Mahilig ka ba sa sugalang tatak-Pinoy? Ayaw mo bang nauubusan ng pera o kaya naman ay wala ka talagang pera? Puwes! May sagot diyan: Tongits War.
Layunin ng laro Tongits War
Ang layunin ng laro ay maubos ang mga hawak na cards o i-minimize ang bilang o value ng mga walang kaparis na baraha. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga melds (tinatawag ding “bahay”, “buo,” o “balay” sa ilang dialec), pagtatapon ng mga baraha, at pagtawag ng draw. Ang manlalaro na unang mauubusan ng baraha o mayroong pinakamaliit na kabuuang puntos sa pagtatapos ng laro ang panalo.
Ang bawat manlalaro ay bibigyan ng 12 cards habang ang dealer ay makakakuha ng 13 at ang natitirang mga baraha ay maiiwan bilang panggitnang stack. Nagsisimula ang laro kapag nagtapon ng isang card ang dealer. Ang susunod na player ay maaaring pumili ng itatapong baraha kung ito ay makakagawa ng isang meld o maidadagdag sa isang set na nailapag na. Kapag hindi posible ang mga nabanggit, maaring bumunot mula sa gitnang stack. Dito iikot ang laro – iipunin ang mga kumbinasyon o melds at magtatapon ng mga hindi kailangang cards. Ang pagpili at pagtatapon ng mga baraha ay magpapatuloy hanggang sa may manalo ng Tong-its, tumawag ng draw, o hanggang sa maubos ang stack na nasa gitna. Kapag nangyari ito, ang may pinakamababang bilang ng natirang baraha ang panalo.
Ano ang Meld?
Ang meld ay isang hanay ng makakatugmang mga baraha na kailangang kolektahin ng manlalaro upang manalo sa game. Kapag nakabuo ng meld, maaring ilapag o i-delay muna ang paglalahad nito. Gayunpaman, dapat ilantad ng isang manlalaro ang isang meld upang mag-call o humamon ng draw, maliban na lang kung ang player ay mayroong palabang kumbinasyon na tinatawag ding “Secret” o “Sagasa”. Kung ang isang manlalaro ay nabigong mag-ipon ng isang meld at walang anumang espesyal na nabuo kapag natapos ang laro, itinuturing na burn o “sunog” ang player. Sa madaling salita ay talo ang resulta ng paghamon.
Paano manalo
Kung nagamit ng manlalaro ang lahat ng kanyang cards sa pagbuo ng mga kumbinasyon dahil sadyang maganda ang pinta ng mga baraha, panalo siya sa Tong-its! Kapag medyo inaalat, maaaring itapon ng player ang kanyang cards sa pamamagitan ng pagbuo ng mga melds na maaari ding idugtong bilang”sapaw” sa isa sa mga inilatag na melds ng iba pang mga manlalaro. Ang isang meld ay binubuo ng hindi bababa sa tatlong baraha (three-of-a-kind o straight flush) at ang isang sapaw ay magiging pang-apat (o higit pa). Maari ring ipagpapatuloy ng sapaw ang mga nakalapag nang straight flush.
Kapag ang isang player ay naglapag ng meld at iilang mabababang baraha na lang ang natira, maaari siyang tumawag ng draw para siguraduhing wala nang makakapagdugtong sa inilapag na meld. Kung hindi nagawa kaagad, maghihintay ang player ng susunod na ikot o pagkakataon para humamon ng draw.
Kapag ang isang manlalaro ay tumawag ng draw, ang mga kalaban ay maaaring magtiklop o hamunin ang draw. Ang mga manlalaro lamang na nakapaglatag ng mga melds ang binibigyan ng pagkakataong patulan ang draw. Ang isang manlalaro ay hindi maaaring mag-draw kung ang kanyang baraha ay pangsapaw lamang. Ang mga manlalaro na walang nakalantad na mga sets ay awtomatikong naka-fold o magtataob ng mga baraha. Kapag may tumawag ng draw, magbibilangan ang bawat players ng mga natirang hawak na baraha. Ang taong may pinakamababang bilang ang panalo.
Ang layunin ng laro ay maitugma ang mga hawak na baraha at magkaroon ng Hand’s Value na Zero o pinakamababang bilang sa pamamagitan ng madiskarteng pagbuo ng melds o Poker Hands. Ang bawat manlalaro ay magkakaroon ng pagkakataon na mapaganda pa ang kanilang mga baraha sa tuwing bubunot sa stack at magtatapon ng kahit anong mataas na baraha o ang mga walang kapares. Para mabawasan ang hawak na mga cards, maaaring maglapag ng isang meld o subukang dugtungan ang meld ng kalaban. Bawat manlalaro ay may tig-iisang pagkakataon sa bawat ikot.
Para manalo sa larong ito, kailangang maitugma ang lahat ng barahang hawak (Tongits), makamit ang pinakamababang Hand’s Value kapag naubos na ang deck (Last pick) o magkaroon ng pinakamababang Hand’s Value sa isang laban o challenge. Ang taya o Hitter Pot ay nadadagdagan sa bawat rounds. Kailangan manalo ng dalawang magkasunod na laro para makuha ito. Parang tennis din, ‘di ba?
Simulan ang Tongits War!
Sa Tongits War install and play, kailangang gumawa ng profile at magtakda ng mga alituntunin ng laro na dapat mong suriin kapag makikipaglaro online. Kasama ang mga kaibigan, mga players mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at mga special AI characters na kinabibilangan ng mga Pinoy celebrity. Pwede ring maglaro offline para makapagpraktis muna, o kapag walang Wi-Fi o internet connection. Umuusad ang laro kapag ang player ay naglelevel-up, nahihigitan ang mga World Record, at nagkakakamit ng mga gantimpala. Mayroon ding mga rewards mula sa mga bonus na makukuha sa FB Connects, arawang pagla-login at mga libreng chips. Kung hindi pa sapat ang mga ito, may in-game store kung saan pwedeng bumili ng chips gamit ang totoong pera. Pwede ring sumali sa mga VIP Club na may premium na mga benepisyo. Ang Tongits War ay nangangako din na sa mga susunod na updates, magdadagdag sila ng Celebrity Dream matches, kung saan pwede mong makalaro si Pangulong Duterte, Manny Pacquaio, Vice Ganda, ang Aldub, si Angel Locsin, Robin Padilla, at marami pang iba!
Kaya’t kung ikaw ay uhaw sa tradisyunal na sugal, simulan na ang Tongits Wars download and play Tongits Wars online! Kung hindi mo gusto ito, subukan ang Big Win Club para sa mas mahusay na disenyo at iba’t ibang mga laro.