Color Switch: Paano maglaro para manalo?

Color Switch: Paano maglaro para manalo?

Ano ang Color Switch? Ang Color Switch ay isang kilalang mobile game na inilabas noong Disyembre 2015. Ito ay mayroong 200 milyong download sa Google Play Store at Apple App Store. Ito rin ay tinaguriang No. 1 mobile game sa mahigit 150 bansa at pinakamabilis pagdating sa bilang ng downloads sa Apple App store na umabot sa 50 milyon. Ang Color Switch ay isang mabilisang tap-based na laro na may kakaibang ‘obstacle course’ dahil sa tuluy-tuloy na pagbabago ng mga kulay at mga bagay-bagay sa loob ng laro. Ssiguradong kayang-kaya itong laruin ng mga bata at pati na rin matatanda. Habang ang iba’t ibang kulay na ‘geometric shapes’ ay umiikot, ang manlalaro ay kailangan lamang gumamit ng isang daliri upang i-tap ang bolang nag-iiba-iba ng kulay at ipareha ito sa kulay ng geometric shape. Ang larong ito ay mayroong walong klase ng game mode kasama na ang pinakahuling labas nito na gravity at split. Higit sa lahat, kung gusto mo pang itaas ang difficulty ng laro, maari mong i-on ang reverse na option para sa iba’t ibang challenges o level ng laro. Noong 2016 ay naging isa ito sa mga kinababaliwang laro, ngunit kagaya nang lahat ng nauuso, unti-unti rin itong nawala sa iOS at Playstore. Paano Na-develop ang Color Switch? Maari kang ma-addict sa larong color switch kahit na maiinis ka rito dahil sa hirap ng mga level sa laro. Mas lalong tataas pa ang interes mo sa larong ito kapag malalaman mo ang kwento kung sino ang gumawa at paano nga ba nagawa ang color game. Ang gumawa ng larong ito na si David Reicheit ay hindi mo aakalaing color blind dahil sa naimbento nitong laro. Ang basic na paglalaro o gameplay nito ay may two-dimensional na red at light-green na ilaw, kung saan pwede kang magpatuloy sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga hindi mo kakulay. Napakaimportante ng kulay sa larong ito. Kaya paano nga ba naimbento ni Reichelt ang larong kumplikado at ganito kadetalye kung siya nga ay isang color blind? Tinulungan siya ng Buildbox, isang software kung saan pwede mong manipulahin ang gameplay gamit ang drag-and-drop na option nito. Sa madaling salita, ginawa o prinogram ang laro ni Reichet nang hindi siya nagsusulat ng kahit isang line code. Ang buong proseso ng pag-develop ng larong ito ay simpleng copy, paste at create options lamang sa pamamagitan ng naka-set na options sa Buildbox tulad ng speed, jump height at score multipliers. Ano ang nangyari sa Color Switch? Sa kabila ng pagiging kakaiba at kamangha-mangha ng larong Color Switch, ito ay biglang nawala sa merkado ng video games. Ang nagdisenyo at bumuo ng laro na Color Switch na si David Reichelt at ang kanyang grupo ay naglabas ng pahayag patungkol sa pagkawala nito. Ayon sa grupo: “Ang nagdaang dalawang taon ay isang kamangha-manghang pagkakataon sa Color Switch at kami ay nagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik na maglaro nito. Noong ika-22 ng Disyembre, ang Color Switch ay inalis ng naunang publisher nito at itinigil muna: “Pinilit naming iwasan ang pangyayaring ito at humihingi kami ng kapatawaran sa pangyayaring ito, lalo na sa inyong mga manlalaro ng Color Switch” . Idinagdag pa ng kumpanya na: “Kami ay isang maliit na game studio na naniniwalang ang laro ay dapat nagbibigay-kasiyahan sa lahat ng manlalaro at hindi lamang ito isang negosyo. Para sa lahat ng artists, may hilig sa pagbuo, mga estudyante, nangangarap, tagalikha at tagapanguna, darating ang pagkakataon sa buhay na kailangan mong tumindig sa iyong paniniwala, lalo na kung ito ay tama. At ito ang nangyayari sa Color Switch.”  Sinasabi rin ng team ni Reichelt na: “Ang bawat kilos ay nagsisimula sa pag-iisip. Hindi namin lubos maisip na ang tahaking ito ay magdadala sa amin na maikot ang buong mundo at makatagpo kayo na nagmamahal sa laro. Ang aming grupo ay lubos ang pagpapasalamat sa inyong suporta at kami ay mas handa pang magbigay ng higit sa inyo sa 2018. Nagpapasalamat kami sa inyong pasensya habang inaayos pa namin ang aming susunod na laro. Maaari ninyong ibigay ang inyong impormasyon o ‘contact’ upang maibahagi namin sa inyo kung kailan muli babalik ang Color Switch kasabay ng iba pang laro.” Sa madaling sabi, ito ay isang pangkaraniwang kaso nang mga publisher na naninira mismo ng kanyang manggagawa; isang halimbawa nito ay sa komunidad ng Youtube kung saan ay itinuturo at inaakusahan si Machinima sa pangho-hostage ng mga “content creators” hanggang sa makakuha sila ng sapat na pera upang iwanan ang kontrata. Sina Leafyishere at Clash ay ilan sa mga Youtubers na nakagawa ng paraan na makaalis rito at binigyan ng babala ang iba sa pagpirma ng kontrata dito. Konklusyon Sa industriya ng video games ang pinakamasamang maaaring mangyari ay ang pagkuha ng EA at ng marami pang nabiling studio nito. Tinutulak nito ang mga gumagawa ng laro na gawin ang laro ng walang pag-ibig at awa hindi kagaya ng mga studio na pinangungunahan ng mga disenteng tao. Ang publisher ng Color Switch na Forfafy ay malaki ang naitulong kay David, gayunpaman malaki rin naman ang ambag ng larong ito sa kanya sa pagpapalaki ng kanyang kita at pagiging kilala nito sa mahigit 100 daang bansa. Sa kasalukuyan ay bumalik na muli ang Color Switch sa panibagong laro na Color Switch: Phoenix. Ito ay ginawa base sa dating konsepto ng Color Switch at dinagdagan pa ng mas marami pang challenge, mini games at bagong features na hindi pa naipakita sa kahit sino. Mabuti na lamang at may access pa rin naman si Reichelt sa website nito at Twitter account. Sa ngayon, tunay nga na hindi na tayo makapaghintay sa kung anong susunod na mangyayari sa maliit na grupong ito at ninanais natin ang magandang kapalaran sa kanilang hinaharap. Sa kabila ng nangyari, ang Color Switch ay patuloy pa rin na nag-a-update kagaya ng ‘summer-theme’ na naglalaman ng dalawang laro na may kaunting bola. I-download ang Big Win Club app para sa mas marami pang online na laro kasama ang mga totoong tao, na may patas na kumpetisyon at magbibigay sa iyo…

Color Game Land: ang makabagong perya ng bayan ay nasa kamay mo na!

Color Game Land: ang makabagong perya ng bayan ay nasa kamay mo na!

