Lost in Blue Switch: Survival Guide at mga Tips

Lost in Blue Switch: Survival Guide at mga Tips

Ano ang Lost in Blue Switch? Ang Lost in Blue Switch ay isang online video game na kapareho ng mobile game na Sandbox. Sumikat ang larong ito sa mundo ng gaming sa loob lamang ng maikling panahon. Ang larong ito ay kasama sa serye ng mga pambatang survival games na inilabas ng game developer na Konami. Ang Lost in Blue Switch ay ginawa upang gayahin ang mga matitinding karanasan kung paano mabubuhay sa isang mapanganib na isla. Meron itong mga PVE at PVP na sangkap upang magkaroon ng interaksyon ang mga manlalaro sa bawat isa at maging sa mga fictional na karakter sa laro. Wala ka ring hahanapin pa sa ganda ng graphics ng larong ito!  Handa ka na bang makaligtas o hahayaan mong mamatay ka sa Lost in Blue Switch? Kailangan mong gawin lahat ng paraan upang magtagal ka sa islang ito.  Lost in Blue Switch: Survival Guide Nagsisimula ang Lost in Blue Switch sa isang kwento na ang mga manlalaro ay nakaligtas sa isang bumagsak na eroplano at napadpad sa isang mapanganib na isla. Kailangang magkapag-imbak ng iba’t ibang mapapakinabangang mga gamit galing sa isla upang makagawa ng mga sandata, kagamitan, pasilidad at mga bahay na tatagal sa samu’t-saring delubyo sa isla. Gayundin, kailangan na palaging i-upgrade mo ang iyong karakter upang manatiling buhay at malakas ito habang nananatili sa isla. Sa ganitong paraan, mararanasan mo ang kasiyahan na mula sa Inang Kalikasan. Mahirap makaligtas ng solo sa larong ito. Kailangan mong makipag-ugnayan at magtatag ng mga grupo upang mas mapabilis ninyo ang pag-iimbak ng mga limitadong yaman ng isla. Maaari ka ring makipagkaibigan sa mga karakter sa laro. Higit sa lahat, kailangan ng mga manlalaro na gumawa ng sarili niyang kampo na may kumpletong pangdepensa at mga kagamitan tulad ng mga ‘sensory tower’ at ‘arrow tower’. Kailangan rin ng mga taniman at mga pagawaan ng mga gamit sa pangangaso at pagsasaka. Tips sa Paglalaro ng Lost in Blue Switch Narito ang mga ilan sa mga tips galing sa mga eksperto upang manatiling buhay sa Lost in Blue Switch: Patuloy na pagkolekta ng mga yaman Nakapaimportante ng mga yaman sa mga larong mayroong panahon ng produksyon at mga labanan tulad ng Lost in Blue Switch. Kaya dapat patuloy lang ang mga manlalaro sa pagkolekta ng mga yaman galing sa isla. Mahirap nang maubusan ng mga materyales at maudlot ang pagpapatayo o pag-upgrade ng mga kampo, mga sandata at baluti, at iba pang mga importanteng bagay. Mayroon ding storyline kung saan tuturuan kang mag-imbak ng mga yaman sa pamamagitan ng mga ‘storage crates’. Makikita ang paggawa ng storage crate sa gilid ng menu. I-click ang ‘Facility’ at hanapin ang storage crates. Kailangan mo muna ng sapat na troso upang makagawa ng maraming storage crates. Gawin ang mga ‘Area Challenge’ Ang mga manlalaro ay magkakaroon ng ‘Area Challenge’ o iba’t ibang quests sa bawat pagtuklas nila sa bawat bahagi ng isla. Makikita ang kabuuan ng isla sa mapa ng laro. Sa mapang ito may palatandaan ang mga lugar na natuklasan na ng manlalaro at ang mga hindi pa napupuntahan at kailangang siyasatin. Ang mga quest sa ‘Area Challenge’ ay binubuo ng combat ability, paggawa ng kagamitan, gear cultivation, pagpaparami ng kayamanan, ‘event gameplay’ at ‘overall cultivation’. Ang pagkumpleto sa mga Area Challenge ay nagbibigay ng maraming kristal sa mga manlalaro. Ang mga kristal na ito ay mahirap makuha sa laro kaya siguraduhin na matapos ang mga Area Challenge. Importante ang kakampi o kasama sa paglalaro Ang manlalaro ay maaaring magkaroon ng isang kasama mula sa laro. Ang karakter na ito ay maituturing mong tunay na kaibigan sapagkat gagayahin nito ang iyong ugali at pananaw sa laro. Maaari mo ring baguhin ang karakter ng iyong kasama sa Settings. Mahalaga ang kasama mong ito dahil ang katawan niya ay nagtataglay ng matinding kalakasan. Ang kanyang lakas ay mababawasan sa bawat pagkakataon na siya ay aatake o gagamit ng kakayahan.  Mapapagod ang iyong kasama kapag naging ‘0’ na ang kanyang lakas. Kapag nangyari ito, hihina ang kanyang mga atake at mababawasan ang kanyang kalusugan. Madadagdagan din ang kakayahan ng iyong kasama kapag dinagdagan tinaasan mo ang mga katangian nito o kapag nag-upgrade sa ‘Companion Star’. Siyasatin ang seksyon ng ‘Gear Cultivation’ Ang mga manlalaro ay maaaring gawin ang anuman sa mga sumusunod sa seksyon ng ‘Gear Cultivation’: Gear upgrade: Pwede mong i-upgrade ang mga gear hanggang tatlong level (Standard, Excellent at Perfect upgrade). Mas maraming kakayahan ang mailalagay habang tumataas ang level ng gear. Ang istatistika ng mga gear ay lumalakas habang nadadagdagan ang kanilang star. Nadadagdagan din ang mga star ng gear habang ina-upgrade ang mga ito.  Gear modify: Maaaring baguhin ang mga istatiska o paggagamitan sa mga gear. Gear repair: Nasisira ang mga gear sa bawat paggamit dito kaya kailangang ayusin ito upang magamit muli. Padaliin ang trabaho Mahirap magkaroon ng kasamahan sa umpisa ng laro kaya ang tanging paraan upang magtagumpay ay ang madalas na paglalaro. Sa pamamagitan nito, mas mabilis kang makakakuha ng iyong mga kasamahan. Ang Autoplay feature sa ibaba ng screen ang makakatulong sa iyo upang gawin agad ng iyong karakter ang nais mong ipagawa sa kanya. Samantala, ang kasamahan mo ang tutulong sa iyo upang magapi ang mga halimaw sa isla. Huwag kalimutan ang gutom at uhaw Nagugutom at nauuhaw rin ang iyong karakter tulad sa tunay na buhay. Kailangan mong alagaan ang kanyang kalusugan upang tumagal ka sa harap ng mga zombie at iba pang kalaban na iyong makakasagupa. Makikita mo kung gaano kagutom at kauhaw ang iyong karakter sa ibaba ng health bar. Maaari mong unahin na itayo ang campfire at rain collector na mga pasilidad upang masigurado na magkakaroon ka ng sapat na pagkain at tubig. Sanayin ang pagtingin sa mapa Makikita mo ang ‘World’, ‘Region’ at ‘Scene’ kapag binuksan mo ang iyong mapa. Ang ‘Scene’ ay ang pinakamaliit na mapa at nagsasabi kung nasaang parte ka sa isang rehiyon. Ang ‘World’ ay ang kabuuan ng isla na nahahati sa iba’t ibang bahagi. Sa umpisa, isang rehiyon pa lang ang iyong matutuklasan…

