Ano ang tongits?
Ang tongits ay isang uri ng rummy game na sikat na sikat sa bansang Pilipinas, partikular sa Luzon. Ito ay gumagamit ng 52-deck playing cards. Pinauso ito ng mga Ilokano na unang nilaro sa Pangasinan noong taong 1980. Ang panuntunan at pangalan ay nauugnay sa isang American game na ang pangalan ay Tonk at may pagkakahawig din ito sa larong Mahjong.
Ang larong tongits ay pwedeng laruin ng dalawa hanggang limang tao. Dahil sa pagiging sikat nito, ang tongits ay pwede na rin mai-download sa Google Play Store. I-type lamang ang tongits offline games download at may makikita kang iba’t ibang tongits offline games. Makikita rito ang maraming bersyon ng larong tongits, pwedeng tongits online – para sa mga manlalarong may internet – at tongits offline, para naman sa mga wala nito.
Ang Layunin ng Laro
Ang layunin ng larong tongits mapa-online man o offline ay maubos ang lahat ng barahang hawak ng manlalaro o kaya naman ay mapababa ang total na bilang o score ng baraha na natira sa iyong kamay. Ang manlalarong may pinakamababang value ng mga baraha o kapag nagawang maubos lahat ng baraha ay siyang panalo.
Bakit Kinagigiliwan Laruin ang tongits Offline at Online Game?
Ang larong ito ay pwedeng laruin kasama ang pamilya, kaibigan o kung sino man. Pinaglalapit nito ang kahit sino man habang naglilibang. Kahit sino sa iyong komunidad ay pwede mo makalaro. Nahahasa pa nito ang iyong social skills. Nakaka-excite at nakaka-challenge ang larong ito lalo na kung may kalaro kang napakagaling magtongits.
Paano Laruin ang tongits?
Mapatongits online o tongits offline man ay may parehong panuntunan. Bibigyan ng dealer ng labindalawang baraha ang mga players at labintatlo naman sa dealer. Ang matitirang baraha ay magiging central stack. Ang laro ay mag-uumpisa lamang kapag ang dealer ay nagtapon ng isang baraha na sa tingin niya ay hindi kailangan o walang kapareha sa pagbuo ng hands o melds. Ang susunod na player ay maaaring kunin ang tinapon na baraha kung ito ay may katugmang mga baraha o pwedeng pandagdag sa set na hawak niya. Kung hindi naman pupulutin ang “tapon” ay kukuha siya ng isang baraha sa central stack. Dito iikot ang laro, mangolekta ng hand combinations at magtapon ng mga hindi kailangan na baraha. Ang pagpulot at pagtapon ng baraha ay magpapatuloy hanggang sa isa sa mga players ay manalo ng tongits o kaya naman ay mag-draw o maubos nang lahat ang mga baraha sa central stack. Kapag naubos na ang stack sa gitna at wala pang nagto-tongits ay ita-tally ng bawat players ang value ng natirang baraha at ang may pinakamababa ay siyang mananalo.
Mga kumbinasyon sa Laro
Meld (bahay)
Ito ay set ng mga magkakaparehong baraha na kailangan kolektahin ng manlalaro para manalo. Kapag ang manlalaro ay may meld o bahay, siya ay may option kung ilalapag o hindi ang mga ito. Ang manlalaro ay kailangan magbaba ng isang minsanan para mag-draw, maliban na lamang kung siya ay may hawak na “Secret” o “Sagasa” na kung saan siya ay pwedeng lumaban kung sakali mang may mag-draw. Kung ang player ay bigong makapagbaba ng kanyang nabuo o walang sagasa sa pagtatapos ng laro, siya ay tinatawag na “sunog” at talo.
Mga Buo sa tongits Online at tongits Offline
Three-of-a-kind: Tatlong magkakaparehong ranked cards. Halimbawa ay KKK o tatlong King na galing sa magkakaibang suits o hugis.