Ano ang Color Game Land Kung maaari lamang hilahin ang oras pabalik sa mga panahong wala pang pandemya, tiyak ginawa na ito ng karamihan. Ito ang mga panahong nagagawa pa nating makalabas ng bahay anumang oras na gustuhin at walang pangamba. Ngayon, sa mga gadgets at mobile devices na lang umaasa ang halos karamihan para maaliw at magpalipas oras. Ito ay bahagi na ng tinatawag na “new normal”. Isa sa mga nakapagdadala ng saya at aliw noon ay ang pagpunta sa mga perya. Maraming pwedeng gawin dito at syempre hindi mawawala ang mga iba’t ibang uri ng laro. Sa ngayon, kahit hindi pa nakapagbukas ang mga perya, maaari ka nang maglaro at manalo ng totoong larong perya sa Color Game Land. Ito ay isa sa magagandang alternatibo para sa pagbetu o color game.  Ang color game ang tinaguriang isa sa mga pinakapatok na laro dahil ito ay madali at simpleng lamang. Hindi ba sa tuwing may perya hindi talaga maiiwasan na gumastos para makapag-enjoy? Sa pamamagitan ng kahit maliit lang na pantaya, tiyak na mas magiging kapana-panabik na ang araw mo, lalo pa kapag umuwi kang puno ang bulsa. Sa larong ito, kahit na barya lamang ang iyong taya, maaari ka pa ring manalo ng malaking halaga.  Kung gusto mong maranasan ulit ang sayang dala ng color game, narito na ang hinahanap mo! Sa larong ito mo talaga mararanasan ang aktwal na color game sa perya at mas pinaganda pa. Interesado ka na bang malaman ang iba pang mga detalye tungkol dito? Simulan natin sa gameplay ng laro.  Gameplay Ang Color Game Land ay isa sa mga sikat na larong perya online ngayon. Ito ay ginawa ng developer na Spirejoy at inilabas noong 2019. Simula nang ilabas ito ay naging instant hit talaga ito sa mga Pinoy. Ang makulay na konsepto nito ang isa sa mga nakahalina sa mga manlalaro lalo na sa mga Pilipino. Para kasing dinadala tayo nito sa totoong mundo ng perya kahit na sa computer o mobile devices lang tayo naglalaro. Ang gameplay nito ay pareho lang din ng nakasanayan nating color game. Tulad ng aktwal na laro, wala rin ditong perpektong estratehiya para manalo palagi. Kadalasan, maiisip ng mga manlalaro na parang may sinusunod na pattern ang mga lumalabas na kulay.  Meron naman talaga, subalit ito ay pabagu-bago. Tanging tsansa lang din ang makakapagdikta kung anu-ano ang mga kulay na lalabas sa bawat round. Isang bagay lang naman ang may kakayahan kang piliin sa larong ito – ang kulay na iyong  tatayaan at hindi ang kulay na lalabas sa mga colored blocks.  Ang ginagamit ditong game credit ay ang go coins at diamonds. Ang sampung diamonds ay may katumbas na 10,000 go coins na madadagdagan pa ng 50,000 go coins. Kung nag-alala ka ng iyong pampuhunan sa larong ito, walang problema! May free reward kang matatanggap kapag gumawa ka ng account mo dito. Gamitin lang sa pag-register ang iyong Facebook o Google account. Madadagdagan din ang iyong free credits sa bawat araw na ikaw ay magla-log in at maglalaro. Isa pang paraan upang madagdagan ang iyong go coins at diamonds ay sa pamamagitan ng referrals. Ibigay lang sa iyong mga kapamilya, kaibigan o kakilala ang iyong referral link o code. Ang bawat sampung active players na maiimbitahan ay may katumbas na 200 go coins. Kung gusto mo namang magbayad para madagdagan ang iyong go coins ay pwedeng-pwede rin. Pumunta lang sa promoter button at piliin ang contact us. Nandito ang lahat ng mga kailangan mong gawin para makabili ng kanilang credit packages. Sa pamamagitan nito, mas mapaparami mo ang iyong go coins, mas malaki ang maaari mong maitaya, mas maraming laro ang iyong masasalihan at mas mataas na premyo ang pwede mong mapanalunan. Halimbawa, kapag ikaw ay nag-cash in ng Php300, ito ay may katumbas na 3,750 go coins habang ang Php500 naman ay 6,250 go coins. Maaari kang makapag-cash in sa pinakamababang halaga na Php20. Mas marami ka pang pagpipilian dito na mga promo at tiyak na pasok ang mga ito sa iyong budget. Kung sakaling maburyong ka man sa paglalaro ng color game ay pwede mo ring subukan ang Big Win Club App. Maaari ka rin namanga maglaro ng Tongits, Pusoy, at Poker sa mismong  app ng Color Game Land.  Features Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng features ng isang laro upang patuloy na mag-enjoy ang mga manlalaro. Kapag hindi mo nagustuhan ang game features ay siguradong mawawalan ka na ng ganang maglaro, hindi ba? Pero ibahin mo ang color game na ito, kung ang mismong laro pa lamang ay nakakawili na, may mga karagdagan pa itong mas kapana-panabik pang tampok. Kailangan lamang na i-download ang app nito sa iyong android o iOS device. Maliban sa regular mode o Quick play mode nito ay may pa-Tournament Mode pa. Ito ay ang mas level-up na bersyon ng karaniwang laro. Kung gusto mong may mapatunayan, sumali ka dito. Kakalabanin mo ang ibang mga manlalaro upang maipakita ang iyong galing, may pagkakataon ka pang manalo ng bonggang mga premyo. May mga clubs din dito kung saan pwede kang sumali at makakilala ng ibang manlalaro. Pwede ka din namang gumawa ng sarili mong club para makapaglaro kasama ang mga kakilala.  Ito na ang pinakamagandang bahagi ng laro, hindi lamang sa mismong laro magagamit  ang iyong napanalunan at naipon na mga go coins at diamonds. Pwede mo rin itong ipagpalit sa mga sari-saring papremyo tulad ng home appliances at mga food items na nasa virtual mall ng laro. Maaari mo din itong gamitin na pang-load! Higit sa lahat, maaari mo itong ipagpalit sa totoong pera na maaring makuha gamit ang iyong Gcash o personal na bank account. Kinakailangan lamang na ikaw ay lehitimong miyembro ng isa sa mga club para magawa ito.  Konklusyon May mga larong ipinamana pa ng ating mga ninuno at maipapasa pa sa mga susunod na henerasyon. Nag-iba man ang panahon at malaki ang ipinagbago ng pamumuhay, nakakapaghatid pa din ang mga ito ng kasiyahan. Salamat na lang sa makabagong teknolohiya dahil may pagkakataon tayong…

5 Dragon Slot Machine Big Win: May Totoong Perang Papremyo!

5 Dragon Slot Machine Big Win: May Totoong Perang Papremyo!

Sa panahon ngayon maraming tao ang nahihilig sa online games. Dahil dito, naging sikat sa buong mundo ang 5 Dragon Slot Machine Big Win. Ano ito at paano ito laruin? Ano ang mga premyong makukuha dito? Ano ang 5 Dragon Slot Machine? Ang 5 Dragon Slot Machine Big Win ay isang laro online kung saan hindi na kailangan pang mag-download, mag-register at magdeposito ng pera para makapaglaro dahil libre ang maglaro ng instant play demo nito. Ito ay mayroong free spins, bonus rounds, wild, scatter symbols at kakayahan na makuha ang jackpot. Ito ay maaaring laruin gamit ang kompyuter, cellphone at tablet. Kung gagamit ng totoong pera sa paglalaro, isaisip lagi na piliin ang mapagkakatiwalaang laro online na may mga nakalakip na pa-bonus at malaking papremyo. Ang 5 Dragon Slot Machine ay may 5 rolyo, 3 mga hilera ng simbolo at 25 na paylines. May mga wilds spreader, autoplay at mga libreng spin din na kasama. Ang pinakamaliit na pusta ay 25 coins at ang pinakamataas ay 750. May “5 Reels + Extra” ding option at ang pinakamataas na pusta dito ay umaabot sa 900 coins. Ang 5 sa mga rolyo na nasa ilalim ay nagpapakita ng maraming simbolo na may istilong Asyano: mga isda, pagong, estatwa ng mga diyos, mga baraha at mga dragon na sumasabog sa bawat panalong kumbinasyon. Wild Symbol. Ang wild symbol ay inilalarawan ng isang berdeng dragon na lumalabas sa tatlong medium reels. Maaari nitong palitan ang lahat ng iba pang mga icon maliban sa mga nakakalat na bilog. Scatter symbol. Ito ay ang kulay dilaw na bilog na may mga Oriental hieroglyphs. Gumaganap ito bilang isang scatter na kung saan ay binabayaran nito pakaliwa at pakanan o sa anumang posisyon sa magkatabing reels.  Mga Patakaran at Pagbabayad ng Larong 5 Dragon Slot  Ang tatlo o mahigit pang scatter circles ay nakakapag-activate ng bonus feature sa 5 Dragon Slot Machine Big Win. Kapag ito ay activated, ang pangalawang screen ay magbibigay ng pagpipilian sa isa sa limang features: 5, 8, 15, 10 o 20 libreng spins na may kasamang wild cards. Ito ay may iba’t ibang multipliers kapag ipapalit sa prize combination. Sa free play bonus round na may 5 spins, ang wilds’ multipliers ang may pinakamataas (x10, x20, x30) na maibibigay na panalo. Sa bonus rounds naman na may 20 libreng spins, ang mga wild dragons ay pwedeng magdagdag sa premyo ng 2 hanggang 5 beses. Ang bonus round ay may pulang icon na pwedeng magdagdag ng taya hanggang 50 beses. Paano laruin ang 5 Dragon Slot? Mayroong ilang mga buttons sa laro na kailangan mong munang maunawaan ang gamit upang mapakinabangan ang mga ito at hindi ka mahirapan. Pindutin ang reels button ng ×25 o ×30 para pumili ng bilang ng mga reels na magpapadami ng iyong taya o pusta. Piliin ang halagang nais mong gastusin sa bawat reel. Ang halaga ay nag-iiba-iba mula sa minimum na $0.01 hanggang sa maximum na $2.00. Kung pipiliin ang ×25 unit na taya, ang kabuuang halaga na magagastos mo sa pagtaya ay $50, habang ang ×30 na pustahan ay may bayad na $60. Ang sinumang magaling na manlalaro ay alam ang pagkakaiba ng diskarte kung malaki at maliit na panalo ang habol mo. Kapag ayos ka na sa iyong napili, piliin lamang ang  ‘Play’ upang paikutin ang mga reels. Ang ‘Auto’ option sa taas ng play button ay bibigyan ka ng pagkakataon para pumili kung ilang re-spins ang gusto mo. Sa limang mga dragon, ang pinakamataas na numero ay 25. Kapag nakakuha ng panalong kumbinasyon, ang icon ng dragon ay magkakaroon ng apoy. Sa limang mga dragon, ang pinakamahalagang mga simbolo ay ang koi. Ang laro din ay may mga baraha na 9, 10, Jack, Queen, King at Ace.   Mga Bonus sa Laro Kung ang napili na pagkakaayos ng mga card ay tama, ang premyo ay madadagdagan ng 4x; Kapag tama naman ang kulay na napili, nagdodoble ang panalo. Kung mali ang pagkakahula, matatalo sa round na iyon. Gagamit nga ba ng Pera para sa Laro? Sinigurado ng gumawa ng laro na pwedeng manalo ng totoong pera sa 5 Dragon Slot Machine. Para sa mga bagong manlalaro, nahihikayat silang sumubok at mag-aral muna ng diskarte gamit ang demo game bago gumamit ng totoong na pera. Syempre, totoong pera rin ang makukuha na premyo kapag ang aktwal na pusta ay pera.  Mga Jackpot na Inaalok sa Libreng 5 Dragon Slot Machine Mayroong 243 na mga paraan upang manalo at nag-aalok ang 5 Dragons Slot Machine Big Win ng maraming mga jackpot at gayundin ng maliliit na panalo. Mga Panalong Kumbinasyon para sa Malalaking Panalo Pagkatapos pumili ng isang wild card mula sa limang pagpipilian, bawat isa ay may dragon na iba’t iba ang mga kulay. Hintayin na mapunta ang pulang pekete sa pagitan ng mga reels – mula isa hanggang 5, upang manalo ng extra bonus/free spins. Hanggang 50X bonus ang maaaring makamit. Ang mga dragon sa larong ito ay nagbibigay ng mahigit sa 15 na kumbinasyon at nagbibigay ng puntos sa bawat panalo.  Ano ang pinakamahusay na diskarte para sa paglalaro ng 5 Dragons slot? Ang pinakamahusay na diskarte ay matyagan ang balanse ng slot money at matiyak na makakapaglaro ka ng matagal upang masungkit ang bonus na magsisilbing daan sa malaking panalo o premyo. Mahalaga rin na magsimula sa libreng laro ng Dragons para magkaroon ng pagkakataon na magsanay bago sumubok sa tunay na pustahan.  Pangkalahatang Ideya ng Laro Ang limang reels ng larong ito ay napaka-convenient gamitin at napakadaling laruin na tumutulong na makasiguro ang bawat players ng pagkapanalo sa bawat level ng laro. Ang benepisyo ng 5 Dragon Slot Machine Big Win ay makakamit lamang sa bawat bonus game o level. Kapag ang 5 free slot ng Dragons games ay nag-load, ito ay maglalabas ng tatlong kaakit-akit na mga dragon at ang isa dito ay may hawak na malaking perlas. Ang slot game na ito ay nagtataglay ng kilala at sikat na gambling feature na nangyayari lamang tuwing mananalo at pipindutin ang…