Color Sudoku: Mga Tips at Tricks

Color Sudoku: Mga Tips at Tricks

Ano ang Color Sudoku? Ang Color Sudoku ay isang board game na gawa sa makukulay na kahoy. Ito ay hango sa klasik puzzle na Sudoku na nagmula sa Japan. Ang layunin ng klasik Sudoku ay malagyan ng mga numero mula 1 hanggang 9 ang mga hanay, hilera at mga 3×3 subgrid. Ang laro ay nagsisimula na may kaunting laman na mga numero ang mga puzzle sheet at susubukan ng manlalaro na kumpletuhin ang mga bakanteng pwesto. Ang bawat puzzle ay may isang solusyon.  Sa Color Sudoku, ang mga numerong 1 hanggang 9 ay napalitan ng siyam na magkakaibang kulay. Pareho rin ang layunin at konsepto nito sa klasik Sudoku. Ang mga naukit na makukulay na mga piyesa ay ilalagay sa mga butas sa loob ng subgrids ng kahoy na board. Ang larong ito ay isang obra maestrang gawa sa kahoy at tunay na likhang sining! Maaari itong ipang-display kung hindi mo ito lalaruin. Napakaganda nitong pangregalo para sa mga nangongolekta ng mga laruang gawa sa kahoy o kaya ay para sa mga mahihilig sa board games.  Ano ang Benepisyo ng Color Sudoku? Ang paglalaro sa Color Sudoku ay halos kapareho rin ng klasik Sudoku. Maaaring malito at mahirapan ang mga baguhan pa lamang ngunit maganda ang magiging dulot kung ipagpapatuloy ang paglalaro nito. Maraming mga siyentipikong pananaliksik ang nagsasabing maraming benepisyo ang paglalaro ng Sudoku. Una, isa itong “ehersisyo” para sa utak. Ang ating utak ay nangangailangan ng regular na pagsasanay tulad ng ating mga kalamnan sa katawan. Maraming neuroscientists ang nagrerekomenda ng larong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s Disease sa mga matatanda. Pinapagbuti ng larong ito ang iyong memorya, konsentrasyon at pag-aanalisa. Mahalaga ang pag-aalaga sa ating utak at ang paglalaro ng Color Sudoku ay isang nakakatuwang paraan upang magawa ito. Maaaring nakakabaliw ito sa mga nag-uumpisa pa lamang, pero mare-relax ka rin kapag nasanay ka na sa paglalaro nito. Paano Laruin ang Color Sudoku? Ang layunin ng manlalaro sa pagsagot ng Color Sudoku puzzle ay malagyan ng 81 na makukulay na piyesa ang 9×9 grid na hinati sa siyam na 3×3 subgrids. Ang 81 piyesa ay binubuo ng siyam na grupo ng iba’t ibang kulay (pula, kulay-kape, berde, puti, lila, kulay-rosas, bughaw, dilaw at kulay abo). Gaya ng klasik Sudoku, ang siyam na kulay na nabanggit ay dapat mailagay lamang ng isang beses sa mga hanay, hilera at subgrid ng board. Ang isang pinagkaiba ng Klasik at Color Sudoku ay ang Sensei difficulty kung saan umaabot sa 12×12 ang grid sa klasik Sudoku. Bukod pa doon, hindi na kailangang bigyang-pansin ang dalawang pinakamalaking dayagonal na linya sa Color Sudoku. Mayroon kasing mga baryante ang klasik Sudoku kung saan maaaring idagdag na pagsubok ang dalawang malaking dayagonal sa puzzle sheet. Gayunpaman, iba rin ang level ng pagsubok na ibinibigay ng Color Sudoku dahil mas mahirap tandaan ang mga kulay kaysa sa mga numero.  Ang Sudoku ay may iba’t ibang set-up bilang panimula ng laro ngunit isang solusyon lang ang kalalabasan ng sagot. Kailangang analisahin ang ibinigay na set-up upang masagutan ang puzzle nang tama. Ang isang pagkakamali sa paglagay ng numero o kulay sa isang pwesto ay maaaring maging hadlang sa pagbuo ng puzzle. Matutuklasan mo lamang ito kapag patapos ka na. Mahalaga ang panimulang set-up dahil dito ka makakakuha ng mga clue upang masagutan lahat ng bakanteng pwesto sa board. Mas maraming clue ang iyong makukuha habang nagdadagdag ka ng mga piyesa hanggang sa masagutan mo na lahat ng mga puwang. Upang makita kung tama nga ang iyong sagot, suriin mo lang ang mga hanay, hilera at subgrid kung walang naulit na kulay. Color Sudoku: Mga Tips at Tricks Ngayong may mga pangunahing kaalaman ka na sa Color Sudoku, siguradong malulutas mo na ang mga paunang level ng mga puzzle. Ang bilang ng mga piyesa sa panimulang set-up ay mas kakaunti sa unang tingin, lalo na kapag nasubukan mo na ang mga mas mahihirap na mga level (Intermediate, Hard at Sensei). Siguradong kakailanganin mo ang mga sumusunod na tips at tricks kapag umabot ka na sa mga level na ito: Hinay-hinay lang! Ang mga puzzle na tulad ng Color Sudoku ay sinasagot ayon sa iyong nais na bilis. Hindi ito isang blitz game na ang player ay inoorasan. Buong konsentrasyon at tamang pag-aanalisa ang mga kailangan mong mahasa upang malutas ang mga mahihirap na level ng larong ito. Mas gagaling ka sa paglalaro kung pag-aaralan mo munang maigi ang mga posibilidad gamit ang iyong mga clue. Hanapin kung ano ang kulang Ang mga kailangang ilagay na piyesa ay mas mabilis makita habang mas maraming kulay ang nasa board. Kaya palagi mong hanapin kung ano ang kulang sa isang hanay, hilera at subgrid. Halimbawa, kung pitong kulay na ang nasa isang hanay, kailangan mo na lang mag-focus sa dalawang kulay na kulang. Samantala, ilalagay mo na lang ang panghuling nawawalang kulay kung walong kulay na ang nasa alinmang hanay. Mag-focus ka sa mga piyesa na nasa board  Kailangang mag-focus ka sa mga ibinigay na piyesa para sa mga mas mahihirap na puzzles. Halimbawa, kung may pulang piyesa sa pangalawang hilera at panglimang hanay (ito ay nasa gitnang itaas na subgrid), hindi mo na dapat lagyan ng pulang piyesa ang mga katapat nito. Kailangang alisin lahat ng posibleng maibawas na pagpipiliang kulay hanggang maisip mo ang tamang kulay para sa espasyo na iyon.  Suriin ang mga pagkakaugnay Tuturuan ka ng larong ito na suriin ang kaugnayan ng mga kulay sa mga hilera, hanay at subgrid. May mga pagkakataon na dalawang kulay na lamang ang kulang sa mga hilera, hanay o subgrid. May dalawang posibleng mangyari: (a) ang mga kulang na piyesa ay galing sa magkaibang subgrid; o (b) ang mga kulang na piyesa ay galing sa iisang subgrid. Sa dalawang posibilidad na ito, mas madaling sagutan kung ang mga kulang na piyesa ay galing sa magkaibang subgrid. Ito ay dahil magagamit mo ang subgrid kung saan sila nakalagay upang mas mapadali ang paglutas mo ng mga bakante pang espasyo. Halimbawa, ang pangalawang hilera ay kulang ng dalawang…