Four-of-a-kind: Apat na magkakaparehong ranked cards o numero. Ito ay tinatawag ding Special Melds o Sagasa. Halimbawa ay JJJJ o apat na Jack na magkakapareho man pero galing sa magkakaibang suits.
Straight Flush: Tatlo o higit pang magkakasunod na baraha. Ito ay tinatawag din na “Escalera”. Halimbawa ay 3-4-5 o 4-5-6-7-8-9 na magkakaparehong suits.
Suit : Ito ay ang hearts, diamond, clover o clubs, at spades.
Ang Pagtatapos ng Laro
tongits
Ang mga naglalaro sa bahay o sa iba pang lugar ay karaniwang sumisigaw ng tongits tanda ng panalo. Samantalang ang mga naglalaro naman ng tongits offline games na nag-download sa kanilang mobile phone o kompyuter ay may nakikita lamang na warning o animation kapag nanalo. Kung nagamit nang lahat ng player ang mga baraha sa pamamagitan ng pagbuo at “sapaw” sa buong inilapag ng kalaban, siya ang panalo basta’t may nailatag ding meld.
Draw
Ang player na may isang nakababang buo at may mababang puntos ay pwedeng mag-draw basta walang sumapaw sa kanyang buo. Kapag ang manlalaro ay nag-draw, ang kanyang kalaban ay pwedeng mag-fold o lumaban. Ang may pinakamababang puntos ang panalo.
Naubos lahat ng baraha sa central stack
Ang laro ay patapos na kapag ang lahat ng baraha sa central stack ay naubos. Ang player na walang maibababang meld ay awtomatikong talo. Ang may pinakamababang value ng tirang mga baraha ay panalo.
Ang Jackpot Prize at Two Hits
Ang taya ng bawat manlalaro ay ilalagay sa tinatawag na pot. Ang player na mananalo ng dalawang beses ang mag-uuwi ng jackpot prize na naipon sa pot. Ito ay pwede rin sa tatlong magkakasunod na panalo kung saan ang player na nanalo ng dalawang magkakasunod ay magkakaroon ng karagdagang bayad. Sa tongits offline game download na nasa Google Play Store ay may hanggang dalawang panalo lamang bago makolekta ang jackpot prize.
Puntos ng Bawat Baraha
Lahat ng baraha ay may kanya-kanyang puntos. Ang ranking ng mga ito ay ang sumusunod:
Ace, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, Jack, Queen, King.
Ang ace o alas ay may isang puntos. Ito ay special card na may karagdagang bayad.
Lahat ng Jacks, Queens, at Kings ay sampung puntos. Ang King ay special card din.
Ang ibang cards tulad ng 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10 ay may puntos na match sa kanilang value.
Hindi ginagamit ang Joker sa larong ito.
Dalawang Paraan para Malaro ang tongits
Ang tongits noon ay nilalaro nang magkakaharap ang lahat ng kasali. Ngunit ngayon dahil sa makabagong teknolohiya, ito ay pwede nang ma-download at malaro mapa-online o offline man.
Bakit Hindi kaaya-ayang Laruin ang Tongits Offline?
Ang tongits offline games download sa Play Store ay gumagamit lamang ng computer bots na makakalaban ng isang manlalaro. Sa online, mga totoong tao ang naka-login na pwede mong makalaro o makalaban.
Halos lahat ng lugar ay may internet access na at mobile data kaya mas masayang laruin online ang tongits. Pagkakataon rin ito para makisalamuha at may makikilala pang ibang tao.
Ang tongits ay makikita din o malalaro sa Big Win Club App na nasa Google Play Store. Ito ay may isang malaking komunidad ng pusoy at tongits players sa Pilipinas. Dito ay makakakuha ka ng maraming tips at strategy, at lalo ka pang matututo ng iba’t iba laro ng baraha tulad ng pusoy, pusoy dos at tongits.