Top 9 Alternatibo para sa Smash Colors 3D

Kung mahilig ka sa musika at larong nangangailangan ng matinding konsentrasyon, isa sa mga mobile color games na maaari mong i-download ay ang Smash Colors 3D. Ang Smash Colors 3D ay isang rhythmic game kung saan kailangan mong papuntahin ang iyong character sa bahagi na may mga kakulay ito habang may musikang tumutugtog sa background.  Sa Smash Colors 3D, ang tanging kailangan mong gawin ay i-hold ang avatar at i-drag papunta sa mga bahagi ng dinadaanan na kakulay nito at iwasan ang mga ibang kulay kung ayaw mong bumalik ulit sa umpisa. May ilang game features din ang laro na siguradong magugustuhan ng lahat. Game features  Marahil ang pinakamagandang feature ng Smash Colors 3D ay ang interface at controls nito na sobrang daling gamitin dahil wala ka nang ibang kailangan pindutin. Marami ka ring kantang pwedeng malaro dito gaya ng Coffin Dance, Dynamite, Faded, Señorita at 100 na iba pang pwede mong pagpilian.  Pagdating sa customization, pwedeng mamili ng theme para sa avatar katulad ng mga paboritong pop culture references na Super Mario, Pokeball, Iron Man, at Among Us. Marami ring challenges ang Smash Colors 3D na dapat mong matupad. Masasabing nakakaadik ang larong ito ngunit kung gusto mo ng isang alternatibo, narito ang mga maaari mong ipalit.  Drop Stack Ball: Fall Helix Blast Crash 3D May pagkakahawig sa disenyo at mithiin ang Drop Stack Ball: Fall Helix Blast Crash 3D sa Smash Colors 3D. Ang kaibahan lang, pababa ang bagsak ng bola sa larong Drop Stack Ball. Sa simula ng laro, kailangan ng manlalaro na pindutin at i-hold ang screen para mapababa ang bola nang hindi napupunta sa maling kulay.  Maaari kang tumalbog at bumangga sa helix platform para marating ang dulo ng round. Kung nais mo ng larong may seryosong hamon, maaari itong alternatibo sa Smash Colors 3D dahil mayroon itong 300 levels na pahirap nang pahirap. Ayon sa nakararami, mas maganda ang Drop Stack Ball kumpara sa Smash Colors 3D kung pag-uusapan ang disenyo at graphics.  Twist Hit  Kung ang nais mo namang laruin ay isang mobile game na nangangailangan ng timing, bilis ng kamay, at pasensya, Twist Hit ang larong para sa iyo. Ang Twist Hit ay isang arcade game kung saan kailangan mong mag-ipon ng “rings” upang mabuo ang isang puno. Layunin ng laro na maisalba mo ang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.  Ang isa sa mga dahilan kung bakit ito dinownload ng 10 milyong tao sa Google Play ay dahil sa kanyang simple pero nakakahumaling na gameplay. Kahit na nakakatuwang tingnan ang pagbuo sa mga puno, hindi dapat maliitin ang larong ito dahil mas nagiging matindi ang pagsubok sa pagbuo ng puno sa bawat level.  Helix Crush Kung nagustuhan mo ang Smash Colors 3D at Drop Stack Ball, marahil ay magugustuhan mo rin ang Helix Crush dahil para siyang kumbinasyon ng dalawang larong nabanggit. Ang Helix Crush ay isang arcade, music, at single player na laro kung saan isang daliri lang ang kailangan mong gamitin upang makapaglaro.  Magkaparehas lang ng mechanics and Helix Crush at Drop Stack Ball. Ang kinaibahan lang, may mga patibong kang kailangang iwasan sa Helix Crush at hindi kulay. Kadalasan, may fruit skin ang helix tower sa Helix Crush na pwede mong mabili. Habang ikaw ay naglalaro, may nakakaaliw na background music na tumutugtog upang mas ganahan ka.  Helix Jump Helix Jump ang pangatlong arcade game sa listahang ito na kailangan mong makarating sa baba ng helix tower at umiwas sa mga patibong o ibang kulay. Marahil, nagtataka ka kung ano ang kaibahan ng larong ito sa dalawang nabanggit kanina. Helix Jump ang pinakaunang laro na may ganitong konsepto. Unang nilabas ang Helix Jump noong Pebrero 2018.  Ang kaibahan ng Helix Jump sa dalawang laro na nabanggit kanina ay ang controls nito. Sa dalawang larong nabanggit, kinokontrol mo ang bola. Pero sa Helix Jump, kailangan mong kontrolin ang mismong helix tower upang makapunta ang bola sa pinakababa sa pamamagitan ng pag-swipe sa kaliwa o kanan.  Paint Pop 3D  Ang Paint Pop 3D ay isang arcade game na gawa ng Good Job Games at sa kasalukuyan, mayroon itong 50 milyong downloads. Madali lang laruin ang Paint Pop 3D dahil kailangan mo lang i-tap ang screen upang gumana ito at umusad sa laro. Kailangan ng manlalaro na mapinturahan ang puting bilog na umiikot at iwasan ang itim na harang para makatawid sa susunod na level.  Ang kagandahan sa Paint Pop 3D bukod sa sobrang dali ng mechanics ay ang 1,000 levels na pwede mong malaro at mga avatar na pwede mong mabili. Bawat avatar ay may kakaibang abilidad na makakatulong sa iyo sa laro. Habang pataas nang pataas ang level mas lalong bumibilis at dumarami ang itim na harang kaya dapat makabili ka ng mga avatar na mabilis magbuga ng pintura.  Hop Ball 3D: Dancing Ball on Music Tiles Road Gaya ng Smash Colors 3D, isang arcade at music game ang Hop Ball 3D: Dancing Ball on Music Tiles Road. Sa katunayan, may pagkakahawig sila dahil sumasabay rin sa ritmo ng musika ang bola sa tuwing tina-tap mo ito papunta sa target na direksyon. At gaya ng Smash Colors 3D, marami ka ring tugtog na pwedeng pamilian habang nilalaro ang Hop Ball.  Sa larong ito, kailangan mong patalbugin ang bola mula sa isang tile papunta sa kabila hanggang sa matapos ang level o malalaglag ka kung naglalaro ka sa endless mode. Kung may mga kanta ka sa mobile phone mo na nasa mp3, maaari mong i-upload sa larong ito at gawing background music para sabayan ng bola.  Stack Ball: Blast through Platforms Nagtatampok ang laro ng 3D graphics at umiikot sa isang bola na kailangan mong kontrolin at maabot ang ibaba ng isang helix tower. Sa Stack Ball, kailangan mong basagin at mapatalbog ang bola sa umiikot na helix platform upang umabot ang bola hanggang sa dulo ngunit matatapos ang laro kung mababangga ka sa itim na bahagi ng helix platform. Kapag nakabasag ka ng sapat na bahagi ng helix platform, mag-aapoy ang bola at maaari mo na…