Soda Sort Puzzle: Walkthrough At Pagsusuri

Soda Sort Puzzle: Walkthrough At Pagsusuri

Ano ang Soda Sort Puzzle? Ang Soda Sort Puzzle ay isang mobile puzzle game na nagpapakita ng pagsasama-sama at pag-aayos ng mga makukulay na soda. Ito ay binuo ng IEC Global Party Ltd. Gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, kailangang pagsama-samahin ng manlalaro ang mga magkakakulay na soda na nasa loob ng mga lalagyan hanggang sa mapuno ang bawat isa ng magkakatulad na kulay. Ang larong ito ay nakakatuwa na medyo nakakabaliw. Siguradong susubukan nito ang iyong critical thinking skills. Marami na ang sumubok sa larong ito upang masuri ang kanilang IQ. Ang Soda Sort Puzzle ay pwedeng ma-download at ma-install gamit ang mga gadgets na Android at iOS. Meron itong ‘Content Rating’ na E sa Android at edad 4 o pataas naman ang rekomendasyon mula sa iOS para makapaglaro nito. Sa kasalukuyan, libre ang pag-download sa laro ngunit kailangan mong magbayad ng $2.99 kung ayaw mong maistorbo ng mga ads ang iyong paglalaro. Ang pinakahuling bersyon ng laro ay ang ‘Water Color Puzzle 7.0.0’, mula sa pinakahuli nitong update noong Oktubre 17, 2021. Ang larong ito ay madaling hanapin sa PlayStore at AppStore. Meron ding mahigit 200 na alternatibong laro na kapareho nito ng konsepto. Soda Sort Puzzle: Walkthrough at Tips sa Paglalaro Ang unang sampung level sa Soda Sort Puzzle ang magtuturo sa iyo ng basics ng laro. Ang layunin nito ay mapagsama-sama ng manlalaro ang mga magkakakulay na soda sa ibat’ ibang lalagyan. Kailangan lang sundan ang tatlong patakaran sa pagsasalin ng mga soda: (1) maililipat lamang ang pinakaibabaw na laman ng isang lalagyan kung kakulay nito ang nakapaibabaw sa paglilipatang bote; (2) makakapaglipat lamang kung may sapat pang espasyo sa paglilipatang lalagyan; at (3) maaaring makapaglipat sa anumang bakanteng bote.  Ang konseptong ito ay hango sa larong Ball Sort Puzzle, ngunit sa larong ito ay makukulay na soda naman ang gamit sa halip na mga bola. Ang isang bote ay tinatakpan na kapag puno na ito ng isang kulay. Ang bilang ng mga bote at pagkakahalo ng mga kulay ay dumadami pa habang tumataas ang level ng laro. Narito ang ilang mga tips upang makausad nang mas mabilis sa laro: Magsuring mabuti! Ang Soda Sort Puzzle ay isang puzzle game na sinusubok ang lalim ng iyong pag-iisip. Mas dadami ang mga lalagyan at mas pinahirap pa ang mga kumbinasyon ng mga kulay paglampas ng Level 100. Gayunpaman, ang lahat ng ganitong klase ng laro ay malulutas ng mahusay na pag-analisa at pagsusuri. Huwag mag-alala sapagkat matututo kang magkaroon ng mga teknik habang pahirap na ng pahirap ang laro. Isa pa, maaari mong laruin ang Soda Sort Puzzle nang naaayon sa taglay mong bilis. I-maximize ang paggalaw Mas magandang estratehiya na unahin muna ang mga lalagyang sa tingin mo ay madaling mapuno. Dapat maging maingat sa paggamit ng mga bakanteng lagayan. Ang pag-aayos at paninigurado na maraming mga galaw ang maaring gawin ay mainam para manalo sa laro. Ang mga bakanteng bote ay pandagdag sa pagkakataon mong mas makagalaw sa  laro at makakatulong upang mas madaling matapos ang isang level. Ang Soda Sort Puzzle ay nagbibigay din ng ekstrang lalagyan basta manood ka lamang ng mga ads. Upang madaya ang offer na ito, maaari mong i-disconnect ang iyong gadget sa internet upang matapos kaagad ang ad. Kung nanaisin mo ng mas matinding pagsubok, maaari mo ring i-skip ang mga ads upang hindi ka mainis sa mga ito. Iwasan ang pabayang paghahalo Gaya ng naipaliwanag kanina, kailangan ng mas maraming mapagpipilian upang mas makakilos sa larong ito. Habang tumatagal mas marami nang patong ng mga kulay ang mga nasa lalagyan. Dapat iwasan ng manlalaro na mas maikalat pa ang mga kulay sa iba’t ibang bote. Iwasan ang pabayang paghahalu-halo. Totoong magkakulay lamang ang pwedeng pagpatungin pero mahihirapan kang gumalaw kung nasa mga ilalim pa ang mga kulay na kailangang mailipat. Upang magkapagpatuloy sa laro, kailangang siguraduhin na dalawang kulay lamang ang mga nasa lalagyan. Soda Sort Puzzle: Mga Features Ang Soda Sort Puzzle ay walang ‘time limit’ kaya pwede mong iwanan ang kasalukuyan mong level at balikan na lamang ito kapag wala nang pinagkakaabalahan. Bukod pa riyan, ang larong ito ay merong ‘one-finger control’ feature na ang ibig sabihin ay maaaring makapaglaro kahit isang daliri lang ang gamit. Dahil dito, napakadali nitong laruin at maaari pang ipalaro kahit sa mga bata.  Soda Sort Puzzle: Mga Rating at Pagsusuri Ang Soda Sort Puzzle ay nagtala ng mahigit 1 milyon na downloads galing sa Google PlayStore at Apple AppStore. Sa kasalukuyan, merong itong average rating na 4.4 out of 5 galing sa mahigit 32,000 users ng Android at iOS. Maraming natuwa sa larong ito at nagpatuloy sa mas mataas na mga level. Karamihan rin ay nagrereklamo dahil mas dumami ang mga nakakainis na ads na lumalabas bawat update ng laro. Narito ang piling feedback galing sa mga sumuri sa Soda Sort Puzzle mula sa Google PlayStore at Apple AppStore: 5-Star na tugon: Isang manlalaro ang nagsabing maganda at nakaka-relax ang laro. Nagustuhan niya ang ‘no time limit’ na feature ng laro. 4-Star na tugon: Isang manlalaro rin ang naenganyo sa laro at nagbayad pa ng ‘Remove Ads’ feature na nagkakahalaga ng $2.99. Ngunit nagreklamo pa rin siya sa mga ads upang makakuha ng libreng lalagyan. Sabi niya masyado daw matagal ang mga ads kung saan mawawalan ka ng gana sa paglalaro. 3-Star na tugon: Nagbigay naman ng 3 stars ang isang manlalaro dahil hindi daw gumagawa ang ‘Remove Ads’ feature ng laro. Lumalabas parin ang mga ads sa bawat pagtatapos ng mga level. Dahil daw dito, nagka-crash ang kanyang laro ng maraming beses. Gayunpaman, umaasa pa rin siyang magagawan ito ng paraan ng mga developers ng laro. 2-Star na tugon: Reklamo rin ng isang manlalaro na napakarami daw ads. Hindi niya raw ito pinansin noong una ngunit dahil dito, mabilis na ma-drain ang kanyang baterya. 1-Star na tugon: Ang sabi naman ng isang manlalaro ay maganda ang Soda Puzzle ngunit lumabas daw ang kasakiman ng mga developer ng laro. Nagsimula daw sa isang ad ang kailangan panoorin upang mabigyan…

