Isa sa mga kinaaaliwang laro ngayon ay ang mga slot machines. Basta’t konektado ka sa internet, pwede mong malaro ito sa kompyuter, tablet o kahit sa iyong mobile phone. Bukod pa riyan, pwede ka pang manalo ng libu-libong pera.
Wild Frames Big Win Slot Machine
Noon ay kadalasang nakikita lang at nalalaro natin ang mga slot machine sa mga casino. Pero dahil sa teknolohiya, maaari na natin itong malaro kahit saan at anumang oras. Sa dami ng kumpetisyon online, isa sa mga mainit na pangalan ngayon sa paglalaro ng slot machines ang Wild Frames Big Win. Marami na ang mga sumubok laruin ito – mapasimpleng tao man, artista, at pati ang ibang online streamers ay nahuhumaling na rin. Hindi lang yan, marami na rin ang nagpapatunay na nanalo sila sa paglalaro nito..
Ang larong ito ay binuo ng Play’n Go. Bago pa man nila ito inilabas noong ika-19 ng Disyembre 2019, mainit na ang naging pagtanggap ng publiko rito. Syempre pa, ang ganitong klaseng laro ay hindi pwede sa mga bata. Kaya ang mga nasa wastong edad lamang, na hindi bababa sa 18 taong gulang, ang maaring maglaro.
Hindi mo masasabi na ang larong ito ay kagaya lang din ng iba pang mga slot machines na nakikita natin online. Ang pagkakaiba ay mayroon itong grid na may sukat na 7×7. Dito sunod-sunod ang hulog ng mga simbolo na para kang nanonood ng pagbagsak ng nyebe o snow.
Mga Tampok ng Laro
Ang pangunahing tampok ng larong ito ay ang mga simbolo. Mayroon itong iba’t ibang kulay, hugis, at “bigayan”. Ang pinakamalaking bigay ay ang kulay pulang numero 7 na naglalabas ng 500x. Ang sumunod naman ay ang Diamond na nagbibigay ng 250x. Iikatlo ang Golden Star na may 150x, pang-apat ang bell na may 75x, at panghuli ay ang card suit na nagbibigay lamang ng 15x-25x. Malaking tulong kahit paano ang bigay ng card suit, basta makabuo ka ng mangilan-ngilan nito.
Para sa unang level ng panalo, kinakailangan mo lang makakuha ng 5 o higit pa may pare-parehong simbolo sa isang kluster. Ang iyong mapapanalunan ay depende rin sa kung anong simbolo ang iyong nabuo. Kung malakihang panalo ang iyong gusto, kailangan mong siguraduhin na makakabuo ka ng 30 na pare-parehong simbolo sa isang kluster.
Isa rin sa mga tampok nito ay ang tinatawag nilang Wild. Kapag sunud-sunod ang iyong panalo at umabot sa mahigit na 80 na ang napagtugmang mga simbolo, dito nag-uumpisang mabuo ang wild icons na makakatulong sa iyong pagkapanalo sa kalaunan, habang tumatagal ka sa laro.
Ang wild ay lumalabas bilang kumikinang na “W” icon na nagsisilbing kapalit ng anumang simbolo upang buo ng panalong linya. Kapag ito ay nahulog sa iyong grid, naglalabas din ito ng frame kung saan mananatili ang mga simbolo sa kanilang pwesto. Maaaring mawala o matanggal rin naman ito kung hindi nais gamitin.
Tuwing makakakuha ka ng wild sa isang active frame, may karagdagang premyong matatanggap na maaring umabot hanggang 9x sa iyong paglalaro. Lagi ring bantayan ang 4-6 wilds sa iyong grid na pwede mong makolekta dahil maaari itong mahulog anumang oras kahit pa walang tumugma sa resulta ng iyong laro. Dito na lalabas ang isa pang feature na tinatawag nilang charger meter. Kapag laging napapasobra ang charge sa meter, kada 10 charge na sumobra sa 80, makakatanggap ka ng 2 pang frames bilang dagdag sa iyong grid.
Ang wild feature ng larong ito ay talaga namang nakakadagdag sa hamon at kilig ng mga manlalaro. Higit sa lahat, ito rin ay nagbibigay ng malaking panalo, dahilan para mas ganahan pang maglaro ang lahat.
Gaya ng nabanggit, ang charger meter ay isa rin sa mga tampok ng laro. Kada panalo mo, may tinatawag na “juice” na siyang nagbibigay ng charge sa meter ng slot. At kung ito ay mapuno mula 20, 40, 60, hanggang 80, mayroon kang mga pwedeng ma-unlock na makakatulong upang ikaw ay manalo.
Ilan lamang sa iyong makukuha galing sa charger meter ay ang pag-iiba ng simbolo, karagdagang wilds, at karagdagang mga simbolo na tutulungan kang alisin ang may mabababang-bigay na mga simbolo at palitan ito ng panibago na malaking value ang maibibigay.
Sigurado ka Dito!
Para sa mga gustong sumubok maglaro ng slot machines, ang Wild Frames Big Win ay nag-aalok ng libreng demo version. Dito ay pwede mong mapag-aralan ang takbo o proseso ng laro upang ikaw ay makapaghanda bago sumabak sa aktwal na game. Wala kang ilalabas na pera sa bersyon na ito. Ano mang oras mong gustuhin ay pwede ka na agad mag-umpisa dito.
Kung ikaw naman ay handang maglaro at manalo, pwede ka nang maglatag o magpasok ng pera sa iyong account gamit ang ilang pamamaraan sa pagbabayad. Maraming paraan upang maipasok mo ang pondong pamuhunan. Kung sakali mang bitcoin ang currency na nais mong gamitin sa iyong paglalaro, pasok din ‘yan at ginawang posible sa Wild Frames Big Win!
Kung seguridad sa paglalaro naman ang iyong inaalala, hindi problema iyan. Bago pa mailabas ang larong ito sa publiko, sinigurado ang seguridad para mapanatag ang lahat ng mga maglalaro. Wala ka ng iisipin, mag-eenjoy ka na lang.
Kung sakaling kailangan mo ng isang mahusay na kahalili para sa mga slot machine, tingnan ang Big Win Club – ang pinaka-komprehensibong sentro ng laro ng casino sa Pilipinas.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, mataas ang posibilidad na manalo sa laro dahil sa mga nabanggit na features nito. Ngayon ay mayroon ka ng ideya kung paano ang takbo ng laro. Higit pa doon, may ibinibigay ding mga pantulong para manalo. Mayroon nga tayong kasabihan: “Huwag husgahan ang panlabas na kaanyuan”, pati na ang “Paano mo malalaman, kung hindi mo susubukan?”. Hindi lang ito nagsisilbing paalala para sa mga tao, pati na rin sa mga larong kagaya nito. Simple man ang iyong nakikita sa labas, subukan mo lang itong laruin nang malaman mo kung anong swerte ang naghihintay sa iyo.