Tips, Pandaraya at Estratehiya sa Paglalaro ng Color Bump 3D

Tips, Pandaraya at Estratehiya sa Paglalaro ng Color Bump 3D

Ano ang Color Bump 3D? Sa unang tingin, ang Color Bump 3D ay isa lamang simpleng arcade game para sa mga mobile devices. Ang layunin ng pinakabagong larong ito ng Good Job Games para sa mga tagasubaybay nito ay ang makalagpas sa iba’t ibang ‘obstacles’ nang walang tinatamaan na anumang bagay lalo’t hindi ito kapareho ng kulay ng gamit na bola. Parang madali lang naman ng mechanics, ano? Subalit, kapag nasubukan na ang aktwal na laro, mapapaniniwala kang imposibleng ma-master ito. Ang Color Bump 3D ay hindi basta-basta natatapos kaagad sapagkat kailangan mong malagpasan ang mahigit na 100 levels nito. Magsisimula kang maglaro sa mahirap na level at mas hihirap pa ito habang tumatagal sa laro. Ang Color Bump 3D ang muling susubok sa iyo kung sa tingin mo ay na-master mo na ang lahat ng arcade games. Habang mas tumatagal sa laro, ganun din ang dami ng obstacles na kailangan mong lampasan. Tila imposible itong matapos ng hindi mo tinatamaan ang ibang kulay. Kaya dapat na basahing mabuti ang mga nakalagay dito kung nais mong makatapos ng mas marami pang level. Bibigyan ka namin ng tips, pandaraya at iba’t ibang estratehiya sa paglalaro ng Color Bump 3D. Mga Tip, Pandaraya at Estratehiya sa paglalaro ng Color Bump 3D Gamitin Ang Mga Puting Obstacle Ang iyong gamit na puting bola sa laro ay ang nag-iisang bagay na hindi mo maaaring ibangga  sa makulay na obstacle. Mapapansin mo na ang lahat ng level sa laro ay mayroong nakakalat na white obstacle. Kailangan mong isipin kung paano mo gagamitin ang mga puting obstacle na ito para mas mapabuti ang lagay mo sa laro. Ang bawat obstacle ay nauuri sa iba’t ibang hugis at laki. Maaari mong gamitin ang white obstacle upang itulak ang mga makukulay na obstacle o gamitin itong pananggalang habang nagpapatuloy sa iyong laro. Siguraduhing Hindi Hihinto Sa Gitna Ng Laro Habang itinutulak mo ang mga makukulay na obstacle gamit ang puting obstacle asahan mo  nang magpapatuloy sa paggalaw ang iba pang bagay. Ito ay isa sa mga pangkaraniwang pagkakamali ng mga baguhang manlalaro kaya naman sila ay nananatili sa likod ng mga obstacle. Ang dapat mong gawin ay mag-antay hanggang sa ang mga makulay na obstacle ay mawala o kaya ay gamitin ang mga puting obstacle upang patuloy na itulak ang mga ito. Dahil kung hindi, siguradong babangga ka at babalik sa umpisa ng kasalukuyang level. Piliin Mo Ang Malalaking Obstacle Sa kabuuan ng Color Bump 3D (color game) ay marami kang makikitang maliliit na obstacle na nakakalat sa iba’t ibang level. Nakakatuwang tingnan ang mga ito na naglalaho sa tuwing matagumpay itong naitutulak ng bola, ngunit hindi ito nakakatulong sa pagtulak ng mga makukulay na bagay. Kaya mas mainam na piliin mo ang malalaking obstacle kagaya ng ‘long bars’ upang mapalawak ang dadaan ng iyong bola. Piliin mo ang pinakamalaking obstacle at hayaan itong umangat pataas para maalis ang mas marami pang obstacles. Pagkatapos nito ay magagamit mo na ang maliliit na puting obstacle upang alisin ang mga natitira pang mga hadlang bago matapos ang level. Bilang karagdagan, dapat mo ring suriin kung paano kumilos ang mga obstacle. Ang maliliit na bagay ay mas madaling pagalawin kaysa sa malalaki. Kailangan mong maging alisto sa pagharap sa malalaking obstacle dahil maaari ito magiging sanhi ng iyong pagkatalo. Posible ring magkamaling maitulak ang mga ito sa maling direksyon. Nakakapanghinayang kapag ganito ang kinahinatnan ng laro. Hanapin Ang Tamang Spot Lagi mong iisipin na maaari kang gumalaw sa iba’t ibang direksyon. Pwede mong igalaw ang bola patungo sa taas, pababa, pakaliwa at pakanan. Huwag mong limitahan ang iyong sarili sa paggalaw ng bola sa screen. Isang mabisang paraan upang makakuha ka ng oras at mawala ang ibang obstacle ay ang magsimula sa tuktok ng iyong screen. Habang ginagawa mo ito ay makikita mo kung anong dapat mong gawin upang maalis ang mga ‘tricky obstacles’ na nagkapatung-patong. Alamin Kung Kailan Dapat Bumitaw Kung minsan ang pagtulak sa mga obstacle ay hindi sapat upang malampasan ang isang level. Dapat mong suriin kung ano ang layout ng buong level upang makita mo ang pinakaepektibong paraan upang matapos ito. May mga pagkakataon kung saan kailangan mong bitawan ang screen at hayaang gumulong nang tuwid ang bola. Sa totoo lang, maraming pagkakataon na kailangan mo itong gawin dahil maaari kang malagay sa alanganin kapag biglang lumihis ang gulong ng bola. Subukan mo munang pagplanuhan ang susunod mong gagawin bago pumindot sa screen. Ang pagmamadali at hindi pag-iingat sa laro ay maaari mong ikatalo.   Mahalaga ang hugis ng bawat obstacle  Mahalagang tantyahin ang sukat ng mga puting obstacle sa larong ito, ngunit mahalaga ring suriin ang hugis ng bagay na iyong itinutulak. Ang hugis ng mga obstacle sa laro ang magsasabi kung paano sila gumalaw kapag naitulak. Kapag itinulak mo ang isang bagay na parang domino, ito ay matutumba sa halip na maitulak. Maaaring hindi ka na makalabas o makagalaw kung hindi magiging maingat. Ang mga hugis bolang obstacle naman ay gumagalaw papunta kung saan-saan. Kapag gumalaw ka ng higit sa nararapat, maaaring gumulong ang mga ito papunta sa mga lokasyon kung saan hindi naman nararapat. Subukang alamin kung saan papunta ang mga obstacle bago mo itulak upang magawa mo ang tamang diskarte sa bawat level. Kakailanganin Mo Ng Lakas Gaya ng nabanggit, kumikilos ang bawat hugis sa iba’t ibang paraan. Ang lakas ng impact ng pagtama mo sa bawat obstacle ay isa rin sa dapat obserbahan. Kung kailangan mo pa ng lakas sa pagpapalipad sa mga obstacle, ang kailangan mo lang ay isang mabilis na pag-swipe sa likod ng iyong bola. Maging maingat lamang sa paggawa nito dahil maaari rin itong makaapekto sa ibang obstacles. Maaari itong magdulot ng mas magulong obstacle. Paano Magpapatuloy Sa Pagtakbo Ang Iyong Bola May mga pagkakataon na nasa dulo ka na ng laro nang bigla kang nagkamali ng galaw at natalo ka dahil dito. Kung mangyayari ito, papipiliin ka ng laro kung gugustuhin mong magpatuloy kung saan ka man natalo at nahinto sa pamamagitan ng panonood ng patalastas. Syempre,…