7 Pinakamagandang Alternatibo sa Color Ball Game Switch

7 Pinakamagandang Alternatibo sa Color Ball Game Switch

Ano ang Color Ball Game Switch? Ang Color Ball Game Switch ay isang mabilisang tap-based na laro na may kakaibang ‘obstacle course’ dahil sa tuluy-tuloy na pagbabago ng mga kulay at mga bagay-bagay sa loob ng laro. Siguradong kayang-kaya itong laruin ng mga bata at pati na rin ng matatanda. Habang ang iba’t ibang kulay na ‘geometric shapes’ ay umiikot, ang manlalaro ay kailangan lamang gumamit ng isang daliri upang i-tap ang bolang nag-iiba-iba ng kulay at iparis ito sa kulay ng geometric shape. Ang larong ito ay mayroong walong klase ng game mode kasama na ang pinakahuling labas nito na gravity at split. Higit sa lahat, kung gusto mo pang itaas ang difficulty ng laro, maari mong i-on ang reverse na option para sa iba’t ibang challenges o level. Ang Color Ball Game Switch ay mabilis na sumikat noong taong 2015, ngunit biglaan din itong nawala pagkatapos ng dalawang taon. Nagtala ito ng mahigit 200 milyong download sa Play Store at App Store. Kilala rin ito bilang No. 1 mobile game sa mahigit 150 na bansa. Sa kasamaang palad, nawala na lang bigla ang Color Ball Game Switch sa larangan ng mobile games. Pitong Pinakamagandang Alternatibo sa Color Ball Game Switch Siguradong magugustuhan mo ang iba pang mga mapanghamon na laro kung nagustuhan mo ang larong Color Ball Game Switch. Hindi lang dahil sa mahirap ang mga larong ito ngunit hindi rin matapos-tapos ang mga level na binibigay nito. Hindi ka na malulungkot sa pagkawala ng Color Ball Game Switch dahil may mga alternatibong laro na siguradong kababaliwan mo rin. Narito ang pitong pinakamagagandang alternatibo para sa Color Ball Game Switch na maaaring i-download at i-install sa android o iOS gadgets: Color Jump Ang una sa listahan ay ang larong Color Jump. Marami itong pagkakatulad sa Color Ball Game Switch! Pati mga features at game modes ng dalawang laro ay magkapareho. Kailangang tuluy-tuloy ang pag-tap sa bola upang tumalon o maipasa ito sa kaparehas na kulay tulad ng Color Ball Game Switch. Ang kulay rin ng bola sa larong ito ay patuloy na nagbabago-bago pagkatapos mong malampasan ang dalawa o tatlong pagsubok. Ang mga pagsubok dito ay umiikot rin na may paiba-ibang bilis. Color Tube Ang konsepto ng Color Tube ay katulad rin ng Color Ball Game Switch at Color Jump. Kailangang mailagay at malampasan ng bola ang isang Color Tube. Ang balangkas ng tubo na ito ay binubuo ng iba’t ibang kulay. Kailangan ng manlalaro na maitawid ang bola sa mga kulay ng balangkas na kaparehas ng bola. Halimbawa, maitatawid mo lang ang dilaw na bola sa mga parte ng tubo na kulay dilaw. Kailangan lang i-swipe ng manlalaro ang screen upang kumilos ang bola. Kailangang kontrolin din ng manlalaro ang bilis ng bola habang pinapagalaw niya ito. Color Road Ang Color Road ay may kaunting pinagkaiba sa mga naunang nabanggit na laro, ngunit parehas pa rin ang konseptong ginamit. Sa larong ito, gumugulong ang bola sa isang walang hangganang rampa. Maraming harang na binubuo ng tatlong kulay ang kailangang lampasan habang gumugulong ang bola. Kailangang siguraduhin ng manlalaro na ang mga pulang bola ay dadaan lamang sa pulang harang. Gayundin sa mga berde at dilaw na bola, kailangang sa kakulay na harang padaanin ang mga ito. Ang pahirap lang sa laro ay ang bilis ng gulong ng bola at ang bilis ng pagbabago ng kulay nito.  Looper Maihahalintulad naman ang level ng kahirapan ng Apple version ng larong Color Ball Game Switch sa larong Looper. Ang unang apat na stage ay madali subalit pagkatapos nito ay mahihirapan ka nang magpatuloy pa sa mga susunod na level. Ang konsepto ng larong ito ay katulad rin ng Color Ball Game Switch at Color Jump. Ang kaibahan lang sa Looper ay hindi lang iisa ang lalaruin mong bola at hindi dapat tumama o magbanggaan ang mga ito habang nagpapatuloy ang laro. Nadadagdagan at nagbabago ang mga hugis ng mga ‘obstacle’ sa bawat round at kailangang mapagulong mo ang mga bola sa mga ‘obstacle’ na ito habang nananatiling hindi nagbabanggaan. Tiles Hop Kumpara sa nabanggit na mga laro, isa ang Tiles Hop sa mga pinakamadaling laruin sa panimulang level. Kailangan mo lang siguraduhin na mailapag ang bola sa mga tiles. Ang layunin ng manlalaro ay mapigilan ang pagkalalag ng bola sa pamamagitan ng pag-swipe sa kaliwa o kanan depende kung nasaan ang tile na nais mong lapagan. Nagbabago ang kulay ng bola at mga tiles sa bawat level na iyong malampasan. Ang unang dalawang level ay napakadali lang habang ang pangatlo ay kayang-kaya ring gawin. Nagsisimula ang tunay na hamon pagdating sa pang-apat na level. Crossy Roads Ang Crossy Roads ay walang kinalaman sa mga kulay ngunit bukod doon, ang konsepto nito ay hindi nalalayo sa Color Ball Game Switch. Kailangan mong maitawid ang iyong karakter sa iba’t ibang daan na may masisikip na trapiko. Sa mga kalsada ay may iba’t ibang sasakyan. Mayroong ding mga tren at iba pang fictional vehicles na matutulin ang takbo. Kung mga makukulay na obstacle ang kailangan mong lampasan sa Color Ball Game Switch, mga kalsada naman ang kailangan mong malampasan sa larong Crossy Roads. Color Pipe 2018 Ang Color Pipe 2018 ay maaaring maituring na pinakamagandang laro kumpara sa lahat ng mga nabanggit. Halos kapareho rin ito ng larong Color Tube. Pareho ng tugtog, background wallpaper at settings. Ang pinagkaiba lang nila ay isang ‘pipe’ ang dadaanan ng bola sa larong ito.  Konklusyon Maaaring subukan ng mga manlalaro lahat ng nabanggit na pitong pinakamagandang alternatibo sa larong Color Ball Game Switch upang mapagkumpara nila nang maigi ang mga ito. Nang sa gayon, mahanap nila ang larong nababagay sa kanila. Ang pagsubok sa mga bagong laro ay nakakatuwa at nakakapanghamon. Madali ring hanapin ang mga larong ito gamit ang android at iOS gadgets. Sa mga naghahanap naman ng orihinal na laro ng Color Ball Game Switch, mayroon nang lumabas na bagong bersyon ang laro na pinangalanang Color Ball Game Switch: Phoenix. Ito ay ginawa base din sa dating konsepto ng Color Ball Game Switch,…

