Modernong Bersyon ng Tongits Lite
Ang Tongits Lite ay hango sa paboritong laro ng mga Pilipino – walang iba kundi ang Tongits. Isang laro na naging popular noong 1990’s at sinasabing nagsimula sa Luzon, ang pinakamalaking isla sa Pilipinas.
Ang larong ito ay ginagamitan ng karaniwang 52-deck cards at nilalaro ng 3-4 players. Pinaniniwalaang unang nilaro ito ng mga Ilokano sa Pangasinan noong kalagitnaan ng 1980’s na tinawag nilang “Tung-it” na sa kalaunan ay sumikat bilang Tongits. Ang layunin ng laro ay maubos ang mga hawak na baraha o maging pinakamababa ang bilang ng matitirang baraha ng players.
Upang makasabay sa makabagong panahon, ginawan na rin ito ng mga bersyon online. Ngunit kapag medyo may kalumaan na o mumurahin ang phone na ginagamit hindi maiwasang magka-isyu sa paglalaro. Kadalasan ay hindi nakakaya ng mga lumang modelo ng phones ang mga bagong lumalabas na upgrade sa mga system ng laro. Idagdag pang halos napupuno na ang memory nito sa katagalan ng paggamit.
Ngunit kung sadyang hindi pa kayang bumili ng bagong smartphone, may mga apps na compatible pa rin at maaaring gamitin sa mga lumang phones. Ilan sa mga ito ay ang Tongits Lite, Tongits offline, Tongits King at Ultimate Tongits.
Tongits Lite
Tulad ng karaniwang tongits, ang Tongits Lite ay may parehong mechanics sa paglalaro. Gamit din ang 52-deck cards at nilalaro ito ng hanggang 3 players. Ang ranggo ng bawat card suits ay: Alas, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, Jack, Queen, at King. Ang alas ay 1 puntos ang katumbas, ang Jacks, Queens at Kings ay 10 puntos ang bawat isa. Ang iba pang mga cards ay may parehong puntos base sa bilang nito. Mananalo ang unang makakaubos ng mga baraha o ang may pinakamababang value ng hawak na cards sa katapusan ng laro.
Ang Tongits Lite ay simple at madaling gamitin. Ginawa ito ng Mobilix Solutions Private Limited. Ang pinakabagong APK na bersyon nito para sa Android phones at tablets ay 1.7 na compatible sa mga 2019 na modelo gaya ng LG G6, Samsung Galaxy S9, Galaxy Note 9, Google Nexus, ThinQ at Motorola Moto X4. Mas maganda itong gamitin sa mga devices na may bersyon ng system na 4.2 o mas mataas pa.
Karamihan sa mga nag-install at nakagamit na nito ay nagbigay ng ratings na 4 out of 5 para sa Tongits Lite. Higit sa 5,000 players na ang nag-download ng app na ito. Maaaring i-download nang libre ang Tongits Lite game APK at OBB files diretso sa ApkPure.
Tongits Offline
Ang Tongits offline ay may pareho ring mechanics tulad ng sa Tongits at Tongits Lite.
May mga karagdagang features ito katulad ng mga bagong modes: Knock at No Knock – 2-3 players ang maaaring maglaro nito, scratch bonus na magagamit para makakuha ng mga coins, at spinner bonus na kapag sinuwerte ay makakakolekta pa ng mas maraming coins.
Simple at madaling laruin ang tongits offline. I-download lang at i-install ang Tongits Offline APK. Kapag kumpleto na ang download, makikita na ang APK sa “downloads” section ng browser. I-click ang icon para sa laro at sagutin lang ang mga tanong para sa mga kumpirmasyon, pagkatapos ay maaari nang magamit ang app.
Maaari din itong magamit sa PC (Windows/Mac). Para magamit ito kailangan munang mag-download ng android emulator software na nagsisilbing virtual phone. Ang isang halimbawa nito ay ang BlueStacks na libreng magagamit kapag na-download. Pagkatapos ng downloads, i-install lang katulad ng normal installation ng mga software sa computer. Pagkatapos ma-install ay buksan ang emulator at hanapin ang APK file para maumpisahan ang pag-install ng app. Sundin ang paraan ng katulad sa phone para sa pag-install ng game app.
Tongits King
Katulad din ng Tongits, Tongits Lite, at Tongits Offline ang mechanics ng larong ito.
Ang karagdagang features nito ay ang daily bonus, free rewards sa pag-level up, may mga mini-games katulad ng High-Low at Click Coin, multiplayer experience, may mga extra coins sa magkakasunod na panalo, maaaring i-customize ang mga alituntunin at game settings ng laro, at iba pang mga features na lalong nagpapaganda at nagpapasaya ng laro.
Mada-download at mai-install din ito sa parehong paraan kung paano nagagamit ang Tongits Lite at Tongits Offline. Ang papalitan lang ay ang APK. Para sa Tongits King, ang gagamitin ay Master Mod APK. Walang kailangang ipag-alala dahil 100% safe at secure din ito dahil sa gamit na Anti-Malware platform upang masigurong walang makakalusot na viruses. Kasama sa anti-virus nito ang AOL Active Virus Shield, Claim AntiVirus, AVG, at iba pa.
Ultimate Tongits
Ang Ultimate Tongits ay may bahagyang kaibahan sa Tongits Lite, Tongits Offline at Tongits King sapagkat ito ay single-player tongits game na gawa ng Social Tongits.
Kapag na-download at na-install na ang app, pumili ng game table o maaari ring piliin ang quick game para awtomatikong makasali sa table. Maglagay ng takdang “ante” o taya. Magsisimula lang ang laro kapag lahat ay nakapaglagay na ng ante. Ang bangka ay pipiliin nang random sa unang round ng laro, ngunit sa mga kasunod ang huling nanalo ang magiging bangka. Magsisimula ang laro sa pagtira ng bangka na susundan naman ng iba pang players. Magpapatuloy ito hanggang sa may magdeklara ng tongits o maghamon ng draw.
Ang 20% sa ante ng bawat isa ay awtomatikong nakalaan sa table jackpot. Mapapanalunan ito kapag may player na nanalo nang dalawang magkasunod. May isa pang maaaring mapanalunan dito sa ultimate tongits. Ito ay ang Mega Jackpot. Limang (5) chips mula sa bawat players ang awtomatikong nakalaan para dito. Ang player na makakakuha ng 8-card straight flush mula sa initial na baraha (walang kinuhang baraha mula sa itinapon ng kalaro) ang mananalo ng mega jackpot. Kailangang maibaba ang 8-card straight flush sa unang beses na pagtira.
Konklusyon
Marami nang mga bersyon ng Tongits ang naglabasan sa mundo ng online casino. Kasama na dito ang Tongits Lite, Tongits Offline, Tongits King at Ultimate Tongits. Mayroong kani-kanyang mga katangian at kakaibang features ang mga ito upang mas maging kawili-wili sa mga manlalaro.
Bawat manlalaro ay may iba’t ibang pananaw at hinahanap sa mga laro. Upang mahanap ang laro na tutugma sa gusto mo, mas makakabuting subukan ito isa-isa para maikumpara ang mga magaganda at pangit na katangian ng bawat isa na makakatulong sa papili.
Maaari din isama sa mga susubukang app ang Big Win Club na may pinagsama-samang iba’t ibang laro sa iisang online casino app. Bukod sa tongits ay mayroon din itong mga slots at iba pang casino games na nakakaaliw. Mas maraming pagpipilian, mas masaya, ‘di ba? Kaya tara na, mag-download na at mag-install ng mga paboritong laro para makapaglibang at manalo!