Color Fill 3D: Isang Makulay na Laro

Color Fill 3D: Isang Makulay na Laro

Ang Color Fill 3D ay isang makulay at nakakatuwang laro na nangangailangan ng skills at pagiging alisto. Ito ay mayroong kapanapanabik na mga levels na talagang  susubok sa iyong kaalaman sa estratehiya at paglutas ng puzzle games. Kung ikaw ay isang tagahanga ng mga larong puzzles na kagaya nito at naghahanap ng matitinding hamon sa laro, subukan na ito at tingnan kung maaari mong punan ang bawat huling squares ng kulay. Simpleng pag-swipe lamang ng iyong daliri sa anumang direksyon ang kailangang gawin upang makontrol ang isang cube na gumagalaw sa buong screen at kulay sa lahat ng mga squares upang talunin ang mga levels. Kung ikaw ay nakalikha ng saradong hugis, lahat ng mga squares sa loob ay awtomatikong mapupuno ng kulay. Ngunit mas magiging mahirap ang mga susunod na levels ng laro tuwing mananalo ka rito. Mas dadami rin ang mga mapaghamong hadlang na lilitaw. Sa iyong dadaanan, kakailanganin mong harapin ang mga bloke na gumagalaw sa screen, ang mga squares na nakulayan na, at ang lahat ng uri ng iba pang mga hadlang habang sinusubukan mong makumpleto ang bawat level. Kung ikaw ay isang tagahanga ng mga larong nangangailangan ng skills at naghahanap ka rin ng isang bagong hamon, subukan na ang larong ito at i-enjoy ang karanasan mo dito. Bukod sa nakakaaliw, mapapanatili kang nakatitig sa iyong screen nang ilang oras habang sinusubukan mong mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang at higit sa lahat, ang mapintahan ang bawat huling square sa grid ng laro. Gabay sa mga Baguhan sa Laro Ang layunin sa larong ito ay mapunan ang isang serye ng mga grid ng iyong kulay. Naglalaro ka bilang isang may kulay na square at maaaring mag-swipe sa anumang direksyon upang ilipat ito sa buong grid. Anumang piraso ng grid na napagdugtong  mo ay awtomatikong magbabago ayon sa iyong kulay. Kapag nakabuo ng outline ng isang hugis, ang lahat ng mga piraso ng grid ay susunod sa gamit mong kulay. Iyon ang pinakamabilis na paraan upang makumpleto ang isang level sa larong ito. Gayunpaman, hindi ito laging posible, dahil maraming iba’t ibang mga hadlang na maaaring makapigil sa iyong pamamaraan sa laro. Karaniwan, nagmumula ang mga ito sa anyo ng iba pang may mga kulay na squares. Kapag nabangga ka sa mga ito, ikaw ay matatalo at magsisimulang muli sa serye ng mga levels. Ngunit, maaari mo ring labanan ang mga hadlang na ito. Kung makakagawa ka ng isang seksyon ng iyong kulay, at sila ay madikit dito, tapos na agad ang laro at ikaw ang panalo. Kaya sa mga levels kung saan mayroong mga hadlang na haharapin, inirerekomenda na ilabas muna ang mga ito bago pa man isipin ang tungkol sa pagkulay sa buong grid. Lumikha lamang ng mga seksyon ng iyong kulay sa kanilang dadaan dahil sa tuwing lumalayo ang mga ito, sila ay masisira at mawawala. Kung maaari mong mapalibutan ang mga ito ng iyong kulay, gawin din ito. Isa itong mabilis na paraan para makaungos sa laro ngunit kailangan ng ekstrang ingat dahil maaring mapahamak kapag nagkamali ng galaw. Ang mga Tips at Tricks sa Laro Ngayon na naiintindihan na ang mga pangunahing kaalaman sa Color Fill 3D (color game), tingnan natin ang ilang mas tukoy na mga pamamaraan upang magtagumpay sa laro. Maaari mong baguhin ang direksyon anumang sandali Sa tuwing magsu-swipe ka, lilipat ka sa direksyong iyon. Gumagana ito kahit na lumilipat ka na sa isang tiyak na direksyon, pinapayagan kang iwasto ang mga pagkakamali nang mabilis. Kapaki-pakinabang din ito kapag sinusubukan mong maiwasan ang iba pang mga may kulay na hugis. Kung sakaling magkapag-outline ng isang hugis, awtomatiko itong mapupunan ng iyong kulay Ito ang pinakamabilis na paraan upang makumpleto ang karamihan ng mga level sa larong ito. Kung susundin mo ang labas ng arena hanggang sa punto kung saan ka nagsimula, awtomatikong pupunan ng arena ang iyong kulay. Palibutan ang iba pang mga may kulay na hugis upang sirain ang mga ito Kung mahahanap mo ang iba pang may kulay na mga hugis, siguraduhin na mag-ingat. Ang pagdikit sa mga ito anumang oras ay magtatapos bilang game over. Kung mapapalibutan ang mga ibang kulay na hugis, gawin ito agad sapagkat ito ang sisira ng diskarte mo. Kung hindi posible ang naunang paraan, lumikha ng isang pader upang masira ang mga ito Kung hindi mo mapapalibutan ang ibang mga kulay na hugis, lumikha ng isang pader at hayaan ang iyong mga kulay na hugis ang bumasag dito. Aalisin nito ang mga ibang kulay na hugis sa equation ng laro, at iiwan ka na ligtas na makulayan ang kabuuan ng isang level. Gamitin ang mga gems para sa mga bagong kulay:  Paminsan-minsan ay makakakita ka ng mga gems habang naglalaro ka dito. Kung hahawakan mo ang mga ito, makokolekta at mapapasaiyo ang gems. Ang mga gems na ito ay maaari mong gamitin upang makakuha ka ng mga bagong kulay. Mapapanatili nitong maganda pa rin ang laro sa paningin kahit na matagal ka nang naglalaro. Konklusyon Ang larong Color Fill 3D ay maihahalintulad din sa Big Win Club apk na may maraming mga hadlang at challenges sa laro. Subalit, ang mga ito ay tiyak na nakakatuwa at siguradong hahasa sa iyong skills. May mga laro ding may mga kapanapanabik na levels.  Bukod sa pagiging kamangha-manghang at kagiliw-giliw na larong puzzle, mayroon din itong napakasimpleng mechanics kung saan ay madali mong maintindihan at makuha ang proseso at daloy ng laro. Ito ay isang natatanging katangian ng laro kung saan kailangan mong subukang gawin ang lahat ng posibleng paraan upang iyong mapunan ang mga walang lamang kahon sa grid na makikita sa harap ng iyong screen. Ang larong ito ay simple lang ang dating na parang madali lang ipanalo ang bawat levels. Dito na papasok ang pagiging exciting na laro dahil ito ay talagang susubok sa iyong kasanayan at kaalaman sa paglutas ng mga puzzle na may dalang mga iba’t ibang pagsubok. Daanan ang mga kapanapanabik na levels ng laro, habang tinatangkilik at na-eenjoy ang buong proseso nito.

May Panalo ba sa Free Slots Big Win Casino?

May Panalo ba sa Free Slots Big Win Casino?

