Sa larong Disney na ito, maaari kang makipaglaro at makipagkumpitensya sa iyong mga kaibigan sa pinakamalambot at pinaka-cute na makikitang larong puzzle online. Kumonekta at mag-pop hangga’t kaya ng maraming Disney Tsum Tsum ng parehong uri sa loob ng limitadong oras.
Ang Yellow Hand Tsum Tsum
Sa larong Yellow Hand Tsum Tsum ay kinakailangan lang pagkabit-kabitin ang 3 o higit pa na pare-parehong Tsum plushie upang maalis ang mga ito sa grid ng laro. Mas maraming plushies na maikokonekta, mas maraming puntos ang iyong makukuha.
Ang Coins, Rubies, Hearts sa Laro
Ang coins ang pangunahing currency ng laro na ginagamit para bumili ng Tsums o para i-unlock ang mga susunod na level ng Tsum. Maaaring kumita ng mga coins sa pamamagitan ng paggawa ng mga chain ng apat o higit pang Tsum sa gameplay, pag-imbita ng mga kaibigan sa Line, pag-claim ng mga heart na ipinadala ng mga kaibigang naglalaro din ng Tsum sa loob ng isang oras mula nang ipadala ang mga ito, pagkumpleto ng mga bingo, pagkumpleto ng mga misyon o kaganapan at paggastos ng mga rubi.
Ang mga Rubies naman ay in-game currency ng laro na binabayaran sa pamamagitan ng pag-charge sa iyong iTunes o Google Play account. Ginagamit ang mga rubi sa pagbili ng mga in-game na Coins o Hearts. I-tap lang ang “+” symbol na makikita sa kanang itaas na bahagi ng screen para bumili ng marami pang mga Rubies.
Ang panghuling simbolo naman na makikita sa laro ay ang mga Heart. Ito ay kinakailangan para makapaglaro. Isang heart ang katumbas ng bawat round.
Ang Big Tsum
Ito ay isang Tsum na lumalabas sa isang laro na mas malaki kaysa sa iba Tsums. Kapag ang isang malaking Tsum ay naging bahagi ng isang chain, ito ay binibilang bilang lima sa halip na 1 Tsum lamang.
Ang iba’t ibang Bubble sa Laro
Ang bubbles ay ang mga transparent na sphere na lumilitaw kapag nakapagkonekta ng 7 o mahigit pang Tsums nang magkakasama sa isang chain. Ang pag-tap ng bubble ay nag-aalis ng maliit na bahagi ng Tsum na nakapalibot sa bubble. Ang ilang bubbles ay naglalaman ng mga espesyal na bonus gaya ng karagdagang oras o mga coins. Ang mga bubbles ay kilala rin bilang Bombs sa Japanese na bersyon ng laro.
Ang mga bubble ay tagapaghatid din ng mga random at espesyal na bonus. Ito ay nakadepende rin sa uri ng bubble na iyong makukuha. Ang mga nakalista sa ibaba ay ang iba’t ibang uri ng bubbles na pwede mong makuha.
Normal na Magical Bubbles
Ito ang mga karaniwang blangkong bula na walang dalang mga bonus. Ang mga chain mula 7-8, (6 kung ang “+Bubble” na Bonus Item ay ginamit) ay palaging magiging Normal Bubble.
Ang Time Bubbles
Ang mga bubble na ito ay may timer sa gitna at magbibigay ng karagdagang 2 segundo sa timer.
Ang Exp Bubbles
Ang mga bubbles naman na ito ay may bituin sa gitna, at ito ay magbibigay ng karagdagang 10 sa experience ng manlalaro.
Ang Score Bubbles
Ang mga bubbles na ito ay magkakaroon ng maliit na tatlong pagsabog na konektado sa isa’t isa sa loob ng bubble. Bibigyan ka nito ng karagdagang Bubble Score na x2. Kapag nakagawa ng chain na mayroong 21 o higit pang Tsums, ikaw ay garantisadong makakakuha ng Score Bubble.
Ang Combo
Ito ay nakukuha lamang kapag na-clear ang mga Tsum sa loob ng time frame habang naglalaro. Anumang oras na maalis ang mga Tsum, ito man ay sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga Tsum chain, pagsabog ng mga bula/bomba, o sa pamamagitan ng paggamit ng ilang partikular na skills, ang combo count ay tataas. Ang combo counter ay nagre-reset sa zero kung ang player ay magtatagal sa pag-clear ng Tsums. Ngunit ang counter ay hindi kailanman magre-reset sa panahon ng Fever Time.
Ang Fever Mode ng Laro
Nati-trigger ang Fever Mode kapag naalis ang partikular na bilang ng Tsums. Kapag na-trigger ang Fever Mode, maaaring makakuha ang manlalaro ng mas mataas na score at ang oras din sa pagitan ng Combo ay walang limitasyon.
Ang Combo Trick sa Paglalaro
Ang trick sa mga combo ay kailangan mong tiyakin na maging mabilis sa pag-clear ng mga chain at bubbles hangga’t maaari, pati na sa paggamit ng mga burst skills. Ang masyadong matagal na pag-clear ng mga tsum ay magre-reset ng iyong combo count. Ang mababang oras na binigay ng laro ay paikli nang paikli habang pataas nang pataas naman ang iyong combo.
Kaya sa mga pagkakataong ang iyong layunin o misyon ay ang makakuha lamang ng isang mataas na combo, mabuting i-clear kaagad ang kahit na ano sa laro, kahit na ito ay isang chain ng 3 Tsums lamang.
Ang Chart ng Level Bonus
Sa pagtatapos ng bawat laro sa Yellow Hand Tsum Tsum, iginagawad ang Level Bonus batay sa experience level ng manlalaro na tumutukoy sa mga nalikom mula sa tagal at layo ng kanilang narating sa paglalaro. Ang Level Bonus ay nagdadagdag ng isang porsyento sa kabuuang mga puntos.
Ang Araw-araw na Misyon
Ito ay ang mga misyon na ibinibigay kada araw. Ang bawat misyon ay may kanya-kanyang mga kinakailangan at nagbibigay ng gantimpala kapag natapos ito ng manlalaro. Ang pang-araw-araw na misyon ay magre-reset araw-araw, tuwing hatinggabi.
Makipaglaro sa mga Kaibigan
Ang paglalaro ay magiging mas masaya kung kasama ang mga kaibigan. Isang automatic na mensahe ang maaaring ipadala ng mga manlalaro sa kanilang mga kaibigan sa LINE o Facebook upang makuha ng iba ang link kung saan pwedeng i-download ang laro. Kapag ang isang account ay hindi registered o konektado sa LINE o Facebook, hindi maaaring maimbitahan ang mga kaibigan sa laro.
Katulad ito ng Big Win Club app na naghahandog ng maraming nakakaaliw na mga laro. Dito ay maaari mo ring imbitahan ang iyong mga kaibigan at pamilya upang magkapaglaro nang sama-sama. Siguraduhin lamang na nasa wastong gulang ang lahat ng pagbibigyan ng imbitasyon upang may pahintulot na sumali sa online community na ito.
Konklusyon
Ang Yellow Hand Tsum Tsum ay isang nakakawiling puzzle ranking game kung saan ay maaari kang makipagkumpetensya sa iyong mga kaibigan gamit ang iyong pinakamataas na score sa loob ng pitong araw.
Tandaan din na dapat mag-log in sa laro gamit ang iyong Line ID upang mai-save lahat ang iyong data sa paglalaro at hindi na kailangan pang magsimula sa pinakaunang bahagi kung sakaling kinakailangang mag-reinstall ng laro.