MGA KILALANG COLOURING GAMES AND PAINTING PARA SA MGA MAY EDAD

MGA KILALANG COLOURING GAMES AND PAINTING PARA SA MGA MAY EDAD

Mga Benepisyo ng Colouring Games and Painting Hindi lang mga bata ang nakikinabang ngayon sa mga colouring games and painting. Pati mga matatanda ay nahihilig na rin dito dahil ito ay nagdadala ng aliw at saya. Sa katunayan, umaapaw na ang mga apps na may ganitong konsepto sa internet. Ang lumalaki at tumataas na demand ang siyang nagtutulak sa mga developers na sumabay sa nauusong trend. Para sa mga mamimili, magandang balita ito dahil nagigin mas dumarami ang mga pwedeng pagpilian. Ang pagkukulay at pagpipinta, sa kahit anong paraan, ay maraming hatid na magandang benepisyo. Hindi lang ito isang uri ng pampalipas-oras, nakakatulong din itong mapanatiling malusog ang ating katawan at isipan. Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na nagdudulot ito ng maraming mga benepisyo. Ang mga sumusunod ay mga kilala at  rekomendadong colouring apps na dapat masubukan ng lahat, lalung-lalo na ng mga may edad.  Pigment Kung naghahanap ka ng mapaglilibangan na pwede mong maipakita ang iyong pagiging malikhain, ang Pigment ay tiyak na magugustuhan mo. Ito ay gawa ng Pixite, Inc. at inilabas ito noong taong 2016. Ang mga larawan dito ay may kontemporaryong disenyo at ito ang isa sa kalamangan at pagkakaiba nito sa mga apps na may mga tradisyunal na istilo. Binibigyan nito ng bagong anyo ang nakasanayan o pangkaraniwang mga imahe ng mga hayop, bulaklak, halaman, tanawin at iba pa. Mayroon din itong 126 na mga kulay at pwedeng ma-adjust ang tingkad ng mga ito. May mga kagamitan din na tulad ng lapis, angle-marker, brush sa pagpipinta, airbrush at circle-tipped marker. Hindi lang simpleng pagkukulay ang pwede mong gawin, may feature din ito kung saan pwede kang gumuhit, mag-sketch at magdagdag ng mga stickers. Maaari ka ring gumawa ng sarili mong disenyo.   Gusto ng app na makapagbigay ng tunay na karanasan sa pagpipinta kaya naman wala itong feature para sa pagbubura. Subalit, kung sakaling magkamali ka ay magagamit mo naman ang undo button. Libre ang pag-download ng app na ito na may 60 colouring pages. Kung sakaling gipit sa kasalukuyan at gusto mong bumili ng mga art materials, isa itong magandang alternatibo. Mas makakatipid ka pa rin kahit na gumamit ng premium version nito dahil ito ay mura lang.  Color Me Manaka-naka na lang ngayong makakita ng libre at sulit na app. Ang Color Me ng  Dot to Dots ay hindi na kailangan ng subscription para makagamit ng mga eksklusibong features nito. Ang mahigit 500 colouring pages na nakapaloob dito ay libre. Mataas ang ratings nito sa Play Store at may mahigit 10 milyong downloads na sa loob lamang ng halos apat na taon. Swak ang app na ito para sa mga bata at matatanda. Maaari itong gawing bonding ng pamilya. Kung gusto mo namang gumawa ng sarili mong obra maestra, may dalawang  mode na pwede mong pagpilian dito – ang pencil mode at ang watercolor painting mode. Ginagamit ang pencil mode sa pagguhit o pag-sketch samantalang ang watercolor painting mode naman ay sa pagpipinta. Mayroon itong mahigit 200 na mga kulay at mga pagpipiliang larawan mula sa iba’t ibang kategorya. Maaari mong ding ibahagi ang iyong mga likhang obra sa social media tulad nga Facebook, Instagram, at iba pa.  Colouring Books for Adults Katulad ng ibang mga kilalang colouring games and painting app, ang Colouring Books for Adults ng ColorTime & PuzzleTime ay tiyak na papaganahin ang iyong imahinasyon. Hindi nakakapagtakang mayroon na itong mahigit isang milyong downloads at may 4.4 average star rating sa Play Store.  May mga features ito na makakatulong upang mailabas mo ang iyong pagkamalikhain. Kayang-kaya mong magawa ang mga gusto mong paraan ng pagkukulay. At dahil sa libre ang app na ito, asahan ang manaka-nakang paglitaw ng mga ads habang ginagamit ito.  Color Therapy Pinapahalagahan naman ng Color Therapy ang interaksyon ng mga manlalaro nito. Ipinakilala ito ng Colority noong taong 2017 at sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit sa 100,000 downloads sa Play Store. Hindi lang ito isang colouring app, nakabuo rin ito ng komunidad para sa mga mahihilig sa sining. May feature itong maihahalintulad sa mga social media platforms, ngunit ito ay eksklusibo lamang para sa mga likhang sining na nabuo gamit ang app na ito. Ito ay isa sa may pinakamalaking koleksyon ng color palette – magmula sa mga magagandang solid colors hanggang sa mga matitingkad na gradient. May kahanga-hangang kalidad din ang mga tools, lines at effects nito na mas nagpapaganda pa sa mga likha. Ang free version ng laro ay limitado ngunit ang may bayad na bersyon ay may sangkatutak na colouring pages at color tools na pwede mong gamitin. Maaari kang makakuha ng karagdagang features kapag ibinahagi mo ang iyong mga likha sa iba. Colorfly Ang Colorfly ay inilabas ng Fun Games For Free noong taong 2015. Sa loob ng halos anim na taon ay umukit talaga ito ng pangalan sa larangan ng mga colouring apps. May mahigit 50 milyong downloads ito sa Play Store.  Gamit ang app na ito, may mahigit 2,000 na magagandang larawan at palettes kang mapagpipilian. Araw-araw din silang naglalabas ng mga bagong colouring pages. Ito ay may mga kakaibang filters at effects tulad ng mosaic, fairy, lego at iba pa na dito lang makikita. Maaari ka ring mag-customize ng sarili mong palette. Mayroon itong showroom kung saan pwede mong ipakita at ibahagi sa iba ang iyong likhang sining. Pinapayagan din ang pagpapahayag ng mga opinyon at suhestiyon para sa likha ng iba. Isa din sa mga kalamangan nito ay ang pagkakataong makagawa ng sarili mong mga colouring pages. Konklusyon Sa ngayon ay patuloy pa ring namamayagpag sa kasikatan ang iba’t ibang colouring games and painting app. Sa katunayan nga, mas naging patok pa ito ngayong panahon ng pandemya. Malaking tulong ito sa karamihan para makapag-relaks at mas makapagpahayag ng nararamdaman. Nagiging hobby na rin ito para sa ilan dahil ito ay isang makabuluhang gawain. Ito ay nagpapatunay lamang na ang sining ay hindi kumikilala ng edad, antas o anupaman – ito ay unibersal na paraan ng pagpapahayag ng sarili sa pamamagitan ng pagiging malikhain.  Kung gusto mo…

ANG MGA MAHAHALAGANG BENEPISYONG HATID NG COLORING BRAWL STARS

ANG MGA MAHAHALAGANG BENEPISYONG HATID NG COLORING BRAWL STARS

Ang Makulay na Mundo ng Coloring Brawl Stars Alam mo bang ang simpleng aktibidad ng pagkukulay ay may malaking naitutulong sa paghubog ng kakayahan ng mga bata? Ang makabuluhang gawaing ito ay nakakatulong sa pisikal, emosyonal at sikolohikal na aspeto ng kanilang paglaki. Ito din ang isa sa mga  pangunahing dahilan kung bakit sa murang edad pa lamang ay kailangang matuto na silang kumilala at gumamit ng mga iba’t ibang uri ng coloring materials. Sa katunayan, isa sa mga pinakapatok na aktibidad ang mga coloring games mula pa man noon. Sa kasalukuyan, maaari na ring makapagkulay ng mga larawan gamit ang mga gadgets. Mas marami pang mapagpipilian ngayon tulad ng mga hayop, mga halaman, mga tanawin o maging ang mga paboritong karakter. Gaano nga ba talaga ito kapaki-pakinabang? Paano ito nakakatulong na matuto at maging mahusay ang mga bata? Sabay-sabay nating alamin at tuklasin ang mga benepisyong hatid ng mga coloring games tulad ng Coloring Brawl Stars.   Kahalagahan ng Laro Ang larong ito ay isang paraan para maipakita at maipahayag ng mga bata ang kanilang sarili at emosyon. Para sa mga matatanda, wika ang pangunahing ginagamit sa pakikipag-usap at pagpapahayag ng mga ideya at pananaw. Ngunit para sa mga musmos pa, nahihirapan silang gamitin ang wika para ipahayag ang kanilang sarili. Ang pagkukulay ay isang paraan upang maipakita ng mga bata ang kanilang pananaw sa mundo. Maaari din na matukoy ang emosyon at nararamdaman nila batay sa mga kulay at larawang kanilang ginagamit. May mga siyentipikong pag-aaral na nagpapatunay na mas nauunawaan at naipoproseso ng mga bata ang iba’t ibang uri ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay at larawan.  Ang pangalawang benepisyo ng mga laro na tulad ng Coloring Brawl ay ang pagpapaunlad nito sa motor skills at hand-eye coordination ng mga bata. Ito rin ang mga pangunahing ginagamit sa paglalaro at pagkilos. Unti-unting nilang nasasanay ang mga kakayahang ito sa pamamagitan ng nakagawiang mga aktibidad. Ang kakayahan sa pagsusulat, pagkain, paglipat ng mga pahina ng libro at kung anu-anong pa ay mas napapabuti. Ang tamang pagkontrol sa mga kamay ay napakahalaga sa mga bata para magampanan nila ang iba’t ibang mga gawain, lalo na ang pag-aaral. Nagiging mas pamilyar at natututo rin sila sa larangan ng digital technology. Dahil sa paggamit ng iba’t ibang uri ng teknolohiya, mas nahuhubog ang kanilang kamalayan sa mga modernong bagay bilang paghahanda para sa kinabukasan. Natututunan nila ang mahahalagang gamit at ambag ng teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay.   Pangatlo, hindi lamang ito nagdadala ng saya at aliw: ito ay isang uri din ng therapy. Sa katunayan ay ginagamit  ang pagkukulay bilang isang paraan ng psychological assessment at intervention. Mayroon ding tinatawag na art therapy kung saan mas naipapahayag ng mga indibidwal ang kanilang sarili, paniniwala at karanasan sa pamamagitan ng art. Ang paggamit ng iba’t ibang uri ng pangkulay ay isang nakakarelaks na akitibidad upang pansamantalang makalimutan ang mga problema. Nakakatulong ito sa pagpapatalas ng pokus at konsentrasyon.  Bagay din itong gawing pampakalma sa mga batang hindi mapakali, umiiyak at pati na sa mga may espesyal na pangangailangan. HIgit sa lahat, nakakatulong ito sa pagpapalawak ng kanilang imahinasyon.  Panghuli, nakakatulong din ito para mapataas ang kumpiyansa sa sarili ng mga batang nagsisimula pa lamang matuto. Natututo silang pahalagahan ang kanilang pagkakaiba. Sa pamamagitan ng paglikha ng makulay na larawan, nararamdaman nila ang saya na dulot ng pagsisikap at pagtatagumpay sa isang gawain. Sila ay nakakaramdam din ng pagmamalaki kapag nakatanggap ng mga positibong puna. Ito ay nagpapataas ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Natututunan nila ang kahalagahan ng mabuting paggawa at pagsisikap. Ang mga batang lumaki sa ganitong uri ng kapaligiran ay nagkakaroon ng maganda at positibong pananaw hindi lamang sa kanilang sarili, pati na rin sa kanilang kapwa at sa mundo.   Mahalagang Paalala  Bukod sa mga nabanggit, ang pagkukulay ay isa sa mga pinakamaganda at makabuluhang paraan para makapag-bonding kasama ang mga magulang, kapatid, o pati ang buong pamilya. Ang paglalaro ng mga coloring books o coloring apps ay isang paraan upang magkaroon ng interaksyon ang mga bata na nagsisilbing gabay nila kung papaano makihalubilo sa iba. Bukod pa sa mga ito, nagkakaroon din ng pagkakataong sila ay maturuan at magabayan ng tama.  Ang pagkatuto ay isang napakahaba at kumplikadong proseso. Habang tayo ay nabubuhay, patuloy tayong natuto mula sa ating mga karanasan. Mahalagang sa murang edad pa lang ay tinutulungan na nating matuto ang mga bata sa pamamagitan ng mga nakakaaliw, at madali ngunit epektibong mga pamamaraan. Sa ngayon, hindi na kailangan pang gumastos ng malaki para makabili lang ng mga kagamitang pangkulay na madaling masira at mawala. May mga produktong pagkulay din na hindi mabuti sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata kaya dapat talagang mag-ingat. Mabuti na lamang at mayroon ng maida-download na libreng app para sa mga bata. Talaga namang mamangha ka sa kung gaano kabilis at kagaling ang mga kabataan ngayon pagdating sa paggamit ng gadgets. Sa tulong ng tamang disiplina at pagtuturo, tiyak na isang malaking tulong ang mga coloring games upang magabayan ang mga kabataan sa tamang landas.  Konklusyon Bilang mga nakakatanda, mga magulang o kapatid, napakahalagang magabayan ng mabuti ang mga kabataan mula sa murang edad hanggang sa kanilang paglaki. Tandaan na ang lahat ng kanilang natutunan mula nang sila ay maliit pa ang huhubog sa kanilang pagkatao – kung paano sila makikibagay sa kapwa at kung paano nila papahalagahan ang mga bagay-bagay. Iba talaga kapag ang isang simpleng larong pambata ay may hatid na mabubuting aral at mga mahahalagang benepisyo, kagaya na lamang ng iba’t ibang mga coloring apps sa makikita sa internet. Ito din ang isa sa mga pangunahing dahilan kung patuloy na tinatangkilik ang mga ito.  Ang Coloring Brawl Stars ay isa lamang sa libu-libong online app na hango sa mga tradisyunal na coloring books. Ang mga karakter sa sikat na larong Brawl Stars ng Supercell na inilabas noong Disyembre 2018 ang naging pangunahing inspirasyon ng color game na ito. Talagang patok na patok ito sa mga kabataang pamilyar sa nasabing laro.  Sa kabilang banda, para naman…