Mas Malawak na Kaalaman sa Free Slots Big Win Casino Iba’t ibang opinyon ng mga tao tungkol sa online slot games ang mababasa sa internet tungkol sa kakayahan ng mga slots na makapagpabago ng buhay. Ang slot games sites ba tulad ng Free Slots Big Win Casino ay kayang makapagbigay ng panalo o hindi? Batid nating lahat na ang slot games ay isa sa mga pinakapaboritong laro mapa-online man ito o maging sa mga land-based casino kaya ito sikat. Ang nakakapagtaka, ay kung bakit ang mga online casino sites na ito ay hindi nagpapakita ng mga taong nanalo sa paglalaro ng site nila. Nakakaligtaan lang ba nilang gamitin ito bilang promosyon sa kanilang site? Kung hindi ka pa naka-follow sa mga online slot YouTubers at iba pang mga influencer na may kinalaman sa sugal, hindi ka magkakaroon ng balita tungkol sa mga nananalo sa slots. Magkahalo at kumplikado ang mga dahilan kung bakit hindi binabalita ang mga nananalo kada linggo. Ang multi-billion dollar na industriya ng online gambling ay may itinatayang kikita ng mahigit sa $45 bilyon noong 2017. Taun-taon, patuloy pang tumataas ito. Ayon sa ilang pagtataya, mayroon nang mahigit 2,000 ang mga legal na online casino at may posibilidad na may mga nakakalusot pa ring hindi legal. Maaaring manalo ang mga tao sa paglalaro ng slots. Sa kabila ng magnitude ng online gaming sector, may mga maaasahang statistics na maaaring ikonsidera bago subukan ang paglalaro ng slots. Mga Impormasyon Tungkol sa Paglalaro ng Online Slots *Ang Legalidad ng Online Gambling ay Hindi Pare-pareho sa Bawat Lugar Ang mga online casino ay pinapatakbo sa iba’t ibang lugar at bawat lokasyon ay may kani-kanyang paghihigpit na ipinapatupad sa kanilang nasasakupan, lalo na ang tungkol sa kung sino ang mga maaaring maglaro nito. Isang magandang halimbawa ay ang United States, ang regulasyon nila tungkol sa gambling sites ay medyo kumplikado at teknikal. Sa kabutihang-palad, base sa kasalukuyang mga batas, ang mga players ay hindi pinapanagot sa kanilang paglalaro. Karaniwan na hinuhuli ng mga awtoridad ang mga nagpapatakbo ng mga hinihinalang illegal na pasugalan. At ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sinisikap ng mga may-ari ng mga online casinos na hindi mag-ingay tungkol sa mga panalo sa online sites nila. Ginagamit din na taktika ang paglalagay ng free online sites katulad ng Free Slots Big Win Casino upang magdulot ng kalituhan kung sila ba talaga ay nagpapatakbo ng pasugalan o free games lang ang alok nila. *Karamihan ng mga Amerikano ay Hindi Mahilig sa Online Gambling Hindi madaling hanapin ang mga datos para sa usaping ito. Noong Hunyo 2016, inilabas ng Gallup ang resulta ng isang survey tungkol sa mga pananaw ng mga Amerikano hinggil sa gambling. Ayon sa pag-aaral na isang dekada na ang nakakaraan, 3% ng mga nakiisa ay sumagot na sila ay sumubok na ng online gambling, tumaas ito mula sa dating 1% sa nakaraang survey. Sa kabila nito, humigit-kumulang kalahati ng mga Amerikano ang naglalaro ng state lotteries, ayon sa parehong poll. Mas marami ang pumipili sa state lottery na website kaysa sa maglaro sa mga online casino. Base sa limitadong porsyento ng mga manlalaro na umaming nagsugal, pinatotohanan nito na kaunti lang ang naglalaro at nananalo sa mga slot machines. Ang mga state-sanctioned casinos lang ang ang malimit na naglalabas ng mga Amerikanong nagwagi. *Kikita nga ba sa Slots? Ang mga eksperto sa larangan ng gambling ay magsasabi na ang slots ay kabilang sa mga larong may pinakamalit na tyansang makakuha ng magandang premyo para sa mga maglalaro nito. Walang kumpanyang magpapatakbo ng isang laro na wala silang kikitain. Ang pagtataya sa halaga ng kinikita ng mga nagpapalakad nito ay pinagdedebatehan pa hanggang sa kasalukuyan. Dagdag-pahirap pa na ang ilang mga online casinos ay may mga illegal na kopya na ginamitan ng nakaw na software. Kahit pa ang mga US-friendly casinos na nagsasabing patas ang kanilang laro, kung slot machines pa rin ito, asahan ang unti-unting pagkasaid ng puhunan kahit pa may kasamang manaka-nakang panalo na pampalubag-loob. *Kahalagahan ng Uri ng Laro Malaki ang ginagampanang papel ng volatility sa paglalaro ng Free Slots Big Win Casino. Marami sa mga slot machines ang mas mataas ang antas ng volatility kumpara sa iba. Nakakapagbigay ito ng mas malalaking premyo ngunit mas may katagalan makuha ang jackpot. Hindi man batid ng marami, ang napapanalunan sa slot machine ay nanggagaling din sa mga tinataya ng mga  naglalaro nito. Ang intensyon ng mga casino ay lumabas mula sa teoretikal na  Return to Player (RTP) kahit pa ang nilalaro ay independent slot machine game o progressive game na nakadepende sa mga iba pang naglalaro. Ang teoretikal RTP ay magiging 90% kapag ang kinakailangang kita ay 10%. Kung titingnan ay malaki ito subalit nangangahulugan lamang na ang pangkalahatang balanse ng laro ay bumababa ng 10% sa pagdaan ng panahon. May katotohanan ito kahit na nagbibigay ang machine ng jackpot sapagkat ito ay bahagi ng 90% na RTP. Sa kahit anong uri ng sugal, kapag malaki ang premyo, mas malaki din ang masasakop ng distribusyon ng pera. Sa madaling sabi, mas malaki ang panalo, mas kakaunti ang maaaring makakuha nito. Ang mga slots ay nakaprograma kung saan ang taya at panalo ay nakabalanse. Ito ay upang masiguro na may sapat na pananalapi para sa pagpapatakbo ng laro. Ang actual house edge ay magiging mas malaki kaysa dati kung lahat ng tataya ay nakapokus lang sa iisang numero dahil ang tinatayang house edge sa isang numero ay mas malaki na o kapantay ng mga taya. Mas kaunti sa mga player ang maaaring manalo sa pagtaya sa isang numero ngunit mas malaki ang maiuuwing panalo sa kabuuan. *May Mas Maliit na Tyansa sa Malaking Premyo ang Aksidenteng Paglalaro Ayon sa isa pang survey ng Gallup, ang mga Amerikanong nasa middle class ay may mas malaking tyansang magsugal kumpara sa mga pinakamahihirap o pinakamayayamang pamilya. Sa resulta ng poll na ito, sinasabing ang mga hindi nakapag-aral o may mataas na pinag-aralan ay mas nag-aalangang sumubok magsugal kumpara sa mga taong may college degree o teknikal…

Ang Pinagkakaguluhang Online Slot Machine Center Big Win 333!

Ang Pinagkakaguluhang Online Slot Machine Center Big Win 333!

Mga Kaalaman Tungkol sa Big Win 333 Ang Big Win 333 ay mistulang tahanan ng slot machine games at iba pang mga laro online. Slot machine games ang isa sa mga pinakapopular at paboritong laruin ng mga gamblers sa buong mundo. Ito din ang nagsilbing inspirasyon para sa mga gumagawa ng ganitong mga laro upang lumikha ng mga online slot machine center games. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang slot games na malalaro anumang oras gustuhin ay isang napakagandang pagbabago sa mundo ng online casino. Magagawang mag-enjoy ng mga manlalaro habang nakakakilala din ng mas marami at iba-ibang tao sa malalayong lugar sa pamamagitan ng pagsali sa mga table matches. Pagdating naman sa interface, hindi pahuhuli ang Big Win 333. Ito ay ginawang mas simple at madaling gamitin upang hindi mahirapan ang mga maglalaro at makapagsimula kaagad. Naglagay din sa loob ng app ng mga tutorials na madaling sundan para sa mga mahihirapang gamitin ito. Sa pinagsama-samang mga features nito tulad ng mataas na kalidad ng graphics, maayos na sistema ng programa, at kumpletong pagpipilian ng mga laro, siguradong mag-eenjoy ang mga maglalaro ng app na ito. Sulit Bang Laruin ang Big Win 333? Dahil ang slots ay paborito ng nakararami, marami rin ang mga nagsusulputang online casinos na nag-aalok nito sa internet. At dahil dito, mas lalong pinapaganda ng mga gumagawa nito ang mga binibigay na bonus, papremyo at maging ang mga libreng spins. Nagiging mahigpit ang kumpetisyon kaya pinipilit nilang mangibabaw at makaungos sa mga kalaban. Marami ang pagpipiliang laro sa Big Win 333 online slot machine center. Bukod sa paboritong slots, marami pang ibang options dito gaya ng mga game cards at color games. May mga random table din para hindi mainip sa paghihintay na mabakante ang slots at makapaglaro kaagad. Kailangan lang ng smartphone o tablet kung saan gagamitin ang app. Hindi nagkakaiba ang kalidad ng laro kahit pa ang gagamitin ay Android o iOs devices. Sa koneksyon ng internet nakasalalay ang daloy ng laro, depende sa bilis at bandwidth. Ang Big Win 333 ay gumagamit ng totoong pera sa pagtaya. Kaya laruin lamang ito kung buo ang loob mong sumugal. Ang paglalaro nito ay nakakalibang at nakakapagbigay sigla ngunit hindi para sa may mahihinang loob. Paggawa ng Account sa Big Win 333 Ang Play Store o App Store ay walang Big Win 333. Hahanapin muna ito sa Google para ma-download at mai-install ito. Kapag nahanap na ang link para rito ay i-click para makita ang file ng APKPure. Kapag lumabas na ang file na ito, i-click at i-download para magamit sa susunod na hakbang. Pagkatapos ma-download, i-click ang file at i-install na ito. Ganun lang kadali! Makakagawa ka na ng account sa Big Win 333. I-click ang avatar para makapagsimula sa paggawa ng account. Mag-register at i-fill up ang mga kailangang impormasyon, username at password. Kailangang i-type muli ang nilagay na password para makasigurado na tama ang pagbaybay nito. Kapag nakapag-register na, makakatanggap ng 500 chips sa loob ng account para magamit sa simula ng paglalaro. Ang susunod na kailangang gawin ay ang pag-activate ng account. Kailangang magdeposito ng pera sa account mo upang ma-activate ito. Upang ma-activate ang account, hanapin ang “buy chips” button. I-click ito at may lalabas sa screen na pagpipilian. Sa mga pagpipiliang ito, piliin ang “buy now”. May opsyon na nasa tabi nito para sa “tutorial”, kung nahihirapang makasunod ay maaari itong i-click. Kapag napindot na ang “buy now”, ang mga pagpipiliang account naman ang lalabas kung saan maaaring i-deposit ang pera sa pamamagitan ng Gcash. Kopyahin ang mobile o account number para sa pagbabayad sa Gcash, PayMaya o GrabPay. Paggamit ng Gcash sa Pagdeposito ng Pera para sa Big Win 333 Account Simple lang ang paraan ng pagdedeposito sa account na gagamitin sa Big Win 333 via Gcash. Pumunta lang sa Gcash account mo, i-click ang send money sa mga pagpipilian, pagkatapos ay ang express send option. Kasunod nito ay i-type ang itinabing numerong kinopya sa loob ng Big Win 333 app. Siguraduhing tama ang numero para makarating ang idineposito sa app. Ngayon ay ilagay ang halaga na gustong ideposito at i-click ang confirm. Magtabi ng screenshot ng transaksyon upang may katunayan sakaling magkaroon man ng anumang problema. Mag-log in sa iyong account para masigurong pumasok na sa account mo ang idinepositong pera. Hanapin lang ang “free chips” na at i-click ang “receive para ma-claim ito. Kumpleto na! Maaari nang makapaglaro. Pagwi-withdraw sa Gcash ng Napanalunan sa Big Win 333 Pinakaaasam ng mga naglalaro ang oras para magkapag-withdraw. Para masimulan ang pagwi-withdraw, hanapin at i-click ang baul na kumikinang. Makikita sa screen ang mga halaga na maaaring pagpilian para naka-withdraw. Piliin ang halagang kukunin at i-click ang nasa tabing pindutan na “confirm”. May lalabas na tanong para sa kumpirmasyon. Ilagay ang Gcash number mo at i-click ang confirm. Siguraduhing tama ang numerong nailagay. Balikan ang Gcash para antayin kung pumasok ang halagang na-withdraw. Minsan ay medyo matagal mag-update, hintayin lamang ito. Mga VIP Programs, Perks at 24/7 Support ng Big Win 333 Maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 customer support ng Big Win 333 sa live chat o pagtawag sa telepono kung magkaroon ng aberya sa paggamit ng app. Maraming benepisyo at programang ibinibigay para sa mga VIPs. Ilan sa mga ito ay ang mas mabilis na pagwi-withdraw, mas maraming bonus, at iba pang personal na offer na eksklusibo sa mga VIPs. Gayunpaman, pinapahalagahan din ng Big Win 333 ang lahat ng mga naglalaro dito, hindi lang ang mga VIP. May nakalaang mga espesyal na offer din para sa mga bago at dati nang naglalaro ng app. Sa pamamagitan ng mga ganitong offer ay mas gaganahan ang mga players at magpapabalik-balik sa paglalaro nito. Konklusyon Isa sa mga hinahanap na feature ng mga naglalaro sa online slot machine centers ay ang option na tumaya ng totoong pera. Hindi sila nagtatagal maglaro kung wala ito. Ang oportunidad na manalo ay lalong nakakapagpasigla sa paglalaro. Isa pa sa pangunahing dahilan kaya tinatangkilik ang isang online slot machine center ay ang maraming pagpipiliang laro…

