game na ito ang isang magandang solusyon upang maibsan ang pagkainip sa pananatili sa loob ng tahanan. Bilang karagdagan, mabuti rin itong uri ng libangan dahil nagbibigay ito ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa mga kaibigan at mga mahal natin sa buhay kahit pa malayo sila sa atin.
Ang tongits free game ay makikita rin sa Big Win Club App at pwede mong malaro nang libre kasama ang iba pang card games na siguradong kahuhumalingan mo.