Ano Ang Tongits Plus App?
Katulad ng ibang tongits app, ang Tongits Plus ay libreng malalaro online at offline. Ito ay laro ng baraha na may multiplayer mode o pwedeng laruin ng higit pa sa 1-2 na manlalaro. Ang larong ito ay sumikat sa bansang Pilipinas nitong mga nakaraang taon lamang.
Anu-anong features meron ang Tongits Plus?
- Ang Tongits Plus ay nagbibigay ng kakayahan sa manlalaro na gumawa ng sariling table o room kung gusto nitong makipaglaro sa kanyang kapamilya o mga kaibigan.
- Challenging Artificial Intelligence
Kung ang player ay nasa offline mode, pwede niyang kalabanin ang AI o artificial intelligence ng laro.
- Statistics
Sa tuwing ikaw ay nananalo, bibigyan ka ng kumpletong detalye ng premyong iyong napanalunan at istatistika ng iyong paglalaro.
- Update Profile Picture and Username
Ang players ay pwedeng magpalit ng kanilang profile picture at username para magamit ang nais nilang larawan at pangalan.
- Select a room with particular bet amount
Katulad ng ibang tongits game apps. Ang Tongits Plus ay may iba’t ibang rooms na may karampatang halaga ng taya.
- Game settings – Animation speed, Sounds, and Vibrations
Mas masaya ang paglalaro kung mabilis ang animation, kung may nakakaengganyong tugtog at vibration na magbibigay hudyat kung ang manlalaro ay nanalo.
- Manually rearrange cards or auto sort
May nakaligtaan ka bang buo o nalito ka sa iyong baraha? Huwag mangamba dahil ang Tongits Plus ay may rearrange at auto sort features na mag-aayos at sisiguradong wala kang makakaligtaang buo. Ito ay magbibigay din sa iyo ng ideya kung anong baraha ang hindi mo na kailangan at dapat nang itapon.
- Daily Bonus
Ang araw-araw na pamimigay ng bonus ang pinakagusto ng lahat ng manlalaro kahit anong pang klase ng laro ang sasalihan. Ang bonus na ito ay nagagamit ng bawat players bilang karagdagan sa kanilang taya.
- Hourly Bonus
Ang sarap makita sa iyong screen ang oras-oras na pabonus ng isang laro. Hindi ka mag-aalala na maubusan ng itataya sapagkat namimigay ang Tongits Plus ng bonus hindi lang araw-araw, kundi oras-oras pa!
- Level Up Bonus
Sa larong ito, ang player ay pwedeng maglevel-up at sa bawat pagle level-up ay may bonus na matatanggap.
- Get Free Coins by Inviting Friends
Naubusan na ng coins? Mag-imbita lamang ng mga kaibigan o kapamilya at ikaw ay mabibigyan ng libreng coins.
- Leader board
Talagang nakaka-excite ang larong Tongits Plus sapagkat paglalabanan ninyo din ang maging number 1 sa larong ito.
- Customized Rooms
Gusto mo ng sariling room na kung saan kayong magkakapamilya at magkakaibigan ang maglalaro? Pwedeng-pwede iyan sa larong ito!
- Simple tutorial to help beginners get in the game fast
Madali at simpleng laruin. May panuntunan na hindi mahirap intindihin at sundin.
- Luxury Shop
Ang Tongits Plus ay may luxury shop kung saan pwede mo maranasan ang magkaroon ng yacht, mansyon, mamahaling relo, o golf course. Ito ay pwedeng bilhin gamit ang mga coins sa iyong account.
Ang larong ito ay gumagamit ng standard Anglo-American deck na may 52 cards at hindi kasama ang jokers. Ang baraha sa kada suit ay binubuo ng Alas, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9,10, Jack, Queen, at King. Ang Alas ay may katumbas na 1 puntos, habang ang Jack, Queen at King ay may katumbas na 10 puntos. Ang ibang baraha naman ay may katumbas na puntos ayon sa kanilang bilang o face value.
Ano ang Layunin ng Larong Tongits Plus?
Ang Tongits Plus ay katulad din ng ibang larong tongits na may proseso ng pag-draw, pagtapon, at pagbuo o pagsasama-sama ng mga baraha para mabawasan ang natitirang hawak na baraha ng manlalaro.
Ang Dealer
Ang larong ito ay may nakatalagang dealer. Karaniwang ang nanalo sa huling laro ang nagiging dealer pero kung mag-uumpisa pa lamang ang laro, ang dealer ay random na pinipili. Ang dealer ay magbibigay ng baraha sa mga manlalaro pakaliwa. Labintatlong baraha ang sa dealer samantalang labindalawa naman sa mga players. Ang matitirang mga baraha ay ilalagay sa gitna nang nakataob.
Ang Paglalaro ng Tongits Plus
Draw
Ang player ay kukuha o bubunot ng isang baraha sa stack o maaring damputin ang tinapon na baraha ng kanyang sinundang kalaro at idadagdag ito sa bilang ng hawak niyang mga baraha. Paalala lamang na makukuha mo ang barahang tinapon ng iyong kalaban kung ito ay magagamit mo upang makabuo ng bahay o meld. Sa oras na nakabuo ka gamit ang kinuha mo baraha, obligado ka nang ibaba ang nabuo mo at i-expose ang meld sa mga kalaro.
Pagbaba ng Melds
Ang bawat manlalaro ay obligadong magbaba ng isang meld mula sa kanyang hawak na cards. Kung ang manlalaro ay may hawak na mahigit sa isang meld, hindi niya ito kailangang ibaba lahat maliban na lamang kung ang melds ay nabuo dahil sa pagkuha niya ng itinapon na baraha ng kalaban. Kung ang player ay may apat na magkakaparehong baraha, halimbawa ay 7777, hindi siya obligadong magbaba ng kahit anong melds. Ito ay tinatawag na “Special Melds” at ito ay may karampatang bonus.
Sapaw
Ang sapaw ay isa sa paraan ng pagbabawas ng hawak na mga baraha. Pwede kang sumapaw sa sarili mong melds o sa melds na nabuo ng iyong kalaro. Ang pagsapaw ay walang limitasyon. Pinipigilan lang ang pagsapaw kapag may tumawag na ng draw.
Pagtapon
Ang bawat manlalaro ay obligadong magtapon ng baraha. Ito ay hudyat na tapos na ang kanyang turn.
Ganito lamang kadali ang maglaro ng Tongits Plus. Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang Google Play Store, APKviolet, at AppStore. Ito ay mayroon nang mahigit sa 1,000,000 na install at may reviews na 12,425. Ang Tongits Plus ay may star rating na 4.4 mula sa Play Store. Dahil sa mga features na hatid ng Tongits Plus, mararanasan mo ang pakiramdam nang naglalaro sa isang casino at ang magkaroon ng mga virtual na ari-arian katulad ng isang bahay na mansyon.
Ang Tongits Plus ay makikita rin sa Big Win Club App. Ang app na ito ay mayroong iba’t ibang tongits games at card games katulad ng Pusoy, Pusoy dos, at Baccarat. May online community din ang app na ito sa Facebook kung saan marami kang tips na makukuha at mga events na pwedeng salihan.