TOP TEN NEO GEO POCKET COLOR

TOP TEN NEO GEO POCKET COLOR

Mga batang 90’s, naaalala ninyo pa ba ang laro na patok na patok noon gamit ang Gameboy at ang Neo Geo Pocket Color? Halina’t balikan natin ang mga laro na meron ito. Isa sa mga sumikat ng todo noong kapanahunan ng Gameboy ay ang Neo Geo Pocket Color na may iba’t ibang laro.  Ano ang Neo Geo Pocket Color? Ang Neo Geo Pocket Color ay isang 16-bit game na sumikat sa mga handheld video game console na ginawa ng SNK. Ito ay ang version 2 ng Neo Geo Pocket handheld na lumabas noong taong 1998 sa Japan. Ang console na ito ay ipinakilala noong Marso 16,1999 ngunit sa pagkakataong ito ay sa North America na unang inilabas ang laro. Noong Oktubre 1,1999, inilabas naman ito sa Europa at tinalo nito ang Nintendo. Ang Neo Geo Pocket Color ay may dalawang buttons sa kanang bahagi ng system at eight-direction microswitched digital D-pad naman sa kaliwa. Ang disenyo nito ay kapareho ng Game Gear na pahalang ang controls at kabaligtaran naman ng Gameboy na patayo. Ito ay ang upgraded version ng Neo Geo Pocket at ang screen nito sa gitna ay colored na kumpara sa old version na black and white pa. Ang console na ito ay walang black-lit screen at maaari lamang laruin sa maliwanag na lugar. Ang baterya nito ay gumagamit ng CR2032 battery na nagpapanatili ng backup memory at oras. Clash ng CardFighter, pantabla ng SNK laban sa Capcom Hindi man nagtagumpay ang pinagsamang card game na Capcom at SNK characters, nakamit naman nito ang titulo ng pinakamatagal na laro sa Gameboy. Ang Cardfighter series na ito ay hybrid ng sikat na sikat ngayon na Yu-Gi-Oh at Pokemon Games na makikita sa Nintendo handheld range. Sa oras na makasanayan mo ang larong ito, masasabi mong ito ang pinakamadali at pinakapaborito mong Neo Geo Pocket color game. Ito ay ni-release noong 1999.  Ang Puzzle Bubble Mini Ang isang klasikong laro ng palaisipan ay dapat nasa anumang portable platform. Sinigurado ng Neo Geo Pocket na magkaroon nito. Habang ang bersyon ng Neo ng Puyo Pop ay mahusay at tiyak na sulit bilhin, kung pipili lamang ng isang laro ng palaisipan, ang Puzzle Bubble Mini ay sobrang panalo. Andito na lahat ng larong puzzle na gusto mo. Ang mga graphics ay magaganda at malinaw. Ang mga character ng laro ay nagbibigay ng isang napakalaking hamon (lalo na sa mga huling level), at ang gameplay ay may mabangis na quality na siguradong kagigiliwan. Talagang kamangha-manghang ang larong ito. Ni-release ito noong 1999. SNK vs. Capcom: Millennium Match  Magagaling ang mga maliliit na fighters ng SNK sa Gameboy ngunit kaunti lamang ang nakakatapat sa galing ng Match of the Millenium. Ang Match of the Millenium na isa sa Neo Geo Pocket Color game ay may malawak na pagpipilian ng mga fighters at may abilidad ito o kakayanan na pagdugtungin ang original karakter ng CardFighter’s game at Sega’s Dreamcast. Ni-release ito noong taong 1999. Ang Neo Turf Masters Ang larong ito ay isa sa pinakamahalagang nabili ng Neo Geo AES. Ito ay downgraded version ng classic arcade game at madali itong i-access dahil sa napakaelegante nitong control system at magandang presentation. Ni-release ito noong taong 1999. Ang Metal Slug 1st Mission Ang nakatakdang pangalan sana ng larong ito ay 2nd mission. Nakapagtala ng popularidad ang Metal Slug game at talagang tumatak sa puso ng mga manlalaro. Ang bawat players ay pabalik-balik sa game dahil sa pagiging perpekto nito. Nakaka-challenge ang mga misyon dito at ang animation nito ay talagang kamangha-mangha pati na rin ang sound effects. Ni-release ito noong taong 1999. Sonic The Hedgehog: Pocket Adventure  May matibay na relasyon ang Sonic The Hedgehog sa SNK, ngunit ang mascot na si Sonic ay nakitang lumabas sa kalabang handheld device. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang sa pagtangkilik ng mga manlalaro sa larong ito. Ito ay may multiplayer mode at ang Sonic Pocket Adventure edition nito ay napakaperpekto para sa kahit sinuman na manlalaro. Ni-release ito noong taong 1999. Faselei! Ang Faselei ay isa sa pinakamahalagang laro ng Neo Geo Pocket, dahil sa desisyon ng SNK na mag-pull out sa US bago ito mailunsad. Ang larong ito ay naging sikat sa UK at talagang tumaas ang demand sa Faselei! Kaya ito ay napabilang sa top ten ng Neo Geo Pocket Color. Ang larong ito ay nangangailangan ng matinik na estratehiya at talagang karapat-dapat sa mataas na presyo nito. Ni-release ito noong 1999. Neo Poke-Kun Ganbare Ang larong ito ay upgraded version ng Tamagotchi. Nakapaloob dito ang mga pinakamasayang karanasan na meron ang Neo Geo Pocket. Ang layunin ng larong ito ay napakasimple. Panatilihing masaya si Little Ganbere sa pamamagitan ng pagkontrol sa paligid nito. Kapag nasiyahan si Ganbere, ito ay gagawa ng mga mini-games na pwede mong laruin katulad ng Asteroids at King of Fighters. Ni-release ito noong taong 2000. Beyond The Destiny: The Last Blade Ang serye ng Last Blade ay naging paborito ng karamihan at higit na naging sikat pa kaysa sa Samurai Shodown! series. Ang Neo Geo Pocket ay walang kawala rito. Mas malalim at makahulugan ang mga laro sa Last Blade kesa sa Samurai Showdown 2. Katulad ng Match of the Millenium, ang Last Blade ay maraming karakter na pwedeng pagpilian at gayundin ang iba’t ibang istilo ng paglalaro at level ng pagiging extreme nito. Maganda ang animation at may kakayanan ito na mangokolekta ng mga special scrolls at dalawang mini-games. Inilabas ito noong taong 2000. Ang Pocket Tennis Ang larong ito ay may black and white version ngunit mas maganda ang makulay na bersyon nito. Katulad ng Neo Turfmasters, ang larong ito ay may mga features na may mga nakakaaliw na character design, instant ang pag-access sa gameplay at may mga kalaban na mahirap talunin. Ngunit dahil sa capacity ng cart, ang animation ay hindi ganun kaganda noong inilabas ito. Ini-release ito noong taong 1999. Marami pang iba’t ibang laro ang Neo Geo Pocket Color na siguradong kaaaliwan ng lahat. Ito ay maaaring laruin ng matanda, bata o kahit sino pa…

