Ito na siguro ang pinakamalaking pagbabalik ng larong ito sa henerasyon ngayon na naging posible dahil sa seryeng Squid Game, kung saan ito ay isa sa mga laro na mayroong nakamamatay na hamon.
Pinagmulan ng Red Light Green Light Go
Bagamat ang pinagmulan ng laro ay hindi tukoy, ang Red Light Green Light Go ay nalaro na ng maraming henerasyon. Tinawag ito na Statue o Grandmother’s Footsteps sa UK, isang kilalang laro ng mga bata na madalas na nilalaro din sa mga bansang Australia, Finland, at Sweden. Gayunpaman, kung paano nilalaro ito ay naiiba sa iba’t ibang lugar sa mundo.
Ang lumang laro na ito ay hindi lamang masaya, nagtuturo rin ito ng self-management, partikular na ang self-regulation. Ito ay hindi lamang larong pambata, pwedeng-pwede rin para sa mga matatanda.
Ang SEL o Social and Emotional Learning ay ang proseso kung saan ang mga bata at matatanda ay mabisang mailalapat ang kaalaman, pag-uugali at skills na kinakailangan upang maunawaan at ma-manage ang emosyon, magtakda at magkamit ng mga positibong layunin, makaramdam at magpakita ng pag-aalala sa iba, magtatag at mapanatili ang positibong ugnayan, at gumawa ng responsableng mga desisyon. Iito ay paraan para matututo tayong makisalamuha at mauunawaan ang ating mga sarili at ang ibang tao, ayon sa The Collaboration for Academic, Social, and Emotional Learning.
Mayroong 5 na mga competencies na bumubuo sa emotional and social learning. Ang mga ito ay self-management, self-awareness, responsible decision-making, relationship skills at social awareness.
Paano Laruin ang Laro
Pagdating sa bilang ng mga manlalaro, mas marami mas masaya. Ito rin ay isang laro na kayang-kayang laruin ng mga batang nasa 3 taong gulang, pataas. Ang tanging kailangan para sa laro ay isang malawak na lugar na may sapat na espasyo para malayang makagalaw at makatakbo ang mga manlalaro.
Kailangang mamili ng isang tao upang maging taya at taga-ilaw sa laro. Ito ay tatayo nang may sapat na distansya mula sa iba pang mga manlalaro at pagkatapos ay tatalikod sa kanila. Ang iba pang mga manlalaro ay nakatayo sa isang linya na nakaharap sa “It” o ang taya.
Kapag sinambit ng taya ang ‘Green Light,’ ang lahat ng kasali ay dapat gumalaw palapit hanggang sa siya ay umiikot, at sasambitin naman ang ‘Red Light’ kung saan ang mga manlalaro ay kinakailangan na tumigil kaagad at manatili sa kinatatayuan nito. Pwedeng huminga, pero bawal ang gumalaw. Ang sinumang manlalaro na nakitang gumagalaw ay pababalikin sa panimulang linya. Ang mga manlalaro rin ay dapat manatiling ‘naka-freeze” hanggang sa ibigay ang susunod na ‘Green Light’ na utos.
Ang laro ay magpapatuloy lamang hanggang sa mayroon nang makaabot at ma-tag ang taya. Ang tagger ay magiging bagong ‘It’ o taya sa laro sa susunod na round.
Ang mga Variations ng Laro
- Ang mga bata ay maaaring magpalit-palitan bilang taya at tagasigaw ng “Red Light!” at “Green Light!”
- Maaari ring kumuha ng pula at berdeng mga palatandaan upang hawakan at itaas na lang ito sa halip na sumigaw habang naglalaro.
- Kapag nakikipaglaro sa mga bata na magkakaiba ang edad, maaaring magtalaga ng dalawang linya ng pagsisimula: ang mas malapit para sa mas maliit na mga bata; at medyo may kalayuan naman para sa mga mas nakatatanda.
