Ang Disney Tsum Tsum ay mga stuffed toys ng mga Disney characters mula Japan na maaari mong kolektahin at pagpatung-patungin. Nagmula ang pangalan ng mga stuff toys na ito sa salitang Hapon na “Tsumu”, na ang ibig sabihin ay ipatong. Isa sa mga sikat na collectibles nito ay are red Tsum Tsum characters.
Ang red Tsum Tsum at iba pang Tsum Tsum set ay gawa sa piyeltro (felt fabric), microbeads, at stuffing pero may mga model rin na gawa sa plastic. Bukod sa stuffed toys na pwedeng kolektahin mula sa Disney Tsum Tsum characters, mayroon ding Disney Tsum Tsum mobile puzzle game na maaari mong i-install sa App Store at Google Play.
Red Tsum Tsum Characters
Isa sa mga kategorya sa Disney Tsum Tsum ang color groups upang hindi lumabas ang magkaparehong kulay sa laro. Halimbawa, maaaring kulay rosas ang isang Tsum pero sa red Tsum Tsum siya mabibilang dahil malapit na kulay ang rosas sa pula. Sa kasalukuyan, mayroong 43 red Tsum Tsum characters na maaari mong malaro.
Ilan sa mga pinakaginagamit na red Tsum Tsum characters ay sina Masquerade Meg, Horn Hat Mickey, Lightning McQueen, Ariel (Charm), Horned King, at Leroy. Madalas sila ang ginagamit dahil sa kanilang skills at stats. Ilan lang ito sa red Tsum Tsum characters ngunit nakadepende pa rin sa manlalaro kung sino ang kanilang pambato.
Masquerade Meg
Si Masquerade Meg ay mula sa limited offer set na makukuha lang sa Midnight Masquerade event noong Oktubre 2020. Bukod kay Masquerade Meg, makukuha rin sa set sina Masquerade Cinderella, Masquerade Rapunzel, Masquerade Esmeralda, at Masquerade Belle.
Magsisimula si Masquerade Meg sa skill na Fever at uubusin ang isang pahabang hilera ng mga Tsums. Iba ang skillset na ito kumpara sa skillset ni Meg kung saan uubusin niya ang isang hilera ng mga Tsums sa pamamagitan ng pag-summon kay Hercules.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 17
Minimum Score (Lvl. 1): 50
Score Increase kada level: 21
Max Score (Lvl. 50): 1,079
Kailangang Tsums para sa Max Skill Upgrade: 29
Horn Hat Mickey
Ipinakilala si Horn Hat Mickey sa Disney Tsum Tsum Halloween event noong 2016 na kabilang sa isang premium box set. Gagawa si Horn Hat Mickey ng magic bubbles na maaari mong igalaw sa screen. May kakayahan rin ang skill na ito na pagalawin ang kahit anong bubbles na nasa paligid.
Para sa estratehiya, iwasan ang pagputok ng Horned Hat Mickey Tsums gamit ang mga movable bubbles dahil makakapigil ito sa pagpuno ng iyong Skill Meter. Sa halip, i-clear ang mga ito sa pamamagitan ng manu-manong pagkonekta sa mga ito, o paggamit ng mga hindi nagagalaw na bubble.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 13
Minimum Score (Lvl. 1): 100
Score Increase kada level: 18
Max Score (Lvl. 50): 982
Kailangan Tsums para sa Max Skill Upgrade: 35
Lightning McQueen
Tatanggalin ng Lightning McQueen ang mga Tsums kapag na-tap mo ang screen upang mag-set ng goal line. Ang kanyang base range ay SS sa Japanese version at XS sa international version.
Ang isang pahalang na linya ay magki-clear ng pinakakaunting linya ng Tsums. Kung maghihintay ka ng masyadong mahaba upang mag-tap, awtomatiko itong magdadala ng isang tuwid na patayong linya. Ang pinakamainam na paraan upang gamitin si Lightning McQueen ay ang pagtutok ng cursor sa nais na direksyon kapag maaari nang gamitin ang skill.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 13
Minimum Score (Lvl. 1): 100
Score Increase kada level: 24
Max Score (Lvl. 50): 1,276
Kailangan Tsums para sa Max Skill Upgrade: 36
Ariel (Charm)
Ang skill ni Ariel (Charm) ay ang baguhin ang mga Tsums at gawin itong magic bubbles. Kaya ni Ariel (Charm) na baguhin ang apat hanggang limang Tsums at gawin itong magic bubbles. Si Ariel (Charm) ay ipinakilala sa Sweets Gift event, kasama si Rapunzel (Charm) at Belle (Charm). Sila ang kauna-unahang Charm Tsum Tsums na ipinakilala sa laro.
Si Ariel (Charm) ay may Tail Swish skill, kahit na ang kanyang Skill animation ay hindi katulad ng sa Tigger, Cheshire Cat at Mater. Kung titingnan mabuti, makikita siyang magkakawag ng kanyang buntot habang ginagawa ang kanyang skill.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 21
Minimum Score (Lvl. 1): 20
Score Increase kada level: 22
Max Score (Lvl. 50): 1,098
Kailangan Tsums para sa Max Skill Upgrade: 36
Horned King
Si Horned King ay isang Premium Box Tsum Tsum. Siya ay unang ipinakilala sa Japan Event Villains Written Challenge noong Abril 2019 at sa International Event Villains’ Challenge noong Agosto ng parehong taon.
Ang skill ni Horned King ay ang pagtanggal sa random Tsums at pagta-transform ng mga ito bilang Cauldron Tsum Tsums na nagbibigay ng mataas na score sa manlalaro. Ang kanyang base number na binago ay 6 at ang kanyang base number na na-clear ay 19.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 15
Minimum Score (Lvl. 1): 60
Score Increase kada level: 21
Max Score (Lvl. 50): 1,089
Kailangan Tsums para sa Max Skill Upgrade: 26
Leroy
Ang Leroy ay isang Premium Box Tsum Tsum. Siya ay isang limited edition red Tsum Tsum characters. Siya ay unang ipinakilala noong Japan Event Disney Star Theater Classics (Hunyo 2020) at ang International Event Disney Star Theater Classics (Marso 2021).
Ang skill ni Leroy ay ang pag-ubos ng randoms Tsums sa iba’t ibang bahagi ng screen. Dahil sa skill na ito, mas mabilis makakakuha ng Tsums si Leroy kaya’t mas mabilis ring mag-reload ang kanyang skill.
Narito ang kanyang stats:
Bilang na kailangan para sa Full Charge: 18
Minimum Score (Lvl. 1): 70
Score Increase kada level: 25
Max Score (Lvl. 50): 1,295
Kailangan Tsums para sa Max Skill Upgrade: 36
Gameplay
Ang layunin ng Disney Tsum Tsum ay ang pagkonekta ng tatlo o higit pang Tsums sa screen sa loob ng nakatakdang oras at magkamit ng high score, coins, at experience para maka-level up. Kapag nakakolekta ka na ng sapat na coins, maaari ka nang bumili ng red Tsum Tsum characters or iba pang Tsums sa ibang kategorya.
Maaari ka ring makipagpataasan ng points sa mga kaibigan mo sa larong ito. Kapag ikaw ang nagwagi, makakakuha ka ng coins sa katapusan ng linggo. At kung gusto mo ng iba pang laro kung saan pwede kang makipagkumpitensya sa iyong mga kaibigan, maaari mo ring i-download ang Big Win Club sa App Store at Google Play.