Puzzles of Color: Ang Bagong Business ng Magkapatid

Puzzles of Color: Ang Bagong Business ng Magkapatid

Nagsisimula nang bumalik ang mga simpleng laro gaya ng mga board games habang ang coronavirus pandemic ay patuloy na nagdudulot ng problema sa mundo. Ang magkapatid na Ericka Chambers at William Jones ay nagpasya na magsimula ng isang negosyo na magbibigay-pansin sa Black representation pati na rin ang pagtataguyod sa kanilang mga pangarap. Ang Puzzles of Color ay isang series ng mga jigsaw puzzle na lumilikha ng larawan na kmakatawanu sa black culture kapag nabuo. “Ideya ito ni Ericka,” sabi ni Jones. “Sinabi niya na nais niyang gumawa ng mga puzzle base sa mga artwork ng aking kamag-aral sa Lamar University na si Kwanzaa Edwards. Marami siyang magagandang artwork ng mga Black Women.” “Naisip ko na maganda itong ideya at wala pang nagagawang ganito sa market, kaya’t nagkita kami para masimulan at mapagplanuhan ito.” Isa pa sa pumukaw ng interes ng magkapatid ay ang pagtaas ng global sales ng mga puzzle games simula nang magka-pandemic. Ipinagmamalaki din ng magkapatid na ang Puzzles of Color ay isang tech-free game at isa ring art. Ang mga art na nabubuo sa Puzzles of Color ay gawa ng mga Women of Color sa Amerika. Maganda itong pandisplay sa bahay. Maa-appreciate mo ang bawat detalye ng art sa dahang-dahang pagbuo nito. “Nakipagtulungan kami sa mga artists sa buong bansa at nais naming magkaroon ng iba’t ibang representasyon ang mga artist. Mayroon kaming ilang mga digital artist, mga contemporary artist, at pati na mga abstract artists. Marami silang nakuhang magagandang feedback mula sa mga bumili. Sinabi ni Chambers na nakakuha sila ng mga mensahe mula sa mga tao na nagsasabi kung gaano kaespesyal para sa kanilang makita ang kanilang sarili. Aniya, nakakataba raw ito ng puso dahil ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya sinimulan itong project. Sinabi ni Chambers na isa itong side-project sa kasalukuyan. Sa umaga, inaalagaan niya ang kanyang anak na babae habang nagtsi-check ng email messages tungkol sa kanilang negosyo bago pumasok sa kanyang pangunahing trabaho. Si Jones naman ay pumupunta sa bahay nila para gumawa ng puzzles at mag-process ng mga order.   Sa pagtatapos ng kanyang trabaho sa hapon, babalik si Chambers sa bahay para mapagplanuhan nila ni Jones ang mga susunod na hakbang sa negosyo. Sunod na gagawin ni Jones ang mga marketing tasks at si Chambers naman ang mag-aasikaso sa customer service. Nagagamit daw ni Chambers sa Puzzles of Color ang kanyang skills sa pagiging project manager. Si Jones naman ay isang graphic designer. Ginagamit niya ang kasanayan niya dito para gumawa ng branding at mga marketing graphics. Nasisiyahan si Jones na gamitin ang kanyang graphic design at printing skills sa kanilang negosyo. Alam ni Jones na mahirap makahanap ng trabaho sa pagiging graphic designer dahil competitive ito sa job market. Pero masaya pa din siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging entrepreneur. Umamin din si Chambers at Jones na may mga panahon na hindi mabuti ang lagay ng kanilang negosyo. Isa sa mga naging hamon sa kanilang project ay ang mga delay sa kanilang vendor o supplier. Naapektuhan ang kanilang production schedule dahil dito. Nagiging sagabal din ang pandemya sa pag-asenso ng kanilang negosyo. Dahil ginagawa nila ang lahat sa kanilang bahay kung saan andun din ang kanyang anak. Hindi sila makapagdagdag ng taong pwedeng tumulong sa kanila bilang safety measure. Mabuti na lang at mayroon silang mga kapamilya sa loob ng Covid bubble na pwede nilang mahingian ng tulong. Sa simula pa lang, sinabi ng magkapatid na mahaba ang pinagdaaanan nila sa pag-aaral ng manufacturing. Nakuwento nila na nakuha nilang sira ang makina na tutulong sana sa paggawa ng puzzles. Kinailangan pa nilang maghanap ng isang specialist para ayusin ito. Pinag-aralan din nila ang wastong paggamit ng makina para maiwasang masira itong muli, pati na ang tamang sukat sa paggawa ng “cuts” ng puzzle, para hindi masayang ang mga materyales. Nagkakaroon rin sila ng problema sa logistics paminsan-minsan. Isa na rito ang mga delay sa delivery dahil sa Covid. Nagkaroon lamang sila ng “big break” noong naipakita ang kanilang project sa CBS evening news at iba pang news outlets. Pero kahit ang oportunidad na iyon ay gumawa din ng panibagong problema. Hindi sila nakapag-adjust kaagad sa pagtaas ng demand. Masyadong mataas ang demand kumpara sa output ng kanilang production. Pero kahit dumami ang pagsubok, nagpapasalamat sila sa kanilang mga parokyano na mahaba ang pasensya at malaki ang pag-intindi sa kanilang sitwasyon. “Maging handa na may mga mangyayaring kabiguan,” sabi ni Jones. “Ang sikreto sa pagsisimula ng isang negosyo ay ang pagpapanatili ng kasimplehan nito.” Sinabi rin ni Chambers na dapat maging handa ang isang tao na isakripisyo ang kanyang oras para mapagpatuloy ang tagumpay ng negosyo. Maraming oras at araw ang kailangan kapag nagsimula ng negosyo. Kasama na pati ang mga oras na laan sana sa pagpapahinga. Sadyang mahirap, pero masarap kapag nagagawa at nakakamit ang sariling pangarap. Misyon ng ‘Colors of Puzzle’ Nagsusumikap ang ‘Colors of Puzzle’ upang itaguyod ang libangan na free-technology  para sa lahat ng tao, kahit ano pa ang edad. Nagtatampok ang interactive art na ito ng makukulay na gawang-sining at inaasahan na lilikha ng mga karanasan at alaala na panghabangbuhay.   Tungkol sa ‘Colors of Puzzle’ Ang Colors of Puzzle ay isang black family-owned business na pinamamahalaan ng magkapatid na sina William at Ericka. Gumagawa sila ng mga puzzles bilang isang pamilya mula pa noong nasa elementarya sila. Nasisiyahan sila sa hamon ng pagbuo nito at sa mahabang oras na ginugugol ng pamilya habang sama-samang tinutunghayan ang mga likhang-sining. Sa pag-uumpisa ng kanilang negosyo, napansin nila ang ilang problema: (1) ang koleksyon ng imahe na madalas ay hindi kumakatawan sa kung sino sila; at (2) kapag nagustuhan nila ang isang puzzle, hindi naman nila mahanap ang frame na akma para rito. Kaya’t napagpasyahan nilang gawin ang mga ito gamit mismo ang kanilang mga kamay at lumikha ng isang kumpanya na gumagawa ng puzzles na tutugon sa mga isyung nabanggit. Ngayon ay naisakatuparan na nila hindi lang ang kanilang pangarap kundi pati ng maraming tao na nag-aantay…