My Talking Angela Color Splash: Ang Kinaaaliwang Virtual Pet

My Talking Angela Color Splash: Ang Kinaaaliwang Virtual Pet

Ang Talking Angela ay isang chatterbot app na binuo ng Slovenian Studio na Outfit7 bilang bahagi ng sikat na seryeng Talking Tom and Friends. Inilabas ito noong Nobyembre 13, 2012. Sinundan ito ng paglabas ng mga bersyon para sa iPhone, iPod at iPad (Enero 2012), para sa Android (Enero 2013), at Google Play (Enero 2014). Ang Talking Angela Color Splash Ang My Talking Angela Color Splash ay ang babaeng bersyon ng larong My Talking Tom. Ito ay tinatawag na isang “Pou” o katulad ng nakagisnang laro na Tamagotchi, kung saan maaalagaan mo ang maliit na pusang si Angela. Magsisimula ang iyong alaga bilang isang kuting, at sa tulong mo, siya ay lalaki na isang magandang pusa pagdating sa hustong gulang. Ang Katangian ni Angela Si Angela ay isang pusang mahilig sa musika na gustong kumanta nang buong puso. Malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili pagdating sa pagkanta at madalas na nakakakuha siya ng mga gig at trabaho dahil na rin sa kanyang talento. Kapag hindi siya kumakanta, siya naman ay nakatuon sa fashion dahil isa rin ito sa kanyang mga hilig.  Bilang nag-iisang babae sa grupo ng magkakaibigan, nagmamalasakit siya sa mga ito at nag-aalala rin para sa kanila. Pero minsan sinusubok nila ang kanyang pasensya na minsan ay nagiging dahilan ng pag-init ng ulo ni Angela. Pero sa bandang huli, mahal pa rin ni Angela ang kanyang mga kaibigan at gayundin sila sa kanya. Si Angela ay isang napakaabalang nilalang, na nakatuon nang husto sa kanyang karera sa musika, higit pa sa ginagawa niya sa Talking Tom and Friends na nakikipag-hang out sa mga kaibigan paminsan-minsan. Samantala, siya ay interesado kay Tom at minsan ay nagpapakita ng mga palatandaan ng pagseselos lalo na sa episode na “Parallel Universe” nang si Tom ay nakipag-hang out kasama ang isang alternatibong bersyon ni Angela. Naiintindihan ni Angela ang Emosyon ng Manlalaro  Nauunawaan ni Angela ang damdamin ng mga manlalaro at tumutugon din siya rito. Upang gawin ito, kinakailangan ang special key na ginawa sa porma ng isang smiley. Ang application ay may isang chat feature at isang mikropono upang hindi lamang makapagsalita, makipag-usap at bumuo rin ng isang conversation dito. Maaaring makipag-usap si Angela tungkol sa iba’t ibang paksa, tulad ng mga libro, pag-ibig, pagkakaibigan, sinehan, at marami pang iba. Paano Ito Laruin Maraming opsyon sa pakikipag-ugnayan sa My Talking Angela. Ang pinakamahalagang bagay ay ang pagpapakain sa kanya, pagpapanatiling malinis, at pati na pagpapatulog. Maaari mo rin siyang pakainin ng iba’t ibang pagkain tulad ng cookies, gulay, at pati na rin junk foods. Maaari mo siyang tulungang maligo o magsipilyo ng kanyang ngipin sa pamamagitan ng manu-manong paggalaw ng toothbrush. Bilang karagdagan sa mga nabanggit sa itaas, sa larong ito ay maaari kang sumali sa iba’t ibang minigames upang madagdagan pa ang kasiyahan ni Angela. Maaari mo rin siyang dalhin sa pamilihan ng mga damit, peluka, at mga accessories. Mayroon ding album ng mga trading cards na maaari mong kolektahin sa tulong ni Angela. Ang My Talking Angela ay isang mas kumpletong bersyon ng klasikong My Talking Tom, na may higit pang mga opsyon sa pakikipag-ugnayan at mas magagandang graphics. Walang alinlangan, ito ay isa talagang kawili-wiling app para sa mga naghahanap ng bagong Pou. Hindi hamak na mas cute rin si Angela kung ikukumpara sa iba. Ang ‘Child Mode On’ ng Laro Ang pinakamahalagang bagay na dapat maunawaan ng mga magulang ay ang pagkakaroon ng Child Mode ng larong ito. Tatanungin ka nito kung gusto mong i-on ang child mode sa unang pagkakataon na mabuksan ang app, at anumang oras ay maaari mo itong i-on o i-off sa pamamagitan ng pag-tap sa maliit na smiley icon na nasa kanang itaas na bahagi ng screen. Ito ay mahalaga, dahil na rin sa kakayahan ni Angela na makipag-text o chat sa mga user sa Facebook. Ang feature na ito ay naka-off kapag naka-on ang child mode ng laro. Kung nabasa mo ang tungkol sa pagtatanong ni Angela sa mga bata ng kanilang mga pangalan, edad, o pagbibiro tungkol sa pagpapalitan ng damit, wala sa mga ito ang maaaring mangyari kung naka-on ang child mode option. Kapag ang child mode ay naka-on, magagawa ng mga bata na ipaulit kay Angela ang kanilang mga salita, i-stroke at sundutin siya upang makita ang mga animated na tugon, at mapalipad ang mga ibon sa screen. Huwag mag-alala dahil hindi naman kakainin ni Angela ang mga ito. Ang Camera Feature Mayroon ding espesyal na camera feature ang larong ito. Totoong hinihikayat nito ang mga user na tumingin sa camera ng kanilang device at gumawa ng mga partikular na galaw katulad ng pagtango, pag-iling, pagngiti, paghikab o paglabas ng dila, para makopya ito ni Angela. Ang In-app Purchases sa Laro Ang Talking Angela Color Splash ay gumagamit ng system ng mga virtual coins para makabili ng ilang mga features. Ilan lamang sa mga ito ay ang mga regalo at accesories para kay Angela – mula sa mga sumbrero at handbag hanggang sa makeup. Ang sinumang gumagamit ng app ay makakakuha ng 25 na libreng coins sa isang araw, habang ang iba ay mabibili mula sa isang in-app na tindahan: mula £0.69 para sa 4,200 coins, hanggang £17.49 para sa 146,500 coins. Samantala, nag-aalok din ang app ng mga libreng coins bilang kapalit sa panonood ng mga video ads para sa iba pang mga app. Kung naka-on ang restrictions parental at app store, hindi makakapag-download ang iyong anak ng mga libreng app o makakabili ng in-app items nang walang pahintulot galing sa iyo. Bilang ng Downloads Ang larong ito ay bahagi ng isang mas malawak na serye ng mga app na tinatawag na Talking Tom and Friends, na na-download na nang mahigit sa 1.5 bilyong beses mula pa noong 2010. Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ito bilang libangan ng 230 milyong mga ​​tao kada buwan. Hindi lang ito nilalaro ng mga bata, marami rin ang tumatangkilik ditong matatanda. Sa kabilang banda, kung gusto mo naman na sumubok ng isang larong kakaiba, hanapin lamang ang Big Win Club…