- Sa isang variation ng larong ito, maaari kang magdagdag ng “Dilaw na ilaw” na nangangahulugan na ang mga manlalaro ay maaaring magpatuloy sa paggalaw ngunit dapat ito ay dahan-dahan lang.
- Sa ilang mga bersyon ng larong ito, ang “It” o traffic light player ay nakatalikod sa ibang mga manlalaro, at umiikot lamang kapag sinambit ang “Red Light” upang suriin kung may gumagalaw sa mga nasa likuran nito.
- Ang “It” o traffic light player ay maaari ring sa ibang mga manlalaro sa lahat ng oras.
- Sa ilang bersyon naman ng larong Red Light Green Light Go ay pinapayagan ang traffic light player na sumigaw ng “Red Light” o “Green Light” nang magkakasunod at mabilis upang linlangin ang labis na sabik na mga manlalaro na hindi nagbibigay-pansin sa mga salita.
- Maaari mo ring hilingin na magpakilala ng mga bagong kulay ng ilaw, na magbibigay ng mga pagkakaiba-iba kung paano lumipat patungo sa finish line. Halimbawa, tumakbo sa green, lumakad ng dahan-dahan sa yellow, lumukso para sa pink, at iba pa.
- Para sa mayroong kapansanan sa pandinig, subukan na ang caller ay tatalikod sa mga manlalaro kung nagpapahiwatig ng red light, at lumingon paharap naman kung green light.
Ang Tatlong Dapat Tandaan
-
- Huwag tumakbo nang masyadong mabilis lalo na kapag ang “Red Light” ay narinig. Baka hindi mo mapigilan ang iyong takbo at hindi kaagad makahinto.
- Ang pagsusuot ng mahabang pantalon ay mahalaga upang maprotektahan mo ang sarili kung aksidente mang sumubsob dahil sa biglaang paghinto.
- Ang huling tao na makakabalik sa panimulang linya ay ang bagong “It” sa laro.
Ang Paglalaro sa Labas
Upang malaro ito sa labas, kakailanganin mo ng isang malaking lugar tulad ng isang bukas na field, court, o gymnasium. Ang mga manlalaro nito ay pipila sa isang gilid at ang taong sasambit ng “Red Light” at “Green Light” ay nakatayo sa gitna. Mas nakakaaliw rin ang larong ito kapag sa labas nilalaro. Maihahalintulad din ito sa Big Win Club app kung saan mas nakakaaliw ang paglalaro ng mga Pinoy games kumpara sa ibang mga platforms.
Ang Paglalaro sa Loob
Ang mga manlalaro ay nakalinya o nakapila ng may 15 talampakan ang layo mula sa taong sisigaw ng Red Light at Green Light. Ang traffic light player na ito ay nakatalikod sa linya ng mga manlalaro at sasambitin ang “Green Light”. Maglalakad naman paabante ang mga manlalaro hanggang marinig ang “Red Light”. Kung isa o higit pang mga manlalaro ang patuloy na gumalaw at nahuli sa akto, sila ay tanggal na sa laro. Magsisimula na namang gumalaw muli ang mga manlalaro kapag tumalikod ulit ang traffic light player at magsabi ng “Green Light”.
Ang “It” o ang traffic light player ay mananalo sa laro kung matatanggal ang mga manlalaro at walang sinuman ang makakarating sa finish line. Bihira naman itong mangyari. Ang unang manlalaro na makahawak sa traffic light player ang mananalo sa laro at magkakaroon ng karapatang maging traffic light player para sa susunod na round.
Konklusyon
Ang simpleng laro ng Red Light Green Light Go ay maaaring laruin sa loob o labas ng bahay. Alin man sa dalawang ito, ang mga manlalaro ay tiyak na makakakuha ng kahusayan sa kanilang agility, listening skills at malaking katuwaan hindi lamang para sa mga bata, pati na rin sa mga matatanda.