Win Big 21: Magbibigay ng Bagong Karanasan sa Pagsusugal

Win Big 21: Magbibigay ng Bagong Karanasan sa Pagsusugal

Pagdating sa mga laro at sugal, ang Pilipinas ay may mahaba at makabuluhang kasaysayan. Ang pagsusugal rito ay higit pa sa mga karaniwang laro at mga card games. Ang Pilipinas ay mayroon ding iba’t ibang pamamaraan sa mga pagsusugal mula sa mga klasik na laro sa kiosks hanggang sa mga pinakabagong mga laro. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang sikat na larong Tongits at ang bagong laro na Sabong Cards. Ang Big Win 21 Kilala ang Tongits bilang isang napakasaya at thrilling card game kung saan pwede mong makalaro ang iyong mga kaibigan at pamilya. Pero mas sikat ito bilang isang larong sugal na may layuning maipanalo ang mga baraha sa bawat round. Sa pamamagitan lamang ng isang deck na karaniwang may 52 cards, maipapakita mo ang iyong husay at galing sa pagra-ranking ng cards at manalo ng libu-libong piso. Hindi na kailangan pang pumunta sa mga land-based na mga casino upang makapaglaro at manalo. Kahit Saan, Anumang Oras Walang pagkakataong mahuhuli ka ng mga pulis tulad ng mga nagsusugal sa kalye, walang nasasayang na oras sa paghihintay para lang makumpleto ang bilang ng mga manlalaro, at walang pagkabalisa na baka makita ng iyong misis o asawa ang iyong pagsusugal. Dito ay ganap kang malaya sa paglalaro at paglapag kahit magkanong pusta ang gusto mo. Mayroon ding libu-libong mga punter na naglalaro dito anumang oras, kaya maaari kang magsimulang maglaro agad-agad pagka-click ng quick play button. Marami ring mga channel pagdating sa pagbabayad o pagdedeposito na maaari mong maagpilian upang makapag-top up ng iyong account. Ang online game na ito ay talagang sumusuporta sa mga manlalaro ng higit pa kaysa sa isang land-based na pasugalan. Dito ay walang limitasyon, walang paliguy-ligoy at mayroong napakabilis na sistema ng pagpapalabas ng pera. Mabilis na Bigayan ng Panalo Gamit ang Gcash Kapag nanalo ka ng malaki sa isang umpukan ng Tongits sa kalye, pipilitin ka lang na ituluy-tuloy ang paglalaro kaya maaaring maubos muli ang jackpot na iyong napanalunan. Ito ang posibleng maging sanhi ng pagkalulong sa bisyo ng sugal. Ngunit kapag sa online game ka sumubok mag-Tongits, pagkatapos mong maglaro ay maaari kang tumayo, umalis sa laro at mag-cash out o mag-withdraw anumang oras mo gustuhin. Karaniwang tumatagal lamang ng ilang segundo upang makita ang kabuuang halaga ng mga ipinagpalit na credits sa iyong Gcash account. Mga Larong Inaalok Ang Sabong Cards ay larong baraha na nagbibigay ng kasiyahan at ginamitan ng totoong pera bilang pantaya. Bilang larong sugal, ang Sabong Cards online staking ay masasabing may binatbat kung ikukumpara sa mga karaniwang laro sa mga pasugalan, tulad ng Blackjack at Baccarat, sa aspeto ng pagiging sikat at dami ng mga tumatangkilik dito. Hindi naman na ito nakakapagtaka dahil nagbibigay ito ng isang libangan na puno ng aksyon. Ang karaniwang halaga ng mga taya ay mula sa padose-dosena hanggang libu-libong piso. Ngunit kung naghahanap ka ng higit na pangmalakasang openings, dapat na humanap ng isang malaking game center na may legal na exchange system na isinasaalang-alang hindi lamang ang kapakinabangan ng staking entertainment, pati na ang seguridad ng impormasyon at pera ng mga manlalaro. Kasabay ng pagho-host ng isang malaking komunidad ng mga mananaya ng Tongits at larong Sabong Cards, ang online gambling platform na ito ay nagbibigay din ng iba’t ibang mga opsyon kabilang na ang tradisyunal na mga laro tulad ng: Pusoy – Ito ay isang sikat na uri ng larong baraha na nilalaro ng pamayanang Asyano sa loob ng maraming taon. Ito rin ay isang uri ng ranking card games. Lucky 9 – Ito ay isang card game na kahit hindi nalalayo sa paglalaro ng Baccarat. Ang pangunahing layunin ng laro ay mag-draw ng hand upang makabuo ng 9, o makakuha ng pinakamalapit na kabuuang bilang hangga’t maaari. Color Game – Isang simpleng laro ng mga kulay at pagtaya, ngunit may kapanapanabik na twist. Poker – Maaaring ito ay boring o nakakainip para sa ilan, ngunit ang totoo kabaligtaran ang mararamdaman mo habang naglalaro nito. Ang larong ito ay karaniwang may payout na mas malaki kaysa sa Blackjack. Sicbo – Ito ay isang simpleng laro ng dice na nakasalalay din sa swerte ang panalo. Kailangan mo lamang ilagay ang iyong taya at hintayin ang resulta ng mga pinagulong na dice. Kung tumugma ang iyong taya sa resulta ng roll, panalo ka sa laro. Ito ay kilala rin bilang Big Small, Tai Xiu o Hi-Lo. Roulette – Ito ay isang laro kung saan tumataya ka gamit ang totoong pera sa isa o ilang numero na sa tingin mo ay mananalo o magiging resulta ng pinapaikot na roleta. Ang isang automated computer dealer ay may pinapaikot na virtual wheel. Kung ang pointer ay matapat sa numerong iyong tinayaan, ikaw ay mananalo ng nakatakdang premyo o ng jackpot. Baccarat – Kilala rin ito bilang Punto Banco. Ito ang unang larong baraha na maaari mong laruin kung bagito pa lamang sa pagsusugal. Isa itong game of chance kaya malakas din ang hatak sa tyansang manalo kahit para sa mga baguhan. Talagang nakadepende lang sa suwerte, manalo man o matalo. Ang tanging tip sa diskarte na kailangan mo sa paglalaro ng Baccarat o Punto Banco ay ang hindi pagtaya sa mga Ties. Slot machines – Ito ay laro ng mga reels at rows kung saan kailangan mong makakuha ng magkaparehong mga simbolo o kombinasyon upang manalo. Iyong-iyo ang lahat ng karapatan at desisyon na sumali sa anumang laro na gusto mo at magpunta sa anumang table o grupo. Bukod pa dito, wala ring admin na kailangan pang hintayin at hingan ng pahintulot bago makasali sa mga laro. Madaling I-download at Gumawa ng Account Kilalang-kilala rin online ang Win Big 21 Casino. Ito ay libreng maida-download sa iba’t ibang device basta’t nakakonekta sa internet. Para ma-enjoy ang perks ng pagsusugal, kailangan ay nasa hustong gulang na o hindi bababa ang edad sa 18. Mula sa pag-download hanggang sa pag-sign up at pagtaya, ginawang mabilis at simple ang mga prosesong ito para sa lahat. Konklusyon Para sa mga panatikong manunugal na naghahanap ng…

SULIT BANG MAGLARO NG COLOR ZEN?

SULIT BANG MAGLARO NG COLOR ZEN?

Kilalanin ang Color Zen Karamihan sa atin ay maagang namulat sa mapanghamong mundo ng mga palaisipan. Ito rin marahil ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nahihilig na maglaro nito. Ang iba nga ay ginagawa pang libangan ang pangongolekta ng iba’t ibang uri ng larong palaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ang Jigsaw puzzles, Rubik’s cubes, at iba pa. Sa kasalukuyan, marami nang inilabas na iba’t ibang mga laro ngunit may pagkakatulad ang konsepto. Isa sa mga ito ang ipapakilala kong kakaibang laro – ang Color Zen. Maraming uri ng larong palaisipan at masasabing nasa kategorya ng mechanical puzzle ang Color Zen. Sinusubukan nito ang iyong kakayahang mag-isip at magbigay ng solusyon. Maraming mga paraan na maaring gawin, kailangan lang piliin ang pinakaangkop sa lahat. Masusubukan talaga dito kung hanggang saan ang kayang maabot ng iyong imahinasyon.  Sa kabilang banda, ang larong ito ay nagbigay ng bagong twist sa mga lumang uri ng palaisipan. Sa tradisyunal na palaisipan, kailangan ng manlalarong pagdugtungin ang mga piraso ng puzzle upang ito ay mabuo. Hindi naman nalalayo dito ang layunin ng Color Zen game: kailangang mapuno ng iisang kulay ang buong screen. At para magawa ito, kailangang pagsamahin ang mga hugis na may magkakaparehong kulay. Ang Nakakahumaling na Features at Gameplay ng Laro Ang feature at gameplay ang nagbibigay-buhay sa isang laro. Mas nagiging kapanapanabik kasi ang paglalaro kapag ang features ay maganda at maayos ang gameplay. Ang konsepto mismo ng paglalaro ng puzzle ang nagpapasaya sa larong ito.  Ang Color Zen ay itinuturing din na isang abstract puzzle game, gumagamit ito ng iba’t ibang kulay at iba’t ibang hugis. Maganda at nakakaaliw ang de-kalidad at makulay nitong graphics. Parang idinuduyan ka rin habang nakikinig sa soundtrack nitong gawa ni Steve Woodzell na isang sikat na musikero at kompositor. Ang sound effects nito ay nakakatulong din na mas mahumaling ang mga manlalaro sa kakaibang mundo ng laro. Pagtuunan naman natin ng pansin ang gameplay nito. Ang layunin sa  larong ito ay mapuno ng isang kulay ang buong screen. Ang kulay ay kailangang katugma ng game screen border. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga hugis na magkakapareho ang kulay. Madali lang ba itong gawin sa tingin mo? Maaari. Ngunit, may mga rounds o level na talaga namang hahamunin ang iyong diskarte. Susukatin nito kung gaano ka galing sa paggawa ng estratehiya upang malampasan ang mahirap na mga puzzles sa bawat level. Kailangan mong maging maingat sa bawat galaw at siguraduhing gagana talaga ang naisip mong paraan. Dinisenyo ang larong ito na walang kaakibat na pressure dahil wala itong time limit. Higit sa lahat, magagawa mong ulitin ang bawat levels ng kahit ilang beses. Sa paraang ito, marami kang mga pagkakataong makumpleto ang bawat hamon ayon sa iyong abilidad at istilo ng paglalaro. Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro Ang paglalaro ng mga palaisipan ay isang uri ng mind exercise. Hindi lamang nito ginagawang mas matalas ang ating pag-iisip kundi pampawala din ito ng stress at pagod. Maliban dito, ang iba pang magagandang epekto ng laro ay: Nakakatulong ito sa pagpapatalas ng iyong spatial visual intelligence. Ito ay tumutukoy sa kakayahan nating mag-isip at matuto gamit ang mga larawan, pag-unawa sa mga pattern at pagpapalawak ng malikhaing pag-iisip. Pinapalakas nito ang ating memorya. Tumutulong ito na sanayin ang koordinasyon ng kamay at mga mata. Ang dalawang parte ng katawan na ito ang pangunahing ginagamit para malutas ang mga hamon sa laro. Sinusubok nito ang problem solving skills. Sa ganitong paraan, mas naeenganyo tayong bumuo ng mga diskarte at estratehiya.  Ang mga sumusunod naman ay ang mga iba’t ibang reviews ng laro. Ang mga impormasyong ito ay nanggaling mismo sa mga matagal nang tumatangkilik nito. Maraming manlalaro ang pumupuri sa maganda nitong konsepto at sound effects, ngunit marami din ang nadismaya sa pinakabagong bersyon nito. Noon kasi ay libre itong nalalaro, may pagpipilian ang manlalaro kung gusto nilang maglaro nang tuluy-tuloy at walang sagabal na mga ads. Ngayon ay hinihikayat nito ang mga manlalaro na magbayad para sa ad-free version ng laro. Malaki kasi ang epekto nito sa iyong gaming experience. Kahit na sabihin pang halos perpekto ang feature at disenyo ng gameplay, ang paglitaw ng mga patalastas o ads ay nakakaistorbo sa konsentrasyon at pokus.  Konklusyon Ang mga puzzles ay may mahalagang bahagi na ginagampanan sa ating pamumuhay sa loob ng maraming siglo. Patuloy itong nagbabago at nag-iiba ng anyo upang makasabay sa modernisasyon at teknolohiya. Mas naging kumplikado at nagkaroon ng kakaibang mga disenyo ang mga larong ito sa kasalukuyan. Ang mga ito ay hindi natin maaaring ituring na simpleng laro lamang. Hindi ito para lamang sa mga bata kundi para sa lahat. Matanda o bata man ay maaaring makinabang sa mga benepisyong dulot ng mga mechanical puzzles. Higit sa lahat, ang masaya at nakakaaliw na features at gameplay nito ay patok sa kahit sino. Isa pa sa itinuturing na kalakasan nito ay ang kakayahan ng mga manlalarong makontrol kung gaano kabilis ang kanilang magiging pag-usad sa laro.  Ang Color Zen ay maaaring malaro at mai-download sa eShop o kaya naman ay sa Play Store gamit ang iyong Android device. Kung ang gamit mo naman ay Apple device, huwag mag-alala sapagkat mayroon din nito sa App Store. Ito ay produkto ng kompanyang Secret Potion na nakabase sa New York. Simula ng inilabas ito sa Play Store noong Hunyo 5, 2013, mayroon na itong mahigit 1 milyon na downloads. Marami talaga ang nahumaling sa mapanghamong gameplay nito. Mayroon din itong mahigit 34,000 reviews at talaga namang nakakabilib ang nakuha nitong 4.2 average star rating sa Play Store.  At hindi lang ‘yan, ang rating nito sa App Store ay higit na mataas mayroon itong 4.6 average ratings mula sa mga gumagamit ng iOS devices.  Naghahanap ka ba ng iba pang uri ng laro? Kung ang hanap mo ay mas nakakaaliw at tsansang manalo ng malaking halaga, subukan ang Big Win Club app. I-download ito sa iyong mobile device at maglaro ng mga casino games tulad ng slots, card games at iba pa. Marami…

Kailangan bang gamitin ang max bet tuwing maglalaro ng slot machine max bet Big Win?

Kailangan bang gamitin ang max bet tuwing maglalaro ng slot machine max bet Big Win?

Ano ang Slot Machine Max Bet Big Win? Ikaw ba ay naguguluhan kung dapat nga bang mag-max bet palagi sa tuwing maglalaro ng slot machines? Ano kaya ang magiging resulta kung palagi mo itong gagawin? Mapapataas ba nito ang tsansa mong manalo sa Slot Machine Max Bet Big Win o di kaya ay baka malugi ka lang dito? Kung naghahanap ka ng sagot sa mga ganitong katanungan, ang artikulong ito ay para sa iyo!